Brix Nang tumunog ang tracker ni Athena ay agad siyang sumugod sa bar, dapat ay late siyang pupunta doon, pero nang nalaman niyang nasa panganib si Athena ay hindi siya nagdalawang isip na pumunta agad. Pag tumunog ang tracker ay ibig sabihin, inalis ni Athena ang kwintas sa katawan nito, kaya alam niyang emergency iyon. Pero habang sinusundan na nila ang tracker ay bigla iyong nawala at nawala rin ang pulang dot sa hawak niyang tablet. Kinabahan siya ng sobra dahil iyon lang ang tanging makakapagturo kung saan dadalhin si Athena, pero bigla pang nawala. Nagwawala talaga siya kagabi sa loob ng kotse habang driver si Hernandez dahil doon, hindi niya makakaya na mawala si Athena. May isang kasalanan pa siyang madadagdag kay Athena, siya si Francis. Ang mukha at boses na alam na alam ni At

