Bago umalis sina Samuel at Thalia kagabi sa mansyon ay pinakain at pinainom muna nila ng gamot ang ginang, gaya ng pinag-usapan nilang dalawa hindi ito nagsumbong. Maaga kasi ang alis ni Thalia bukas pauwi ng kanilang probinsya, pinayagan siya pero dalawang araw lang. Dahil babalik pa sila sa mansyon, sinabi ni Samuel sa kanyang ama na habaan yung pasensya nito dahil merong nararamdaman ang ina niya. Nasa sasakyan na ang mga dadalhin ni Thalia, kanina pa nakayakap sa kanya si Samuel tila wala ng balak bitawan siya. “Baby, pwede bang isang araw ka nalang doon, or balikan?” Parang batang sabi nito at mas lalo pang idinikit ang mukha nito sa leeg ni Thalia. “Hindi ko naman na sulit ang aking bakasyon kapag balikan o isang araw lang, mabilis lumipas ang araw.” Sagot niya kay Samuel at pilit

