Halos paliparin na ni Samuel ang kanyang sasakyan para lang makarating agad sa kinaroroonan ng dalaga, nang makita niya si Thalia ay agad siyang bumaba ng kotse at nilapitan ito. Niyakap niya kaya muling naiyak si Thalia, humigpit naman ang pagkakayakap nito sa dalaga. “What happened?” Nag-aalala niyang tanong, dahil ang saya-saya pa nito kanina nung umalis. Sinabi ni Thalia ang nangyari, agad naman tinignan ng binata ang kamay at braso nito. Kita niya ang pagdilim ng mata ni Samuel at biglang naging tahimik. “Sanay na akong masaktan ng ganito, kasalanan ko naman dahil wala akong perang ibinigay sa kanya.” Malumanay niyang paliwanag, malutong na napamura si Samuel bago binuhat na parang bagong kasal ang dalaga. “Let’s go home baka hindi ako makapagpigil sugurin ko ang iyong ama. Nakaka

