CHAPTER 29 ** NAIH POINT OF VIEW ** Nakatulala ako sa salamin ng banyo na ‘min at muli kong naalala ang huling pag-uusap na ‘min ni Jack. Tiningnan ko ang sarili ko na para bang hindi ako makapaniwala sa ginagawa ko ngayon sa sarili ko. I’m holding a pregnancy test at hinihintay ang result. Halos hindi ko nga matingnan ang sagot sa ilang lingong pagsusuka at panghihina ng katawan ko. Kaya pala ang lakas ang loob niyang sabihin sa ‘kin ang bagay na ‘yun? “Lumalago na ang kompanya ni daddy and sooner or later ay ako na ang mamamahala sa kompanya niya.” at anong plano niya? Gagawin niya ba akong secretary? Naiisip ko pa lang parang kinakabahan na ako. “Gusto ko sanang lumayo ka na, Naih. Kalimutan mo ang nangyari sa ‘tin at ‘wag na ‘wag mo kong hahabulin. Kalimutan mo ang n

