CHAPTER 8 (PART 2)

2951 Words
  CHAPTER 8 ( PART 2 )   ** NAIH POINT OF VIEW **   Isang lingo na rin ang nagdaan at sa susunod na buwan ay Grade 10 na kami. Wala namang masyadong nangyari sa bakasyon ko dahil palagi akong nasa bahay at tinutulungan si mommy. Nung una ay nagtataka na naman ang kapatid ko at si mom kung bakit hindi man lang ako gumala. Sinabi ko naman na nakakatamad at wala rin naman akong pupuntahan.   Totoo naman kasi dahil inaway ko ang mga dati kong kaibigan. Ewan ko ba kung kaibigan ba ang tawag dun dahil kilala lang naman nila ako pag gusto nilang makasama ang F3. Ang totoo ay wala silang pakialam sa ‘kin kahit malasing ako. Narealized ko ‘yun nong tumatanda na ako. Iba talaga ang nagagawa sa ‘yo pag nagkakaedad ka na.   “Dumalaw kahapon sila Avo, Tres at Gab rito pero tulog ka.” Narinig kong sabi ni mommy habang naghahanda ng almusal na ‘min. Kapitbahay ko lang kasi ang tatlong ‘yun kaya paniguradong pumunta lang sila rito para kulitin ako.   “Hayaan mo sila, mom. Talagang bored lang ang mga ‘yun.”   “Ilang araw ka na rin daw hindi nila nakikita. Bakit kasi hindi ka lumabas at sumama sa mga kaibigan mo?” tiningnan ko si mommy pero balewala lang sa kanya ang sinabi niya. Hindi naman siguro nila ako pinapalayas ‘di ba? Eh, sa ayaw kong lumabas. Mas gusto ko rito sa bahay. Manunuod lang ng palabas kasama si mommy, makikipaglaro ng scramble kay Zeah, tulungan si mommy sa gawaing bahay at makipagchikahan kay mom. Ano namang masama sa ginagawa ko?   “Oo nga, Ate. Nakakaamoy na ako sa ‘yo. Bakit palagi kang nandito sa bahay.” Binatukan ko naman ang kapatid ko. “Aray!”   “Bakit ba? Mas gusto ko rito, eh. Kayo ha,” tiningnan ko si mom at Zeah, “Dati nong umaalis ako at naglalakwatsa, kayo ang pumipigil sa ‘kin tapos ngayong nandito ako sa bahay parang gusto niyo naman akong palayasin.” Nagtatampong sabi ko. Umupo naman si mom sa harap na ‘min ni Zeah.   “Hindi naman sa ganon, Naih. Syempre, dalaga ka na. You should enjoy your days with your friends. ‘Wag ka lang papasobra.” Tumango naman ako sa sinabi ni mommy. Of course, I would do that pero sa tingin ko ay hindi nila naintindihan ang salitang enjoy. Dapat ginagawa mo to sa taong mahal mo. Si mommy lang naman ang dahilan kung bakit ako bumalik sa lugar na ‘to at itutuon ko lahat ng atensyon ko sa kanya.   “Friend would go, mommy. I wouldn’t mind.” Ngumiti ako saka ako kumuha ng hotdog at kinagatan ito. “Napapalitan ang kaibigan pero ang magulang hindi.” Hindi na sumagot si mom at Zeah kaya naman kumain na lamang kami.   Pagkatapos kumain ay lumabas ako sa bahay at tiningnan ang mga alaga ni mom na mga halaman. Diniligan ko ito saka ako napalingon sa gate nang may nag door bell. Lumapit ako dun at nakita ko si Avo na nakasuot ng jersey at pawis na pawis.   “Saan ka galing?” tanong ko saka binuksan ang gate. “Bakit pawis na pawis ka? May laro ba kayo?” he remained silence, sweats is all over the nape of his neck.     Lumapit sa ‘kin si Avo saka niya inabot ang bola niya.   “What?” He stared at me like forever. He struggled to find words but then he smirked. Psh! Ano na naman kayang nasa isip ng lalaking ‘to?   “Can I stay here?” napakunot ang noo ko kaya ngumiti siya.   “And why –“   “I missed auntie Gemma. Matagal tagal na rin akong hindi nakakapunta rito.” Sabi niya saka naunang maglakad papunta sa loob. I rolled my eyes.   “Matagal? Sabi ni mommy pumunta kayo rito nong nakaraan ah,” naalala ko kasi ‘yung sabi ni mom na pumunta silang tatlo rito para bisitahin ako. Nakakapagtaka nga at siya lang mag-isa ang pumunta ngayon. Paniguradong kasabay niya maglaro si Gab at Tres pero hindi niya man lang sinama papunta rito.   “Ah.” Huminto siya at humarap sa ‘kin, “Hindi naman kami nagtagal non. At isa pa, may pinuntahan kami nila Tres kaya hindi ako nakapag kwentohan kay tita.”   Hinayaan ko na lang si Avo na pumasok ng bahay. Ganon naman siya lage kahit nong mga bata pa lang kami. Madalas siya sa bahay at nakikipag usap kay mommy ng kung ano-ano tapos ilang oras lang ay uuwi na siya. Dati nong mga bata pa kami ay madalas kaming maglaro pero nang dumating si Tres at Gab ay naging madalang na lang ang pagpunta niya rito.   “Sa nalaman ko kay Zarniah, ikaw na naman ang top one sa klase niyo ah? Ang talino mo talagang bata ka.” Pagkapasok ko sa bahay ay ‘yun agad ang narinig ko. Oo na, siya na ang matalino at ako na ang bobo. Kaya minsan naiinis ako sa tuwing nandito si Avo dahil nagmumukha talaga akong bobo. Psh!   “Zarniah, halika muna. Sabayan mo muna ‘to si Avo at mamalengke lang kami ni Zeah para tanghalian na ‘tin.” Gulat kong tiningnan si mommy.   “Bakit hindi na lang siya umuwi –“ pinandilatan ako ng mata ni mom saka niya tiningnan si Avo.   “Ito talagang anak ko, napaka sumpungin. Sige, hijo. Samahan mo muna si Zarniah at mamalengke lang kami.” Ngumiti si Avo kay mommy habang kumakain ng masanas saka ako tiningnan. Napasimangot naman akong tiningnan si mommy.   “Pero mom –“   “Sige na, Zarniah. Kunin mo muna ‘yung naiwan na damit ni Avo rito. Hayaan mo muna siyang maligo sa banyo ng kwarto mo. Pwede rin dito sa baba –“   “Mom!” tawag ko kay mom at nakita ko pang natawa si Avo sa inaasal ko pero wala akong pakialam. Oo, may damit rito si Avo dahil gaya nga ng sabi ko madalas siya rito at minsan nag sleep over siya rito nong birthday ni Zeah. Sinabi ko sa kanya na isama niya si Tres at si Gab pero pumunta siya rito mag-isa at natulog siya sa sala na ‘min ng mag-isa. Ewan ko ba sa lalaking ‘to. Malapit lang naman ang bahay nila sa bahay na ‘min pero mas madalas siya rito kesa sa mansion nila.   Nang makaalis si mommy ay agad akong pumunta sa kwarto at hinanap ang damit ni Avo.   “Wala pa rin pa lang nagbago sa kwarto mo,” napalingon ako sa may pinto at nakita ko si Avo na nakatayo ron at tinitingnan ang kwarto ko. Pumasok siya para tingnan ang loob ng kwarto ko saka siya huminto sa kama ko. “Kama mo ‘to ‘di ba?”   “Yep. Psh! Sige na, maligo ka na. Ito ‘yung damit at towel mo –“   “Dito na ako maliligo.” Saka siya lumapit sa banyo.   “Sa baba kana maligo.” Hindi niya na ako pinatapos at pumasok na sa banyo. Napabuntong hininga na lang ako saka ko siya kinatok.   “Dito ko na lang sa kama ilalagay ang damit mo ha. Hintayin na lang kita sa baba.” Hindi siya sumagot, “Feel at home, bestfriend!” sigaw ko saka ako lumabas ng kwarto.   Nilibot ko ang paningin ko sa bahay na ‘min saka ako umupo sa sofa. Ang sarap sa pakiramdam na bumalik sa nakaraan. Ilang beses kong hiniling non na sana maibalik ko ang mga oras na kasama ko si mommy. ‘Yung mga panahon na nakakausap, nakakasama at nahahawakan ko siya. Kaya ngayong kasama ko siya ay hindi ako magsasawang lambingin si mommy, hindi ako magsasawang kulitin siya, kausapin siya at mahalin siya tulad ng binibigay niya sa ‘min. With this, I will never regret everything.   Tumingin ako sa hagdan at nakita kong nakatayo ron si Avo at nakatitig sa ‘kin. Sa sobrang gulat ko ay muntik nang lumabas ang puso ko at sapakin siya. Psh! Tiningnan ko siya ng masama saka ko lang napagtanto na tanging towel lang sa kanyang bewang ang nakabalot sa katawan niya.   “Anong ginagawa mo dyan? May balak ka bang patayin ako sa gulat?” Hindi siya sumagot saka ito bumaba ng hagdan at lumapit sa ‘kin. “What?”   “Hindi ka ba naapektohan sa mala Johny Bravo kong katawan?” saka niya tinuro ang abs niya. Natawa ako sa sinabi niya kaya tumayo ako para humarap sa kanya. May katangkaran si Avo pero hindi kaya kailangan ko pang tumingala para labanan ang titig niya. “Hindi ka ba naakit sa katawan ko?” saka niya ako kinindatan.   “Ha!” hindi makapaniwalang sabi ko, “Kahit pa maghubad ka sa harapan ko, Avo –“   Dali-dali akong tumalikod ng hinubad niya ang towel sa bewang niya.   “Ano ba!” sigaw ko.   “Bakit hindi ka naakit sa ‘kin? Halos lahat ng babae nagkakagusto sa ‘kin, bakit ikaw na sarili kong bestfriend? May mali ba sa mata mo? Oh, baka tomboy ka?” natawa ako sa sinabi niya.   “Unang una, walang mali sa mata ko. Hindi ako naakit sa ‘yo dahil gaya nga ng sabi mo ay bestfriend kita. Mula pagkabata hanggang ngayon ay kaibigan kita kaya hindi pwedeng magkagusto ako sa ‘yo. Number 1 rule ‘yun ng mag bestfriend –“   “Sinong may sabi?” natatawang tanong niya.   “Ako!” sigaw ko habang nakatalikod sa kanya, “Pangalawa, hindi ako tomboy! Sadyang wala lang talaga akong makitang espesyal sa ‘yo. At isa pa, pwedeng magbihis ka na at baka makita tayo ni mommy at ano pang isipin non . .ano ba?!” sigaw ko nang hinila niya ang kamay ko paharap sa kanya.   “Look, hindi naman ako nakahubad. Binibiro lang kita.” Tiningnan ko ang katawan niya at may suot pala siyang boxer. Napabuntong hininga ako at umupo sa sofa.   “Magbihis ka na nga ng maayos ron –“   “Bakit? Naiilang ka ba?” tiningnan ko siya ng masama. “Bakit mo ba pinipilit na maapektohan ako sa ‘yo ha? Kahit anong sabihin mo hindi ko sasabihing may gusto ako sa ‘yo o kung may nararamdaman man ako sa ‘yo dahil magkaibigan tayo.” Natawa siya sa sagot ko saka siya tumayo.   “That’s the reason why I stay with you as your bestfriend.” Humarap ako sa kanya at nakita kong nakangiti siya na para bang may naalala.   “Ano bang iniisip mo?”   “Baka kasi isa ka rin sa mga babaeng umaasang gusto ko sila kahit hindi naman.” Natawa ako sa sinabi niya.   “Asa! Hoy, bes! Kaibigan na tayo simula pa lang nong elementary tayo kaya ‘wag kang mag assume na lahat ng ginagawa ko sa ‘yo ay dahil lang sa mahal kita o gusto kita. Ha! Ginagawa ko rin naman to sa mga kaibigan na ‘tin ah. Nakikipag usap rin ako kay Tres at Gab, tinatrato ko rin sila tulad ng pagtrato ko sa ‘yo.”   “Pero hindi mo sila hinayaang matulog rito,” I rolled my eyes.   “Dahil hindi mo naman sila sinama. Nag solo flight ka rito –“   “Whatever, Sandoval!” agad ko namang tinapon sa mukha niya ang hawak kong unan.   “Magbihis ka na nga! Puro ka satsat, eh!” tinapon niya pabalik sa ‘kin ang unan saka siya naglakad pabalik sa hagdan.   “Kahit kailan ka talaga –“ hindi ko na narinig ang sinabi niya ng makaakyat na siya sa itaas. Nagkibit balikat na lang ako saka ako napaisip. Hindi ako pwedeng mahulog sa lalaki lalo pa at nandito na ako sa nakaraan. Sa oras na mangyari ‘yun ay siguradong huli na ang lahat. Ayokong saktan si mommy at ayokong maulit ang pagkakamali ko non.   * “Kainan na!” tawag sa ‘min ni Zeah. Nandito kami ngayon ni Avo sa garden at sinamahan niya akong diligan ang mga tanim ni mommy.   “Let’s eat.” Sabi ko kay Avo at agad naman siyang sumunod sa ‘kin papasok sa loob ng bahay. Agad kaming pumasok sa kusina at naabotan na ‘min si mommy at Zeah na naghahanda ng makakain na ‘min.   “Kumain na tayo.” Habang nasa hapagkainan ay hindi maiwasang magkwento ni mommy tungkol sa mga nangyari nong mga bata pa lang kami ni Avo. Tuwang tuwa siya habang kinukwento ang kakulitan na ‘min noon at hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin kaming dalawa. Hindi ko maiwasang titigan si mommy habang kinukwento ang nangyari sa nakaraan.   Halatang masaya si mommy dahil nagkaroon ako ng kaibigang tulad ni Avo. Hindi ko maintindihan kung anong meron sa ngiti ni mommy pero hindi ko maiwasang titigan siya. Ganito pala ang pakiramdam habang nakatitig ka sa ina mo habang kinukwento kung gaano ka nito kamahal.   “Tingnan mo ngayon si Zarniah, malaki ang nagbago sa kanya. Sa tingin ko ay nagmamatured na siya ngayon.” Napahinto ako sa pag-iisip ng marinig ko ang pangalan ko.   “Bakit nasama na naman ang pangalan ko?” nakangusong tanong ko at saka uminum ng tubig.   “Oo nga, ate. Malaki ang pinagbago mo. Sabihin mo, may boyfriend ka na noh?” gulat akong napatingin sa kapatid ko.   “Wala ah!” nakita kong nakangiti si Zeah habang tinutukso ako. Tiningnan ko si mom na nakangiti habang si Avo naman ay hindi maipaliwanag ang mukha. Natatae ba siya? “Wala nga! Bakit naman ako magkakaboyfriend –“   “Why not, Zarniah? Dalaga ka naman at normal na ‘yan ngayon –“   “Mom!” tumayo ako at tiningnan sila na tumatawa habang si Avo ay blankong nakatingin sa ‘kin. “Makinig kayong mabuti sa sasabihin ko, mom, Zeah, Avo. Una, wala akong boyfriend. Mauuna pa akong magkaroon ng alagang pusa kaysa magkaroon ng hindi maipaliwanag ng siyensya na sakit ng ulo. Hindi ako magkakaboyfriend, wala akong planong magkaboyfriend at hinding hindi ako magkakaboyfriend –“   “’Wag kang magsalita ng patapos, Ate –“   “Pangalawa, nagbago ako? Hindi ako nagbago dahil sinusunod ko lang ang liwanag at umalis sa kampon ng kadiliman. Maniwala man kayo o hindi pero sinampal sa ‘kin ang katotohanan na walang pang habang buhay sa mundo kaya kung gusto kong walang pagsisihan sa hinaharap ay kailangan kong magbago.” Natulala sila sa sinabi ko habang ako naman ay habol hiningang tumayo at umalis sa harapan nila.   