CHAPTER 1
Ano ba ang pinagkaiba ng pagkakaroon ng buong pamilya at pagtataguyod ng isang pamilya na ikaw lang mag-isa?
Kahit kailan hindi ko naranasan magkaroon ng buong pamilya dahil bata pa lamang kami ay palaging wala si Dad. Halos hindi siya umuuwi sa bahay at palaging nandoon sa babae niya. Kaya sinabi sa amin ni Mom na hindi kami mag-aasawa ng katulad ni Dad. Dapat naming kilalanin ang lalaking mamahalin namin. Isang habilin ng aking ina na hindi ko man lang natupad. Nagkamali ako at nagsisisi ako. Ilang beses kong pinagsisihan ang mga pagkakamali ko. Halos wala na yatang tamang nangyari sa buhay ko at nagkaletse-letse na ang lahat.
"Ate, papasok ka ba ngayon?" tumango naman ako. Isa akong manager sa isang kilalang restaurant rito sa amin. Malaki rin ang sahod kaya kumuha ako ng yaya para sa anak ko. Hindi madaling kumayod lalo pa’t may binubuhay ka. Maraming gastosin mula sa gatas, pampers, at sa yaya ng anak ko. Mabuti na lang at scholar ang kapatid ko at sumasideline rin para makatulong sa gastosin sa bahay.
"Oo, mamaya na." sagot ko habang nililikot ang cellphone ko. Talagang na adik na ako sa f*******: sa kakascroll ko. Minsan lang rin ako nakakahawak ng cellphone at ‘yun ay pag nasa bahay lang ako.
"Ate, gising na si Zeke. Paliguan mo na," rinig kong sabi ni Zeah.
"Si Nanay Mely na lang magpapaligo sa kanya. May ginagawa pa ako." sinearch ko kaagad si Avo at talaga ngang nakabalik na siya rito sa Pilipinas. Ang saya-saya niya sa mga litrato niya at halatang-halatang nag-eenjoy siya kasama ang mga kaibigan namin dati. Kasal na kaya siya? Teka, may girlfriend ba siya?
"Ate -" bigla akong nainis.
"Ano ba, Zeah? Kanina ka pa ah! Ang ingay mo! Maligo ka na nga lang at pupunta ka pa sa University niyo!!" utos ko sa kanya at umupo muli sa sofa. Tinatamad pa akong gumalaw kaya nag open muna ako sa youtube para tingnan ang mga videos ng mga idolo ko.
"Ate," hindi ko siya pinansin, "Ate!!" tawag ulit ni Zeah kaya tiningnan ko siya ng masama.
"Puro ka na lang Ate! Ate! Ate! Pwede ba, Zeah?! Maligo ka na at baka ma late ka pa!" utos ko.
"Ate ano ba?!!!" sigaw niya kaya napahinto ako sa pinapanuod ko, "Puro ka na lang cellphone, f*******:, youtube! Naiisip mo pa ba ang anak mo ha?!" napakunot ang noo ko. Para niya akong sinampal sa sinabi niya! Ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya? Na wala akong pakialam sa anak ko? Ganun ba?
"Zeah -" magsasalita sana ako nang pinigilan niya ‘ko.
"Wala ka na ngang panahon sa anak mo dahil sa trabaho mo tapos hindi mo pa siya maalagaan ngayong nandito ka pa sa bahay-"
"Anong gusto mo Zeah? Tumigil ako sa pagtatrabaho?! Ganun ba?" hinarap ko siya. Kung hihinto ako sa trabaho, ano na lang ang mangyayari sa ‘min? Hindi ko na matutostusan ang anak ko. Mag-isa lang akong bumubuhay sa anak ko at walang ibang tutulong sa ‘kin kundi ako lang. Sarili ko lang ang kakampi ko, "Minsan na nga lang ako makapagcellphone, pipigilan mo pa?"
"Anong minsan Ate? Halos wala kang ibang inatupag kundi 'yang cellphone mo. Gising na nga si Zeke. Hindi mo pa ba siya aasikasuhin?" tinaasan ko siya ng kilay, “At hindi ‘yan ang ibig kong sabihin. Oo, may trabaho ka pero sana pag wala ka sa trabaho mo sana magkaroon ka rin ng panahon para sa anak mo.”
"May yaya nga ako, Zeah! Ano pang silbi ng binabayad ko kung hindi niya mapaliguan ang anak ko?!" napailing si Zeah. “At anong walang panahon na halos buong gabi na kaming magkasama!?”
