At dahil self-love nga, it's time to spoil myself a little bit.
After kong bumili para sa pa-birthday ni Brandy, bumili din ako ng facial mask, moisturizer, make-up at iba pa. Napansin ko kasi na parang dry na yung face ko kaya dapat naman magayos ako.
Bumili din ako ng ilang stock ng pagkain at pati ilan pang toiletries.
Mabuti na lang, sale si Watchon.
Pagdating ko sa apartment ko, wala naman akong ibang gagawin kundi magluto ng konti tapos maligo para naman marelax agad.
Gusto ko man magrelax, kaso pag nandito ako at magisa, naiisip ko parin yung ex ko.
After namin magbreak ni Robin, lumipat ako sa isang di kalakihan na apartment. Halos kalahati din ng renta yung nabawas kasi pang-single lang talaga ito.
Aaminin ko, sobrang hirap mag-adjust after nung break-up namin.
Ilang araw din akong tulala kahit sa trabaho.
Gusto ko man maging kapakipakinabang, wala parin talaga kong magawa.
Umiiyak parin ako kahit simpleng bagay lang ang maalala ko.
Hinahanap ko parin ang presence nya, which is dapat di ko na ginagawa. Masyado na kong kawawa sa isip ko.
Ang dami kasing what if's.
What if kinaya naming yung trial?
What if nagka-work ako agad?
What if kung di ako makakalimutin?
What if kung nagka-growth ako?
What if kung naging sapat lang ako?
Yun talaga yung tanung kung pagsasama-samahin.
Pero sabi ko nga, dapat yung mga sinabi niya yung gamitin ko as my stepping stone.
Papatunayan ko sa kanya at higit sa lahat sa sarili ko na mali siya.
Salamat na lang talaga na kahit papaano, nagiging okay na ko.
The next morning, panay follow-up sa akin nung mga katrabaho ko.
Bukas na kasi yung pa-birthday nila kay Brandy.
Masaya naman ako kasi may palibreng dinner nanaman at makakabawas sa gastos ko sa gabi. Kaya feeling ko win naman ako dito.
"Guys, may suggestions pa ba kayo kung paano siya issurprise?" tanung ko sa kanila habang nasa pantry kami nung umagang yun.
"Lois, ikaw nalang magisip. Wala din kaming idea eh."
"Oo nga Lois, total expertise mo naman to eh!"
"Tama, ikaw na magisip,"
Talaga bang gusto nilang tumulong? Samantalang kanina sinabi nila kung need ko daw ng tulong, available naman sila.
Or feeling ko, wala naman talagang tunay na kaibigan si Brandy sa kanila? Kasi halos lahat sila hindi alam kung ano yung mga gusto niya eh. Wala silang maitulong sa akin.
Di nila alam favorite food niya or even colors.
Pero ang alam ko lang na gusto niya ay si Kai.
Kausapin ko na ba si Kai para i-invite?
Wala akong napala dun sa pakikipagusap ko sa mga katrabaho ko.
Wala naman silang ibang masabi kundi wala sila idea, or ako na lang magisip. Bakit ako yung parang eager na bigyan siya ng surprise?
Patago akong nakasilip sa may malapit sa table ni Kai.
Coffee break ko, pero inaksaya ko yung 15mins ko para lang ma-invite siya.
Sasama kaya ito? Sana naman sumama.
Napatitig ako sa kaniya.
Seryoso at alam mong focus siya sa work.
Kumukunot-noo siya habang nagbabasa ng files tapos diretso sa laptop niya.
Ngayon ko lang napansin na parang brownish yung buhok niya, mahaba din yung pilik-mata niya, matangos ang ilong at maganda yung mga kamay.
SANA ALL na lang talaga!
Sorry na, yun kasi talaga ang tinitingnan ko sa isang lalake, +100 din pag perfect yung ngipin!
Masyadong perfect tong taong to. No wonder most of the girls here in the office are totally into him.
Sana lang talaga kung pala-ngiti siya at di masungit.
"LOIS,!!!"
Nabigla ako nung tawagin niya ko.
"Anong ginagawa mo diyan?"
Di ko napansin na nakita na pala niya ako.
Patay na!
"Ah, hehe, wala may hinahanap lang akong papel dito sa gilid." Sinubukan ko kung makakalusot.
"Papel? Those are garbage, you know?"
Baliw ka Lois!!! Puro kalat nga naman dito, bakit yun pa palusot mo?
"A-AH, oo kala ko kasi dito tinangay ng hangin eh." Pakamot ng ulo na sabi ko.
"You're weird." Sabi niya.
WOW AH!?
Nilayasan ko siya after niya sabihin yun.
Weird pa nga.
Failed yung mga attempts ko na ayain siya simula coffee break ng morning, lunch break at coffee break sa hapon.
Palagi siyang busy at palagi din siyang may iba pang kausap.
Nakasilip nanaman ako sa gilid malapit sa table niya. Uwian na at nagtataka ko bakit di pa siya tumatayo para magayos ng gamit.
Sinubukan ko pang maghintay ng ilan pang minute.
15mins.
20mins.
30mins.
Wow ha, di parin siya tumatayo.
Halos mag-6PM na!!! Ganito ba siya ka-dedicated?
I-promote niyo na nga ito!!!
"Lois, for the fourth time today, can you state your concern? Stalker k aba?"
At alam pala niya. Jusko.
'P-paano mo nalaman?" nagtataka na ko kasi di naman ako halata, diba?
"You've been following me on lunch, until coffee break. I saw you sneaking around."
Inayos na niya ung mga gamit niya at naghahanda nang umuwi.
"Hayy, walang maitago sa iyo eh nu."
And he just smirks. Wow ha?
"So, anon gang kaylangan mo?"
Sabihin ko na ba? Nakakatulala lang kasi na nakahinto siya sa ginagawa niya at nakatingin lang sa kin sa kung anong sasabihin ko sa kaniya. Full attention teh!
"A-about sana sa birthday surprise ni Brandy-" bigla niya kong pinutol
"Do you want me to go?"
Ano daw? True ba?
"Ha?"
"I said, do you want me to go? Don't make me repeat myself, you know I hate that."
Hatdog!!
"Kai, that would be amazing!!! I'm sure matutuwa si Brandy kasi nandun ka! Ano pwede k aba bukas?"
Hindi siya sumasagot, sumimangot lang din siya. Nakatingin lang siya sa kin na parang tinubuan ako ng dalawa pang ulo. Bakit di to sumagot agad? Anyare?
Bigla siyang tumayo at kinuha yung bag niya. Nagayos siya ng konti sa table niya.
"Let's go," ang sabi niya after niyang lumakad papuntang pinto.
"Ha? B-bukas pa yung party Kai!"
He sighed.
"When I said Let's go, it means come with me. And don't make me repeat myself again. Let's go."
Pero inulit mo parin!!!
Wala akong nagawa kundi sumunod sa kaniya. Let's go daw eh. Tapos hindi parin siya sumasagot sa tanung ko.
Ano kaya yun?
A/N:
Thank you po sa support! ^^