Chapter 50 ** THIRD PERSON POINT OF VIEW ** Nakatitig lang si Avo sa cellphone ni Naih. Kanina niya pa ito hawak at nabasa niya na lahat ng nandoon. Hindi nga siya nagkamali. Nakita niya na puno ng text ni Jack ang inbox ni Naih. Nakita niya naman kung paano pinagtulakan ni Naih ang binata pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga napag-usapan nila. 'I want my son, Naih. May karapatan ako sa anak ko. I'm his biological father.' Nabasa niyang text ni Jack. Everything was a messed between them. Hindi na alam ni Avo kung ano pa ang gagawin niya para lang matigil kung anong meron kay Naih at Jack. 'Please, Naih. Talk to me.' Halos paulit ulit itong text ni Jack kay Naih. Hindi na napigilan ni Avo ang kanyang galit at basta niya na lang itinapon sa sahig ang cellphone ng kanyang asawa.

