CHAPTER 18 (PART 3) ** NAIH POINT OF VIEW ** “Kanina ka pa?” tanong ko kay Avo nang makita ko siyang nakatayo sa may hagdanan paakyat ng library. Umiling siya at tumingin sa paligid ko. “Where’s that guy?” “Jack?” I asked. “Umalis siya kanina. May pupuntahan yata.” Tumango naman siya at ngumiti sa ‘kin. Sabay kaming naglakad palabas ng University at tulad ng dati ay may mga estudyante pa rin nakaabang na mapansin ng isang Avo Hontiveros. Sinulyapan ko siya pero nakatingin lang siya sa harapan. “Avo,” tawag ko sa kanya kaya yumuko siya para salubungin ang mga titig ko, “Bakit pakiramdam ko may nagbago sa ‘tin? Hindi na tayo tulad nang dati –“ “We are getting old, Zarniah. Hindi naman pwedeng hanggang dun lang tayo. Gusto ko ring mag upgrade ang relationship na

