bc

NIGHTMARE FROM YESTERDAY

book_age18+
424
FOLLOW
1.2K
READ
fated
second chance
twisted
bxg
rebirth/reborn
gorgeous
seductive
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Maybe it’s not always about trying to fix something broken. Maybe it’s about starting over and creating something better. – Zarniah Sandoval

I was given a chance to go back to the past to correct the mistakes that I made in my life. Little did I know that my journey to the past would make me forget all the memories that I had from the future.

And now, my task is to avoid the man who abandoned me from the future. Will we meet again? Would I do the same mistake again? The question still remained.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Prologue     "'Stop crying!" utos ko sa anak ko na kanina pa umiiyak. He's my first baby, Zachary Drew, Zeke for short. Magdadalawang taong gulang na si Zeke pero hanggang ngayon ay napakaiyakin pa rin. Masyado siyang clingy at pag nakikita niya ako ay lagi siyang nagpapakarga o kung minsan na lang ay iiwak siya saka magpapakarga. Minsan nga nainisip ko ay isang budol-budol tong anak ko.     "Unga. Unga!" iyak ng aking anak. It's 1:30AM and he keeps on crying. Halos wala na nga akong tulog, at pagod na pagod pa ako. Tiningnan ko si Zeke at hindi ko mapigilang umiyak. Pagod pa ako sa trabaho tapos sa gabi halos hindi pa ako patulogin ng anak ko.   "Bakit ba nagkaganito ang buhay ko?!" yumuko ako. Dalawa na kaming umiiyak ng anak ko. Bakit ba kasi siya umiiyak? Kanina pa siya iyak nang iyak. Halos gabi-gabi laging ganito ang eksena naming dalawa ng anak ko. Hindi pa nga ako tapos sa paglalaba kanina ay umiiyak na siya, sa tuwing nagpapahinga ako ay umiiyak siya at kahit sa pagtulog ko ay umiiyak siya. Minsan nga binabangungot ako sa iyak niya.     I was 20 years old when I got pregnant. Hindi kami nagkatuluyan ng ama ni Zeke dahil sumama ito sa ibang babae. Mula noon ay nagkaletse-letse na ang buhay ko. Pinagpatuloy ko ang batang nasa sinapupunan ko kahit na wala na ang lalaking bumuntis sa ‘kin. Hindi naging hadlang ‘yun para ipagpatuloy ko ang buhay ko. Minsan nga lang ay nakakaranas ako nang klase-klaseng problema na minsan nahihirapan rin akong sulosyonan tulad na lang ng pagiging iyakin ng anak ko.     "Ate Zarniah, bakit umiiyak si Zeke?" biglang sumulpot ang kapatid kong si Zeah saka lumapit sa 'min para kargahin ang anak ko. "Baby, andito na si Tita. Bakit ka umiiyak?"     Huminga ako nang malalim. 'Thank God!' Nakapahinga na rin ako. One thing about having a sister is pwede mo siyang kapalit pag napapagod ka na. Bumalik ako sa kama ko at humiga.       "Zeah, ikaw muna bahala kay Zeke. Inaantok pa ako." sabi ko at pinikit aking mga mata.   "Pero ate -"   "Ssshhhh. Patulugin mo muna siya." pigil ko sa kapatid ko at ilang sandali pa ay nakatulog na ako.     'I love you, Zarniah.' nagising ako dahil sa isang bangungot mula sa nakaraan. Napabalikwas ako saka ko hinanap si Zeke. Darn! Nasaan ang anak ko? Agad akong tumayo para lumabas ng kwarto. Anong oras na ba?   "Zeah? Zeke?" tawag ko sa dalawa. Pumasok ako sa kwarto ni Zeah pero wala sila roon. Bumaba ako ng hagdan saka pumunta sa kusina pero wala sila roon. Agad akong pumunta sa may pintuan at binuksan 'yun at hanapin sila sa labas.     "Zeah!" sigaw ko. Umikot ako sa may likod ng bahay namin at nakita ko si Zeah na masayang nakikipaglaro kay Zeke sa may pool. Naliligo silang dalawa roon kaya napabuntong hininga akong lumapit sa kanila.     "Kanina ko pa kayo hinahanap ah." agad kong kinarga si Zeke. "Nilalamig kang bata ka. Zeah, alam mo namang bata pa si Zeke. Bakit mo siya pinaligo rito?" tanong ko sa kanya habang binabalot ng tuwalya ang anak ko.     "Pasensya na Ate. Naglalaro lang naman kami ni Zeke." hindi ko na pinansin si Zeah at pumasok na kami sa loob ng bahay. Sumunod naman agad ang kapatid ko para magbihis.       "Pupunta tayo ngayon sa Memorial Park. Puntahan natin si Mom." panimula ko pagkababa ni Zeah. Tumango naman agad si Zeah. "Nakita ko si Avo kahapon. Hinanap ka niya." napahinto ako.   "Nakauwi na pala siya?" gulat na tanong ko, "Anong sinabi mo?"   Si Avo ang dating best friend ko. Ilang taon niya akong niligawan pero iba ang pinili ko dahil na rin sa ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Maraming nangyari sa ilang taon na pagkakaibigan namin at marami rin akong pinagsisihan noong hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataon na maging kami. Nahihiya ako dahil pagkatapos ng mga nangyari at pagkatapos ng mga ginawa niya para sa ‘kin ay mas pinili ko pa rin ang taong hindi ko naman masyadong kilala.     "Sinabi ko dating address pa rin natin. Bakit parang namumutla ka ate? Gusto mo ba ng tubig?" tumikhim ako.     "No. 'Wag na," binihisan ko si Zeke, "Pwede bang 'wag mo ng sabihin kay Avo ang tungkol kay Zeke?"   "Hindi niya pa ba alam, Ate?" tumango ako. Walang kaalam-alam si Avo tungkol sa anak ko. Umalis siya noon para ipaubaya ako sa iba pero naging mapait ang sinapit ko sa lalaking ‘yun.     "Mas mabuti na hindi niya na malaman," halos pabulong kong sagot.   "Hindi mo naman pwedeng itago habangbuhay si Zeke, Ate." tiningnan ko si Zeah. Hinawakan niya ang kamay ko, "Alam kong nahihiya kang sabihin sa iba na may anak ka. Alam kong marami kang pinagsisihan at alam ko rin na natatakot ka sa pwedeng mangyari. Nararamdaman kita Ate kaya sana lang 'wag mong hayaang maramdaman rin 'to ng anak mo." tumulo ang luha sa 'king mga mata saka ko tiningnan si Zeke na busying-busy sa kakalaro ng pampers niya.   "Hindi pa ako handa -"     "Inisip mo sana 'yan bago niyo ginawa ng lalaking 'yun ang mga bagay na 'yun. Hindi mo habangbuhay matatago sa best friend mo ang tungkol kay Zeke. Hayaan mo siyang malaman niya -"     "Zeah, please!" pigil ko sa kanya. "Pwede ba hayaan mo muna akong magdesisyon ngayon?!" hindi siya nakapagsalita kaya pinagpatuloy ko ang pagbibihis kay Zeke. Sasabihin ko naman. ‘Wag na muna ngayon.   "Ate, 'wag kanang magkakamali ngayon. Masasaktan mo si Zeke. Sana isipin mo muna ang anak mo bago ang lahat." Saka niya kami iniwan ni Zeke. Napailing na lang ako. laging ganito si Zeah, lagi niya akong pinagsasabihan ng kung ano-ano. Minsan nga naisip ko kung kapatid ko ba siya o nanay.     Pagkatapos naming mag-usap ni Zeah ay hindi na siya sumabay sa 'kin sa puntod ng aming ina. Sinabi niyang may pupuntahan siya pero alam kong umiiwas lang siya. Narating ko ang Memorial Park kung saan nilibang si Mom.   Gemma T. Sandoval June 20, 1968 - July 2, 2018   Tiningnan ko ang puntod ng ina ko saka tiningnan ko si Zeke sa stroller niya. Pinunasan ko ang luha sa 'king mga mata.   "Kung nakinig lang sana ako sa ‘yo, Mom." napayuko ako. Mom died when she found out that I was pregnant. Ilang beses niyang sinabi sa 'min na 'wag kaming magpapaloko dahil ayaw niyang mangyari sa 'min ang nangyari sa kanya. Alam niyang hindi magiging madali sa aming magkapatid sa oras na mangyari ang kinakatakutan niya pero dahil sa 'king katigasan ng ulo ay nagpadaig ako sa pagmamahal.     Nabuntis ako at iniwan ng lalaking mahal ko. Nalaman 'yun ni mom kaya nagalit siya at sa mismong araw na 'yun ay inataki siya sa puso. Labis na lungkot ang nanaig sa amin ng mga oras na 'yun. Hindi ko matanggap ang mga nangyari pero hindi ako iniwan ni Zeah at tinulungan niya ako sa pagbubuntis ko kay Zeke.   Si Mom ang gusto kong makasama sa mga oras na 'yun pero wala akong ibang ginawa kundi ingatan ang sarili ko para sa magiging anak ko. Tinanggap ako ng mga Tita at Tito ko. Ilang beses din nilang sinasabi na wala akong kasalanan, na blessing ang bata sa sinapupunan ko pero iba ang nasa utak ko.     "Mama, mama," nilingon ko si Zeke na tinatawag ako. Ilang sandali pa ay nagsimula na naman siyang umiyak. Tinitigan ko lang siya habang umiiyak. Ewan ko ba na sa tuwing umiiyak ang anak ko ay talagang naiinis ako, nawawala ang pasensya ko. 