Chapter 44 ** NAIH POINT OF VIEW ** Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para akong nakakita ng multo. Hindi ako makapaniwala na nandito siya sa harapan ko ngayon. Ilang taon na nga ba mula nong huli kaming nag kita? Apat? Lima? Mula noon ay wala na akong balita sa kanya. Tiningnan ko ang kabuohan niya. Nakasuot siya ng dark blue na polo shirt habang nakapamulsa at nakaharap sa 'kin. Tulad ko ay nagulat rin siya nang makita niy ako. "J-jack," tawag ko ulit sa pangalan niya. Lalapit sana siya sa kinatatayuan ko pero mabilis kong hinarang ang kamay ko, "Don't." "Naih, its been five years." I rolled my eyes. Yes, its been five years mula nang magkahiwalay kami at malaki na ang anak na 'min. Gulat ko siyang tiningnan nang maalala ko si Zeke. Hindi niya alam ang tungkol sa anak na 'min