"Anak mo siya, ate. Higit kanino man ikaw ang dapat mag asikaso sa kanya!" napanganga ako. Hindi ko ba naaasekaso ang anak ko?
"At sa tingin mo hindi ko siya inaasikaso, inaalagaan? Com'on Zeah. Nag ce-cellphone lang ako saglit bago pumasok sa trabaho -"
"'Yun na nga, papasok ka na nga sa trabaho hindi mo pa mabigyan ng panahon ang anak mo!" narinig kong biglang umiyak si Zeke mula sa kwarto. Tiningnan ko siya nang masama saka tinulak para makadaan ako papunta sa kwarto. Pero bago ako umakyat papunta sa kwarto ay tiningna ko muli si Zeah.
"Wala ka kasing alam. Palibhasa hindi mo alam ang pinagdaanan ko. Hindi ka ina kaya 'wag kang magsalita -"
"Hindi ako ina Ate pero hindi rin ako bulag." sagot niya saka pumasok sa CR. Hinayaan ko na lang siya. Laging ganyan si Zeah sa tuwing pakiramdam niya ay napapabayaan ko si Zeke. Hindi ko naman siya kasama sa tuwing umiiyak at dumedede si Zeke tuwing dis oras ng gabi kaya mas naiinis ako. ‘Yun pang hindi nila alam ang kadalasan nilang sinusumbat. Nagsasalita sila na para bang alam at nakikita nila ang bawat galaw ko. Wala naman silang alam, oo nakikita nila ang mga nangyayari sa paligid pero hindi nila alam ang nararamdaman ko.
-
Naghahanda na ako para umalis. Hinayaan ko na si Zeke kay Nanay Mely. Pagkapasok ko sa restaurant ay naging busy na rin ako dahil malapit na ang tanghalian. Ganito na ang naging takbo ng buhay ko mula ng mamatay si Mommy. Kung dati halos lahat ng galaw ko puro na lang Mommy ganito, Mommy ganyan. Pero ngayon gagalaw na ako ng mag-isa.
"Good morning, Ma’am." narinig kong bati ng isa sa mga staff ko. Naging busy na rin ako sa sales ng kompanya.
Ilang sandali pa ay tinawag ako ng isang staff.
"Ma'am, may gusto po sanang makipag-usap sa inyo. Nasa taas po sila." napakunot ang noo ko. Sino namang maghahanap sa ‘kin ngayon? Tiningnan ko ang orasan at lampas lunch na pala. Hindi ko man lang namalayan.
"Sino?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi niya po sinabi ang pangalan niya, Ma'am." lumabas naman ako mula sa office ko at umakyat sa second floor para makilala ang nagpatawag sa 'kin.
"Andito na pala siya," I turn my head to the group of friends na nasa pangalawang table. It was Avo and his friends, Tres and Gab. Napalunok ako. Sila lang naman ang iniiwasan kong makasalubong mula nang mabuntis ako. Dahan-dahan akong ngumiti habang papalapit sa pwesto nila.
"Zarniah!" agad naman akong nilapitan ni Avo saka niyakap. Hindi ako nakareact sa ginawa niya. It’s been four years mula noong huli naming pagkikita. No communication and no more hi and hello. Basta na lang siyang nagpakalayo sa ‘kin and now he’s back.
"Niah," humiwalay sa 'kin si Avo kaya yumakap na rin sa 'kin ang dalawa, Gab and Tres. Ngumiti naman ako sa kanila na para bang walang nangyari noong nakaraan kung saan pinagtabuyan ko silang tatlo dahil akala ko ‘yung ang makabubuti sa ‘min ng lalaking mahal ko.
"Hindi nga kami nagkamali ng makita ka namin dito." sabi ni Tres saka ako inakbayan.
"Matagal ka na rin kasing hinahanap ni Avo," biglang sabi ni Gab at nakita ko pang pinandilatan sila ni Avo.
"Gusto ka lang sana naming kamustahin, Niah." Biglang yumuko si Avo. Napangiti ako. Tulad dati ay hindi niya pa rin kayang makipagtitigan sa 'kin. ‘Wala pa rin bang nagbago, Avo?’
Umupo muna ako sa table nila para makipagkwentohan sandali. They are my friends from the University of Wilson. Si Avo naman ay kababata ko siya at talagang malapit kami sa isa't-isa noon. Kaya lang si Avo talaga ang mas nakasama ko nang matagal dahil mula pa lang high school ay magbestfriend na kaming dalawa.
"CR muna ako," paalam ko sa kanilang tatlo saka tumayo.