'Yung tipong wala akong maramdaman bukod sa pagmamanhid ng dibdib ko.   Kung hindi ba ako nabuntis noon, posible bang buhay pa si Mommy ngayon? Pinunasan ko ang luha sa mata ko. Mula ng isinilang ko si Zeke, 'yun na ang laging tanong ko sa sarili ko. May nawawala at may ibinigay, may ibinigay at may nawala. Kung sana hindi ako nagpadala sa damdamin ko, at kung sana nakinig lang ako kay Mommy. Tumayo ako at tumingala. Pinikit ko aking mga mata at nang minulat ko muli ito ay nilibot ko ang paningin ko.   Walang masyadong tao.   Tiningnan kong muli si Zeke na hindi na pala umiiyak. Ganyan siya, iiyak tapos ilang sandali ay tatahimik na naman at saka maglalaro ng kung ano mang mahawakan niya.   "I'm sorry," I almost whispered. Inosente akong tiningnan ng aking anak na tila ba nagtatanong kung anong sinasabi ko. Pinunasan ko ang luha sa 'kin mga mata at dahan-dahang umatras. "I'm sorry,"   "Ma ma.." tumalikod ako dali-daling naglakad papalayo sa lugar na 'yun. Papalayo sa puntod ng ina ko at sa anak ko. Ilang beses niya akong tinawag at napahagolgol ako habang paulit-ulit na tinatawag na 'Ma ma' ni Zeke. Wala akong karapatan maging ina, hindi pa ako handa, hindi ko kaya!     Sana hindi ko na lang siya sinilang. Sana wala na lang Zeke sa mundo. Kung hindi lang sana ako nagmahal at niloko sana hindi ko na lang siya sinilang. Marami akong pagsisisi at sana mapatawad mo 'ko anak. Kung wala ka sana andito ngayon ang ina ko. Ang Mommy ko, kasalanan ko kung bakit namatay si Mom. Sana buhay pa siya ngayon at sana kasama ko siya ngayon. Bakit ang lupit ng pagkakataon? Hindi pwedeng dalawa sila ang piliin ko, kailangan kong mamili at kung papipiliin ako ay mas pipiliin ko ang ina ko, ang Mommy ko.   Napaupo ako. Nasasaktan ako sa mga nangyari sa buhay ko. Bakit ako ang pinili ng Dyos para sa ganito? Hindi ko kaya ang problemang to? Kung pwede ko lang balikan, kung pwede ko lang sanang bagohin ang lahat.   Lumingon ako sa likod at hindi ko na namamalayan ang sarili kong tumatakbo pabalik sa anak ko, pabalik kay Zeke. Masakit sa ‘king mawalan ng buhay at alam kong masasaktan rin ako sa oras na mawala sa ‘kin si Zeke. Hindi ko maintindihan. Mas marami ang pinagdaanan namin ni Mommy pero bakit bumabalik pa rin ako sa taong bumago ng buhay ko? Rinig na rinig ko ang iyak ng aking anak, nasasaktan ako dahil nasasaktan ko si Zeke. Dali-dali ko naman siyang kinarga at niyakap nang mahigpit.   "I'm sorry, I'm sorry!" hinalikan ko siya sa labi, sa noo, at sa pisngi. May kung anong bumasag sa puso ko dahil sa iyak ng aking anak. Napakasama mo Zarniah! Paano mo nagawa ‘to sa anak mo?     "Zeke, I'm sorry anak. I'm sorry, baby." niyakap ko siya nang mahigpit.   "Ma ma," umiiyak na sabi nito. May kung anong pumisil sa dibdib ko dahil sa mga ginawa ko. Ano bang nangyayari sa ‘kin?   "Ssshhhh. Don't cry, baby." agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa.   "Zeah, pakisundo kami ni Zeke -"   "Umiiyak ba si Zeke? Ano na naman ang nangyari sa kanya?" nag-aalalang tanong niya. Kilala ko si Zeah, sa oras na malaman niya ang ginawa ko paniguradong mapupuno ako ng sermon niya at paniguradong lalayasan nila ako kasama ang anak ko.   "Please, Zeah, sunduin mo muna kami." I begged. Ayoko ng pag-usapan at ayoko ring isipin. Naiinis ako sa sarili ko lalo na sa kasamaan ko. I closed my eyes at inisip na sana bangungot na lang ang lahat, na sana magising na ako sa mahabang panaginip na ‘to. Sana paggising ko kasama ko ulit si Mom at sana masaya ko pang babaguhin ang mga nangyari sa ‘kin. Ngunit alam kong huli na ang lahat at kahit anong tanggi ko sa sarili ko, hindi ko na maibabalik ang nakaraan.   "Okay sis. I'm coming.."  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
827.6K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.9K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
543.9K
bc

My Husband's Mistress

read
298.5K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
82.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook