CHAPTER 9 (PART 3) ** NAIH POINT OF VIEW ** Mag iisang decada na rin pala mula nang maging mag kaibigan kami ni Avo, habang si Gab at Tres naman ay mag lilimang taon ko na silang kaibigan. Masyadong mabilis ang panahon at ngayon ay mga binata na ang mga gusgusin na kaibigan ko. Parang kailan lang ay naglalaro pa lang kami nang taguan tapos ngayon ay nagtataguan na kami ng feelings! Psh! Assuming ba ako? Parang kinareer ko yata ang sinabi sa ‘kin ni Jenny kanina sa banyo. “Feel mo talaga gustong gusto ka ng F3.” Naalala ko pang sabi niya. Ang totoo niyan ay ramdam ko namang gusto rin ako nila Gab, Tres and Avo. We were friends for years and since then, they become my super not supportive bestfriend. I rolled my eyes while having the thought. Siguro sasabihin ng mga chismosa kong kaklase