Mula noong graduating pa lamang kami ay madalas ko ng kasama si Avo. Dumistansya lang siya sa 'kin dahil kay Jack. Naglakad na ako pabalik sa lamesa namin pero napahinto ako ng marinig ko ang pag-uusap nila.
"Sa pagkakaalam ko, may anak na si Niah." napahinto ako at nagtago muna sa likod nila. Hindi nila pansin ang kinaruroonan ko pero rinig ko naman ang pinag-uusapan nila. Hindi ko alam bakit nagtatago ako kung pwede naman ako mismo ang magsabi sa kanila pero wala akong lakas ng loob na sabihin ‘yun lalong-lalo na sa matalik kong kaibigan, si Avo.
"Tres, hindi tayo sigurado sa bagay na 'yan. Hindi ko siya nakitang may kasamang bata -" salita ni Gab.
"There's nothing wrong kung may anak man siya," rinig kong wika ni Avo. "Hindi rin naman halata sa kanya." Napayuko ako habang nakikinig sa kanila. Ewan ko ba, bigla akong nahiya sa sarili ko. Kung kanina panay ang ngiti ko ngayon parang nawala lahat ng ngiti sa labi ko.
"You know what, Bro. Mas mabuting ihatid mo siya mamaya para malaman natin." hindi nagsalita si Avo sa sinabi ni Tres.
"Ano bang masama kung may anak na siya? Natural lang naman 'yun dahil babae siya." narinig ko pang tumawa si Gab. "She's the campus queen back then. Past is past mga bro," tumahimik sila. Napapikit ako at pinakiramdaman ang sarili ko bago ako lumapit sa kanila at pilit na ngumiti.
"Ahm. Niah, may susundo ba sa ‘yo mamaya?" panimula ni Tres. Ngumiti ako sa kanya at pilit kong kinalimutan ang mga narinig ko kanina.
"Actually may gatherings kami mamaya ng mga staff ko. Dinner meeting,” tipid na sagot ko. Nagtingin naman silang tatlo.
“Baka pwedeng hingin namin ang number mo, Naih? Para matext ka namin sa reunion.” Tumango naman ako.
Pagkatapos naming mag-usap kanina ay umalis rin agad sila. Ramdam ko ang mga titig ni Avo, alam kong gusto niya akong kulitin at kausapin pero pinigilan niya. Maraming nagbago kaya hindi ko siya masisisi kung bakit lumalayo na siya sa ‘kin ngayon. ‘Yung tipong malapit lang naman kami pero pakiramdam ko ang layo naming dalawa.
He’s the first man I loved pero hindi ko siya pinili hindi dahil best friend ko siya kundi dahil alam ko kung gaano siya kababaero. Natatakot ako noong pinagtapat niya ang nararamdaman niya sa ‘kin. Natapot ako na baka isa ako sa magiging laruan niya kaya tinanggihan ko siya. Ngayon, tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung tama ba ang naging desisyon ko noon?
*
Pumunta ako muli sa puntod ni Mommy. Mag aalas-singko nang hapon at wala na masyadong taong bumibisita. Umupo ako sa harap nito at ngumiti.
“Hi, Mommy.” Hinawakan ko ang nakaguhit na pangalan ng aking ina, Gemma T. Sandoval. “Nagkita kami ni Avo kanina Mom. Alam mo Mom, nakakatuwa lang isipin na ang dating iniiwasan ko ay masaya na ngayon samantalang ako nananatili pa rin sa madilim na nakaraan.” Pinunasan ko ang luha ko.
“Kung maibabalik ko lang sana ang nakaraan, Mommy. Kung pwede ko lang sanang bagohin ang mga nangyari noon. Mommy, marami akong pinagsisihan, marami akong ginawa noon na muntik ko ng hindi makilala ang sarili ko. Sana, sana lang, Mom,” pinunasan ko ang luha ko at yumuko, “Sana lang magising na ako sa bangungot na ‘to. Sana paggising ko andyan ka pa para magawa ko ang mga bagay na hindi ko nagawa noong buhay ka pa, at sana Mom paggising ko hindi totoo itong mga nangyayari ngayon sa buhay ko. Mommy, gustong-gusto kong balikan ang nakaraan kung saan nandoon ka at kung saan nahahawakan, nakikita at nayayakap kita. Ma, please, sana magising na ako.” unti-unti kong pinikit ang mga mata ko.
**
“Zarniah! Zeah! Nasaan na ba kayong mga bata kayo?! Male-late na tayo!” napabalikwas ako ng marinig ko ang boses ni Mommy.
