CHAPTER 47 ** THIRD PERSON POINT OF VIEW ** Pagkatapos nang mga salitang binatawan ni Avo kagabi ay hindi na sila nag-usap. Hinayaan na lamang ito ni Zarniah na makatulog at makapagpahinga. Ang akala niya ay mawawala na ang sumpong nito kinabukasan pero nagkamali ito. Mas lalong lumala si Avo pagkagising nito. Mabuti na lang at nasa labas si Zeke at nakikipaglaro sa yaya nito. “We have to talk, Zarniah.” Yun lang ang sinabi nito bago tuluyang lumabas sa kwarto. What the hell was that all about? Galit ba ito? Nalilitong sinundan niya ito papuntang sala. Nakita niyang may isang brown envelope at isang folder sa lamesa. Umupo ito sa isang upuan harap niya. He looked dead serious. Was something amiss? May nangyari ba sa kompanya? May nagawa ba siyang mali? Napaisip ang

