Brix Nakatayo siya sa isang lugar kung saan maraming puno at parang may bundok sa kanyang harapan habang hinahangin ng malakas ang dahon na nakabagsak sa lupa. "Naabutan mo ba?" Napabuntong-hininga siya. "Oo." "Anong ginawa mo?" "Wala." "Hindi mo man lang ba siya pinigilan?" "Hindi." "Bakit?" "Sa tingin ko, kaya naman siya nagdesisyon na lumayo ay dahil rin sa akin, so bakit ko pa siya pipigilan kung mabibigo lang ako sa huli?" "Ang hina mo naman, dapat lumuhod ka at umiyak sa harap niya habang nakahawak sa maleta niya, for sure hindi na tutuloy sumama si Athena kay Spencer." Pinaningkitan niya ng mata si Hernandez. "Kung ikaw kaya ang gumawa no'n, akala mo naman madaling lumapit kay Athena. Alam na niya kung sino ako." "Kasalanan mo rin naman kasi, ang dami mong pakulo, puwede

