CHAPTER 55 - A ** THIRD PERSON POINT OF VIEW ** “Paano mo ko nagawang lokohin?” deretsong tanong ni Zarniah habang kaharap si Jack. Nandito sila ngayon sa police station kung nasaan nakakulong si Jack. Pinaliwanag ni Naih kay Avo na gusto niyang kausapin si Jack sa huling pagkakataon. Gustong malaman ni Zarniah kung anong gusto nitong mangyari at kung bakit niya nagawang takutin siya gamit ang anak nila. “Bakit mo to nagawa sa ‘kin? Hindi mo alam kung anong epekto nito sa anak ko hah?!” galit na tanong ni Zarniah sa harap ni Jack pero para bang balewala ito kay Jack. “Hindi mo ba naisip ang epekto nito sa anak na ‘min?!” galit na tanong ni Avo at pilit pinipigilan ang sarili niya. Galit siya kay Avo pero dahil sa napag-usapan nila ni Zarniah kanina ay pinigilan niya ang s

