CHAPTER 60 - B ** NAIH POINT OF VIEW ** Kahahatid lang na 'min kay Zeah sa airport at pareho kaming walang imik ni Avo sa loob ng sasakyan. Tanging boses lang ni Zeke at ni Zoey ang naririnig na 'min. Minsan naman ay nag uusap si Zeke at Avo habang ako ay tahimik lang na karga si Zoey. Naalala ko pa ang naging reaksyon ni Avo kanina ng makita niya si Zoey. Halatang hindi niya maitatanggi ang anak niya. Kamukhang kamukha niya si Zoey lalo pa sa tuwing inaantok ito. Kuhang kuha niya ang mukha ng ama niya. Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Avo nang tiningnan niya ako pero hindi na siya nagsalita pa. Alam kong kokomprontahin niya ako mamaya pag kami na lang dalawa. Nagpapasalamat rin ako at nanatiling kalmado si Avo kanina sa mga nalaman niya. Kahit ang kapatid ko na si

