CHAPTER 23 (PART 4) ** NAIH POINT OF VIEW ** Nakatitig lang ako kay Avo na para bang hindi makapaniwala sa naririnig ko. Ang dating babaero ay nagsasabi ng mga ganitong linya sa harapan ko? Kung iisipin ay napakahirap talagang paniwalaan dahil ano bang totoo sa mga sinabi niya? Nararamdaman ko naman kahit papaani na sincere siya pero hindi pa rin mawala sa puso ko na matakot para sa nararamdaman ko. “Pero bakit? Bakit mo ipinangalan sa akin o sa atin ang yate na ‘yan—” “Dahil ikaw lang ang nag-iisang babaeng minahal ko ng sobra.” Putol nito sa tanong ko. I was paralyzed to my bones. Tama ba yung narinig ko? Tama ba yung sinabi niya? Sa sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib ay natatakot akong pati si Avo ay naririnig na ito. I was not expecting that kind of

