CHAPTER 30 (PART 2) ** NAIH POINT OF VIEW ** “Mommy,” tawag ko kay mommy. Mula kagabi ay hindi na na ‘min iniiwan pa si mommy. Nanatili lang kami sa hospital at nakabantay sa kanya. Halos araw-araw at minu-minuto ang siyang pinupuntahan ng doctor. Inaamin kong nag-aalala na kami ni Zeah sa pwedeng mangyari kay mommy. Sinabi rin ng doctor na kailangan na na ‘ming ihanda ang sarili na ‘min sa pwedeng mangyari kay mommy pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami handa ni Zeah sa maaring mangyari. “Mommy, please.” Tawag ko kay mommy at hinaplos ang kamay niya pero nanatiling nakapikit si mommy. “Ate, lalabas muna ako.” Tiningnan ko si Zeah at tulad ko ay namamaga rin ang mga mata niya dahil sa kakaiyak niya. Kahit sino siguro na nasa sitwasyon na ‘min ay talagang hindi matat

