CHAPTER 8 (PART 1)

1802 Words
CHAPTER 8 ( PART 1 )   ** NAIH POINT OF VIEW **   “Naih, tawag ka ni ma’am A!” napalingon ako sa kaklase ko. Agad ko namang niligpit ang mga gamit ko saka ako humarap sa tatlong kaibigan ko na busy sa cellphone nila.   “Samahan na kita,” niligpit ni Avo ang mga gamit niya saka siya tumingin sa ‘kin, “Let’s go.” Ngumiti ako at tumango.   Habang naglalakad kami sa path way ay panay lingon sa ‘min ng mga babae habang si Avo naman ay nasa tabi ko at pinapaulanan sila ng malakiller smile na ngiti. Haist! Kahit kailan ay wala talaga siyang pinagbago. Nasanay na rin ako sa ugali niya na kahit ilang beses niyang itanggi ay halatang halata naman ang pagiging playboy niya. Tiningnan ko ang kamay niya sa balikat ko saka ako napailing. Siguro kung ako ang girlfriend nito ay walang araw na hindi ako mag-aalala na baka mambabae siya.   “What?” tanong niya ng inangat ko sa kanya ang paningin ko. Sobrang lapit tuloy ng mukha na ‘min pero hindi naman ako apektado. Sa ilang taon na magkasama kami ni Avo ay ni minsan hindi sumagi sa isip ko na mailang, kiligin o kabahan sa tuwing kaharap siya. Hindi tulad ng ibang babae na akala mo isang uod na nilalagyan ng asin pag nakikita tong katabi ko. Napabuntong hininga na lamang ako.     “’Yung kamay mo,” ngumiti siya at dahan-dahang tinanggal ang pagkakaakbay niya.   “Arte!”   “Psh! Bakit ka ba kase akbay nang akbay. Pwede ka namang umakbay sa mga babae mo.” Sagot ko at agad nahanap ang faculty. Papasok na sana ako sa loob ng pinigilan ako ni Avo, “What?” tiningnan ko ang mukha niya at parang may bago sa mga mata niya. Hindi ko Mabasa kung anong emosyon ang pinapakita niya kaya mas lalo akong nagtaka, “Bes?”   “Nagseselos ka ba?” napakunot ang noo ko sa tanong niya. Bakit naman ako magseselos?   “Avo –“   “Syempre, bestfriend kita, baka nagseselos ka.” Tumawa siya ng mapakla kaya muli akong humarap sa kanya, “Nevermind. ‘Wag ka nang magselos dahil hindi ko naman inaakbayan ang ibang babae –“   “Eh, anong ginagawa mo sa kanila?” natatawang tanong ko. Ngumisi siya kaya lumaki ang mga mata kong tiningnan siya. Alam ko na ang laman ng utak niya kaya bago pa man siya magsalita ay agad ko na siyang pinigilan, “Don’t you dare, Hontiveros! Pervert ka talaga!” saka ako umalis at pumasok sa loob ng faculty. Narinig ko pa ang tawa niya sa labas pero hindi ko na pinansin ‘yun.   Alam ko rin naman kung anong sasabihin niya. Ilang beses niyang tinanggi sa ‘min na mga kaibigan niya na may girlfriend siya pero lagi naman na ‘min siyang nakikitang nakikipagharutan sa mga babaeng nakakabangga niya. Ganon si Avo. Para sa kanya hanggang may perlas ng silanganan ka ay papatusin ka niya.   “Good morning, Ma’am A.”   “Oh, Sandoval. Umupo ka muna.” Agad naman akong umupo habang si ma’am A naman ay may kung anong ginagawa sa mga papeles niya.   Paniguradong papagalitan na naman ako nito dahil mababa na naman ang score ko sa Math kahapon. Psh! Anong magagawa ko talagang pinanganak akong hindi matalino at talagang ‘yun lang ang kaya ko. Hindi ko na kayang intindihin pa ang hindi ko mapaliwanag na square na may ugat o square root! Marami na rin ang nakikisali sa Math subject na ‘min dahil plano yata nitong kompletohin ang alphabet letter.   “So, Miss Sandoval. Nakita ko ang improvement mo sa Mathematics subject na ‘tin.” Napahinto ako sa sinabi ni ma’am. Seriously? Nakita niya ang pagsisikap ko kahit konteng kembot na lang ay Zero na naman ako? “Though, hindi ka masyadong nakakakuha ng mataas ng marka pero nakita ko naman ang pagsisikap mo na matuto.” Pakiramdam ko ay maiiyak ako sa sinabi ni Ma’am A. Akala ko ay walang nakapansin sa pagbabago ko, ang akala ko ay deadma na ang mga tao sa pagsisikap ko. Ngumiti ako ng malapad habang nakaharap kay Ma’am A.   “Nakita ko ang pagbabago mo, and I am happy for you. Hindi na ikaw ‘yung dating Zarniah na papasok sa klase ko nang late, tapos uuwi ng hindi ko namamalayan. Kahit may pagkakataong zero ka sa quizzes ko ay nakikita ko naman ang pagsisikap mo. Napansin ko rin ang pagbabago nang pananamit mo. Ang dating naliligaw na si Zarniah ay bumalik na.” gusto kong matawa sa sinabi ni Ma’am A. Napansin niya lahat ‘yun? Baka isa rin siya sa mga sugo para ibalik ako sa kung ano ako noon? Err! Ano ba ‘tong iniisip ko? Walang nakakaalam na galing ako sa future, at mas lalong walang nakakaalam na may alam ako sa mangyayari sa hinaharap.   “And, kaya kita pinatawag rito because I want to congratulate you –“   “Highest score po ba ako sa Math quiz, Ma’am?” natawa siya sa tanong ko kaya mas lalong kumunot ang noo ko. Bakit ba nag e-MMK si Ma’am A ngayon. At talagang sa harapan ko pa? Psh!   “No. I would like to congratulate you for being our new Campus Queen. Ikaw ang pinaka maraming boto sa taong ‘to kaya sa susunod na school year ay ikaw na ang bagong Campus Queen.” Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko lalo pa at napalitan ko ang three years na na Campus Queen sa Federico Academy.   Baka mas lalong dumami ang bashers ko? Paniguradong maraming magagalit na supporters ni Cherry sa ‘kin. Sila kasi ni Avo ang Campus Queen and Campus King sa tatlong taon na ‘min rito sa Federico Academy. Tapos ngayong mag gre-Grade 10 na kami ay napasa na sa ‘kin ang trono ni Cherry.   “Ma’am, I don’t think that I’ll fit with the title.” Sa pagkakataong ‘to ay si Ma’am A na naman ang napakunot ang noo.   “What did you say that? Hindi mo ba nakikita ang nakikita ng mga kaklase mo at schoolmate’s mo sa ‘yo? Nakita nila ang pagbabago mo kaya ka nila pinili. Don’t think too much, Miss Sandoval and congratulation for your new title.” May inabot siya sa ‘king certificate. “Sa reading of honors i-aannounce ang bagong Campus Queen ng F.A. So, ‘wag kang aabsent.”   Nakatulala akong lumabas sa faculty. Hindi naman ‘yun ang rason kung bakit ako nagsisikap magbago. Gusto kong mabigyan ng medal sa reading of honors pero parang iba yata ang maibibigay sa ‘kin. Kung iisipin ay sa susunod na lingo na ‘yun. Napabuntong hininga na lang ako saka ako sinalubong ni Avo sa labas na meron na namang kausap na ibang babae. Nang makalapit ako ay agad na umalis ang babae.   “Sino ‘yun?” sinulyapan niya ang kakaalis lang na schoolmate na ‘min.   “Ah, wala ‘yun. Nagtatanong lang kung anong kulay ng langit.” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. “Tinanong niya kung puti ba o asul. Anyway, anong sabi sa ‘yo?” Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at muli ko na naman naalala ang sinabi ni Ma’am A. Napabuntong hininga na lang ako.   “Bakit ang hirap maging matalino?” tanong ko saka ko siya nilagpasan.   “Hey, pinagalitan ka ba?” umiling ako. “Eh, bakit nakasimangot ka?”   “Bakit kasi hindi ko maintindihan ang Math? Simple lang naman ‘yun sa iba, bakit napakahirap sa ‘kin?” hindi nagsalita si Avo sa tabi ko kaya tiningnan ko siya.   “Gusto mo ba turuan kita?” umiling ako. Naalala ko dati last year. Nag offer siya sa ‘kin na tuturuan niya akong mag-aral sa Science pero nandon naman siya sa kabilang kwarto kasama ang babae niya. Ang sabi niya pa hinanap lang daw nila ang earings nong babae na nawala sa kwarto niya. Psh! Minsan talaga hindi ko maintidihan ang mga palusot ni Avo kahit halatang halata na ang pagiging sinungaling niya.   Kilala ko na siya pagdating sa babae kaya ayoko nang makita pa ang bagay na ‘yun.   “’Wag na. Mag-aaral na lang ako mag-isa!” saka ako naunang maglakad.   Lumipas ang ilang araw at tulad ng inaasahan ay tinanghal na nga ako bilang Campus Queen ng eskwelahan at tulad ng dati ay si Avo pa rin ang Campus King. Hindi ko lubos akalain na marami rin pala akong supporters. Ang akala ko kasi ay baka babatuhin lang ako ng kamatis rito ng mga supporters ni Cherry pero nagkamali ako. Pati rin kasi si Cherry ay masayang binalita sa ‘kin ang bagay na ‘yun.   “Congrats!” salubong sa ‘kin ni Cherry nang papunta ako sa locker ko. Ngumiti ako sa kanya. She’s pretty, sexy and smart. Kahit sinong lalaki ay mabibighani sa kanya, including Avo. Sa narinig ko ay isa si Cherry sa mga naging ex-girlfriend ni Avo.   “Thank you, Ate Cherry.” Nakangiting sagot ko. Mas matanda siya sa ‘min since Grade 10 na siya at kami naman ay Grade 9. Malapit na rin silang makatapos at magiging senior high na. Kami ang papalit sa kanila kaya naman ng inannounce kanina na pasado kaming lahat sa B-12 ay talagang natuwa ako. Akala ko ay uulit ako ng Grade 9 dahil sa score ko sa Mathematics. Psh! “Congrats din, Ate. Grade 11 ka na.” ngumiti siya.   “Oo, plano ko ring lumipat na sa University of Williams. Dun na ako mag se-senior High.” Napakunot ang noo ko.   “Ate, akala ko sa University of Wilson ka mag-aaral?” natawa siya sa sinabi ko.   “Bakit mo naman nasabi?”   “Akala ko kasi. Si Avo kasi . .”   “Ah, si Avo?” ngumiti siya na para bang meron siyang naalala. Sa natatandaan ko ay isa sa mga rason ni Avo kung bakit niya gustong pumasok sa University of Wilson dahil ‘yun din ang gusto ni Cherry tapos ngayon malalaman ko na sa University of Williams pala siya mag-aaral. Naguguluhan ako.   “You’re still clueless, Naih. Parehas talaga kayong mag bestfriend.” Napakunot ang noo ko. Ngumiti si Cherry sa ‘kin kaya mas lalong akong naguluhan sa sinabi niya. Parang nasa magkaiba kaming pahina ng libro, “You know what, Naih? The best relationship starts off as friendships first.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD