CHAPTER 19 ( PART 3 ) ** NAIH POINT OF VIEW ** "Tapos na ang klase plus walang pasok bukas equals HEAVEN!! Whohoho!" Yey! Mahaba-habang pahinga na rin sa wakas. Pakiramdam ko kasi sobrang napagod ako nong weekend. Bakit nga ba ako napagod nong weekend? Err! Hindi ko masabi kung bakit, basta napagod ako. Daig ko pa ang nanalo sa lotto sa way ng pagkasigaw ko sa loob ng room dahil talagang feel na feel ko pa talaga ang moment. Kiber ko sa kanila! Nagtinginan sa ‘kin lahat ng mga palabas na estudyante. 'Yung style ko kasi nun ay prenteng nakaupo habang nakataas ang dalawa kong paa sa upuan na nasa harap ko with matching inat effect pa at ngiti ng malapad, parang feel at home lang ang peg. Pagkalabas na pagkalabas kasi ng matandang prof namin ay nagdiwang na agad ako. A

