T H A L I A Mabilis lumipas ang araw, hindi ko namamalayang isang Linggo na kami dito ni Samuel. Wala namang nagbago, araw-araw pa rin siyang sweet sa akin. Nandito ako ngayon sa garden, namimitas ng bulaklak dahil nag-request ang ina ni Samuel kahapon, dahil wala naman akong ginagawa kaya naisipan kong mamitas. Nabubulok na kasi yung bulaklak ng nasa flower vase. Tahimik ang paligid tanging mga huni lang ng ibon yung naririnig, nakaka-relax dito dahil sarili ang hangin. Pink at White Roses ang kinuha kong bulaklak, nakakailang pitas palang ako nang may kaluskos akong narinig. Tumingin ako sa paligid wala namang ibang tao, medyo nakaramdam ako ng takot baka merong multo dito. Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa, pero meron na naman akong narinig kaya naisipan kong maglakad-lakad. Wala

