CHAPTER 9 (PART 1) ** NAIH POINT OF VIEW ** Ang bilis nang panahon. Parang natulog lang ako tapos pagkagising ko ay Grade 10 na kami. Maaga akong pumasok sa eskwelahan dahil bukod sa maaga akong ginising ng maingay ko na kapatid ay maaga rin akong sinundo ni Avo, Gab at Tres kanina. Plano ko pa nga sanang maglakad lang papunta sa eskwelahan dahil malapit lang naman ‘yun kung lalakarin. Mga twenty minutes yata ang tatagal pag nilakad pero dahil nagdala ng kotse ang mga kaibigan ko ay naki hits na lang ako sa kanila. “How was your vacation, Naih?” ngiti ngiting tanong sa ‘kin ni Tres habang kinikindatan ang mga fans nila. Ang tatlong kasama ko ay panay ngiti sa mga classmates at schoolmates na ‘min habang ang mukha ko ay hindi maitsura. Naalala ko tuloy ‘yung bidang babae sa Yama