“Zeah, narinig mo ba ‘yun? Narinig mo ba ang boses ni Mommy?” gulat na tanong ko. “Zeah, si Mommy.” Bumangon naman si Zeah sa tabi ko at gulat akong napatitig sa kanya. ‘Bakit biglang bumata si Zeah?’ “Anong nangyari sa ‘yo?” nauutal na tanong ko.
“Ate, tawag na tayo ni Mommy.” Parang hindi narinig ni Zeah ang tanong ko. Bumaba yata ang edad niya ng anim na taon. Ano kayang skin care ang ginamit niya? Nakakunot ang noo kong bumangon mula sa kama at napahinto ng makita ko ang itsura ko sa salamin. Literal na nalaglag ang panga ko habang nakatitig sa itsura ko.
“Anong nangyari sa mukha ko?” nauutal na tanong ko saka hinawakan ang pisngi kong namumula dahil sa kapal ng liptint na nailagay, nakakalat na rin sa mata ko ang eyeliner na gamit ko at pati yata ang labi ko ay may lipstic pa pero ang mas kinagulat ko ay tila nawala ang mga kulobot ko sa noo. Parang bumata yata ako?
“Zarniah! Hindi ka pa ba bababa?” nagulat na naman ako nang makita ko si Mommy na galit na galit sa harapan ko. Ang mukha niyang laging nakakunot habang binabanggit ang pangalan ko, at ang nakapameywang na itsura nito. Hindi ko namamamalayan ang sarili kong umiiyak na pala.
“Mommy,” tawag ko sa kanya at dali-daling yumakap sa rito. Yinakap ko siya nang mahigpit na para bang kahit anong oras ay mawawala na siya na parang bola. Umiyak lang ako nang umiyak habang binabanggit ang salitang, ‘Mommy.’
Kung panaginip lang ‘to sana hindi na ako magising pa pero alam ko ilang sandali na lang ay magigising na ako dahil ilang sandali na lang ay iiyak na si Zeke para dumede na naman. Palaging ganun ang nangyayari sa tuwing napapanaginipan ko si Mommy kaya hindi na ako magtataka kung magising na lang ako sa panaginip na ‘to.
“Zarniah! Ano ba ang nangyayari sa ‘yong bata ka?” napahiwalay ako kay Mom. “Bakit ka umiiyak? May nangyari ba?” napakunot ang noo ko habang nakatitig sa mukha ni Mom. Ilang beses ko ng napapanaginipan si Mommy pero ngayon ko lang mas natitigan ang mukha niya na parang totoong buhay siya.
“Mommy,” napabuntong hininga si Mom.
“Kanina ka pa tawag nang tawag sa ‘kin. Ano bang problema? May nangyari ba? Tingnan mo nga ‘yang itsura mo. Lasing ka na namang umuwi kagabi.” Napaatras ako.
“Mom, anong nangyayari?” tanong ko sa kanya na parang hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya. “Ba-bakit ka nandito? Anong nangyari? Teka, saan ka pupunta Mom?!” pigil ko sa kanya ng akmang aalis siya.
“Kung binabangungot ka pa, hala matulog ka pa! Male-late na kami ng kapatid mo,” tiningnan ko ang uniporme ni Mommy. She’s wearing her school uniform, of course, she’s a teacher after all. Nakatitig lang ako sa pinto kung saan lumabas si Mommy at hinintay na magising ako sa panaginip na ‘to pero ilang minuto na ang nagdaan pero hindi man lang ako naalis sa kung saan ako nakatayo.
“What the hell is happening?” hindi makapaniwalang tanong ko. Bakit hindi pa rin ako bumabalik sa kwarto namin ni Zeke? Bakit andito pa rin ako sa dating kwarto namin ni Zeah? Napaatras ako at ilang beses kong kinusot ang aking mga mata.
“Bakit hindi ako magising? Zeke, Zeah?” napaupo ako sa kama, “Bumalik ba ako sa nakaraan?”
Parang nalunok ko ang dila ko sa mismong tanong ko. Bumalik ba ko? Unti-unting nagflash sa utak ko ang mga nangyari. Si Zeke, si Mommy, si Avo, si Zeah, ang puntod ni Mommy. Bigla akong nakaramdam ng hilo.
“Ate,” nilingon ko si Zeah sa may pinto na nakasuot na ng kanyang uniporme, “Lasing ka pa ba?” unti-unti kong pinikit ang mga mata ko at muling nilamon ng kadiliman.
‘Mommy,’ I whispered.