Brix Tinungga niya ang isang bote ng alak at walang tinira kahit isang patak doon. "Ang aga mo namang umiinom ng alak. Nakokonsensya ka na ba sa ginagawa mo kay Athena?" Umupo si Hernandez sa tapat niya habang may hawak ng tasa na may lamang kape. "Sinusunog mo ba ang atay mo? Walang yelo tapos straight mong iniinom?" "Hapon na hindi na umaga, saka masarap naman." "Anong masarap, kailan pa naging masarap ang alak na walang yelo?" "Ngayon lang." Napailing naman ito. "Tsk, kung ako sayo, aayusin ko na ang nasimulan mo Brix. Mas lalong lumalala ang ginagawa mo dahil sa kanya." "Paano?" "Nakapagplano ka nga nung una, ngayon pa kaya." "Iba naman 'yon, Hernandez. Ngayon mas mahihirapan ako kung paano dahil malaki ang kasalanan ko." "Kasalanan mo 'yan, masyado ka kasing nagpadalos-dalos

