Chapter 59 ** ZARNIAH POINT OF VIEW ** Habang kumakain kami ay wala na akong kibo. Puro kwentohan na lang nila pero ang tanging sagot ko na lang ay ngiti. Napansin rin nila na iba na ang timpla ko pero hinayaan na lang nila ako. "Ikaw kasi! Bakit mo pa sinabi!" Narinig ko pang sabi ni Gab kay Tres. "Hindi ko kasi alam na hindi pala pwedeng sabihin," hindi ko na lang sila pinansin at kunwareng nakikinig sa kwento ng kapatid ko. Ang totoo niyan ay hindi ko maintindihan kung ani tong nararamdaman ko ngayon. Nasasaktan ako dahil sa katotohanang wala nang pakialam sa 'min si Avo. Oo nga naman, ako ang umalis. Sa pangalawang pagkakataon ay iniwan ko na naman siya. Hindi ko siya masisisi kung galit siya sa 'kin at hindi niya na ako papatawarin. "Ate, nakikinig ka ba?" Buma

