Chapter 31 (Part 2) ** NAIH POINT OF VIEW ** "Naih, makinig ka." Pigil ni mommy sa 'kin, "Kahit anong mangyari. Wala kang kasalanan, hindi rin kasalanan ng bata. Kung ano man ang mangyari, ayokong sisihin mo ang kahit sino lalo na ang sarili mo. Hindi mapapanatag ang loob ko pag nangyari 'yun." "Naih, makinig ka." Pigil ni mommy sa 'kin, "Kahit anong mangyari. Wala kang kasalanan, hindi rin kasalanan ng bata. Kung ano man ang mangyari, ayokong sisihin mo ang kahit sino lalo na ang sarili mo. Hindi mapapanatag ang loob ko pag nangyari 'yun." Nagising ako mula sa mahabang panaginip. Tiningnan ko ang paligid ko at nakita ko ang sarili ko sa harap ng puntod ni mommy. Madilim na ang paligid at hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog dahil sa haba ng panaginip ko. Hinawakan ko ang pis

