Bago pumunta sila Samuel at Thalia sa opisina ng binata, hinatid muna nila ang ginang sa kwarto nito. “Huwag kang kabahan, maganda ang mood ni lolo.” Pagpapagaan ng loob niya sa kanya niya, tumango naman si Samantha kahit kabang-kaba siya. “Pumunta na kayo doon baka mainip na siyang naghihintay sa inyong dalawa.” May pag-aalala na sabi nito, yumakap muna si Thalia sa ginang bago sila umalis ni Samuel. Kinakabahan din si Thalia, dahil pangalawang beses pa lang niyang nakita ang lolo ni Samuel. Hinawakan ng binata ang kanyang kamay bago sila pumasok sa opisina nito. “Anong balita sa nagbigay ng regalo sayo?” Bungad ng ginang habang nakaupo ito sa sofa, hawak ang isang baso na merong laman na red wine. Kinuha iyon ni Samuel dahil ang aga palang ay umiinom na ito ng alak. “Masyado pang ma

