CHAPTER 25 ** NAIH POINT OF VIEW ** Ahh! My head was spinning. Halos hindi ko maibuka ang mga mata ko dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Para bang ilang beses akong sinapak kagabi at sobrang bigat ng pakiramdam ko. Darn it! Teka, bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Pinakiramdaman ko ang sarili ko saka ko dahan-dahang binuka ang mga mata ko. Una kong nakita ang puting kesame saka ko nilibot ang paningin ko sa lugar kung nasaan ako ngayon. “Holy shoot! Anong ginawa mo sa ‘kin? Ugghh!” napapikit ako dahil sa sakit ng sintido ko. Binalot ko ang katawan ko ng kumot saka ko pilit tiningnan ang lalaking nasa tabi ko. “Anong ginawa mo, Jack?!” galit na sigaw ko sa kanya saka ko siniksik ang sarili ko sa headrest ng kama. Si Jack naman ay halatang kagigising lang na nakatingin