Bakit ba napakabig deal nang biglang pagbago ko? Hind na ba talaga pwedeng magbago ang tao? Kaasar! Ilang sandali ko pang kinalma ang sarili ko nang tinawag ako ni mommy para ihatid si Avo. Psh! Bakit ko pa siya ihahatid e alam niya naman ang daan pauwi sa kanila. Kahit naiinis ako ay agad ko rin namang sinunod si mommy. Nangako ako sa sarili kong gagawin ko lahat ng gusto ni mommy kahit labag sa loob ko. Haist!   “Hindi mo naman ako kailangang ihatid. Para namang ako ang babae sa ‘ting dalawa.” Tumaas ang kilay ko sa  tono ng boses ni Avo. Malapit lang naman ang bahay nila rito dahil nasa susunod na kanto lang  Tiningnan ko siya at nakangiti siya habang hawak ang bola niya. Humarap siya sa ‘kin, “Totoo ba ‘yung sinabi mo kanina?”   “Saan dun?”   “Yung wala kang boyfriend,” I rolled my eyes.   “Of course! Wala nga. Bakit ayaw niyong maniwala?” tanong ko. Hindi na nagsalita si Avo hanggang sa marating na ‘min ang bahay nila.   “Hindi ka ba papasok?” umiling naman ako at tiningnan siya. Kung tutuosin ay gwapo naman talaga si Avo pero hindi siya ‘yung tipo ko. Malakas rin ang s*x appeal niya at magaling siya sa lahat ng bagay. Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ko nga ba naging kaibigan si Avo?   “’Wag na. Sa susunod ko na lang babatiin si tito –“ napahinto ako sa pagsasalita nang huminto ang sasakyan nila sa harapan na ‘min at lumabas si Tito Sebastian. Ngumiti ako sa kanya at ilang sandali pa ay may babaeng lumabas sa kabilang pinto ng kotse. Nilingon ko si Avo na blankong nakatingin sa bagong girlfriend ng daddy niya.   “Hija, napadalaw ka.” Lumapit sa ‘min ang babaeng kalalabas lang sa kotse saka ito pinakilala ni tito. Mukha namang mabait pero halatang mas bata siya kay tito. Tiningnan ko si Avo sa tabi ko.   “Ah, hindi po tito. Hinatid ko lang si Avo galing kasi siya sa bahay –“   “You’re really my son, Avo.” Makabuluhang sabi niya habang nakatitig sa anak niya. Bigla akong hinawakan sa kamay ni Avo saka naman pumasok sa loob ang daddy niya at kasama nitong babae. Nakita ko ang galit sa mga mata ni Avo kaya pinisil ko ang kamay niya.   “Hey,” tawag ko sa kanya. “Are you okay? Gusto mo ba –“   “Just go.” Binitawan niya ang kamay ko saka siya naglakad papasok sa gate nila pero bago siya pumasok ay sinulyapan niya ako.   “Itext mo ko pag nakauwi ka na.” tumango naman ako saka naglakad paalis sa bahay nila.   Bigla kong naalala ang sitwasyon ngayon ni Avo. Isa sa rason kung bakit nananatili akong kaibigan ni Avo dahil alam ko ang kwento nila niya at ng pamilya niya. Sana lang hindi na naman siya maglasing ngayon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD