Matapos ang usapan nilang mag-lolo nung araw na yun, naging abala siya sa kanyang opisina. Maagang umalis at halos gabi na kung umuwi. Aalis niyang tulog ang dalaga, darating siyang mahimbing na rin yung tulog nito kaya hindi na sila masyadong nakakapag-usap na dalawa. Kahit na lagi siyang tinatamad tuwing umaga ay sinisikap pa rin niyang pumunta ng kumpanya, may time pa na talagang inaantok siya dati naman ay hindi siya nakakaramdam ng antok. Tulad ngayon, nasa byahe pa lang siya pauwi ng mansyon tinatapos na niya kasi lahat dahil ilang araw na lang ay birthday na ni Thalia, gaya ng ipinangako niya sa beach sila magce-celebrate ay kanyang tutuparin. Malapit na siya sa mansyon nang tumunog ang kanyang cellphone, pagtingin niya ay si Thalia meron itong pinapabiling pagkain. “Daddy, pwed

