Paggising ni Thalia ay magkasalubong ang kanyang dalawang kilay. Naiinis siyang tumingin kay Samuel na mahimbing pa rin ang tulog. Kahit wala naman itong ginagawa ay nakakaramdam siya ng pagkairita tuwing nakikita si Samuel. Halos araw-araw din silang nagbabangayan, pero agad din naman siyang sinusuyo ng binata. “Daddy!” Tawag niya dito habang inaalog para magising. “Hmmmm” tanging sagot ni Samuel dahil inaantok pa ito. “Daddy gising gusto ko ng papayang hinog, yung bagong pitas tapos hiningi sa matandang nagtanim.” Muling inalog ng dalaga si Samuel, dahil sa sinabi ng dalaga ay nagmulat ito ng mata. “What? Baby naman saan ako maghahanap ng ganyan. Nasa Maynila tayo wala sa probinsya.” Yamot na reklamo ni Samuel dahil kung anu-ano ang sinasabi ng dalaga. Kahapon pa ito nagpapahanap ng

