Sa Edad na dalawampu't tatlo ay nagtatrabaho bilang isang katulong si Thalia, dahil wala ng ibang aasahan ang kanyang magulang kundi siya lang.
Maswerte si Thalia dahil sa mayamang pamilya ang nakakuha sa kanya. Maayos ang trato sa mga katulong, at kumpleto sa binipisyo.
Siya ang panganay sa anim na magkakapatid kaya nagsusumikap siya, hanggang high school lang ang natapos ni Thalia. Kahit gustuhin man niyang magtrabaho sa isang company ay hindi siya qualified. Karamihan kasi ay college graduate ang kailangan nila, kaya naman nagtitiis na lang si Thalia bilang isang kasambahay.
Wala namang problema, dahil mabait ang kanyang amo lahat ng pangangailangan nilang mga kasambahay kada buwan ay sagot ng mag-asawang Blanqueza.
Kakalabas lang niya ng kwarto nilang mga kasambahay nang lumapit ang isa nitong kasamahan.
“Mainit ang ulo si Sir Samuel, narinig ko kanina may kausap sa telepono galit na galit.” Kwento ng isang kasamahan ni Thalia habang naghahanda ng ilulutong agahan. Narinig naman ng isa pa kaya sumabat ito.
“Kahapon pa naman mainit ang ulo niya, paano day off ni Thalia.” Nakangiting sabi naman ng isa, napailing na lamang si Thalia habang naglalagay ng mga gulay sa refrigerator.
“Kamusta naman ang pag-uwi mo?” Tanong ni Manang Claudina, ang pinakamatagal na katulong ng mag-asawang Blanqueza.
“Nadagdagan lamang ang sama ng loob ko Manang, wala akong ibang narinig sa nanay ko kundi sermon. Kulang na kulang daw ang perang binibigay ko.” Malungkot na sagot ni Thalia, simula kasi nung nagtatrabaho na siya tumigil na sa paglalabada ang kanyang ina. Wala ring trabaho ang ama niya, kaya sa kanya lahat inaasa.
“Kung laging ganyan ang trato sayo, mas mabuti pang wag ka ng umuwi sa inyo. Magtira ka rin para sa sarili mo, hindi habang buhay ay malakas ang iyong katawan.” Payo ng ginang sa kanya, si Thalia kasi ang pinaka kawawa sa kanilang lahat. Dahil kahit papaano ay meron pa rin silang natatabing sahod, pero si Thalia wala pinapadala lahat kaya madalas siyang sinasabihan.
Natigil ang kanilang kwentuhan nang marinig nilang nagsisigaw si Samual. Hinahanap niya ang dalaga dahil may irereklamo ito. Kahit alam niyang day off ng dalaga, wala siyang pakialam.
“Thalia!!” Tawag ni Samuel ang anak ng amo niya, ang malakas na boses nito ay umaalingawngaw sa buong kusina. Nanginginig naman sa takot ang ibang katulong, maliban si Thalia sanay na siya sa ugali ng binata. Mabait naman ito pero madalas laging galit sa mundo.
“Bakit sir Samuel, may problema po ba?” Nakangiting tanong ni Thalia, isang matalim na tingin ang natanggap niya mula sa binata hindi na iyon bago para sa kanya.
“Ikaw ba ang naglaba ng mga damit ko?” Tanong niya sa malumanay na boses, pero ang mga mata nito ay walang emosyon. Nagkatinginan ang ibang kasama ni Thalia, dahil alam nilang hindi siya yung naglaba.
“Hindi po sir, day off ko kahapon si mana—” hindi natapos ni Thalia ang sasabihin niya dahil nagsalita si Samuel.
“Ano bang sinabi ko sayo? Di ba huwag mong ipapalaba sa iba ang mga damit ko, ilang beses ko bang sasabihin na dapat ikaw lang! Labhan mo ulit, ngayon mismo at kailangan ko bukas!” Mariin ang bawat bigkas niya sa binibitawan nitong salita. Habang nakatingin ito sa mga mata ni Thalia, hinaplos niya ito bago muling nagsalita.
“Nagkakaintindihan ba tayo, Thalia?” Tanong niya sunod-sunod namang tumango ang dalaga dahil sa takot baka kung anong gawin ni Samuel sa kanya. “Good girl.” Pahabol niya bago binitawan ang mukha ni Thalia, nakahinga ito ng maluwag nang umalis na si Samuel.
Nilalakasan lang ni Thalia ang kanyang loob dahil wala siyang ibang aasahan kundi sarili niya lang.
Ang dalaga lang ang nagtagal na katulong ni Samuel, sa isang buwan nito ay nakuha na niya kung anong gusto ng binata. Ang laging sinusunod kung anong utos nito, at panatilihing malinis ang kanyang kwarto.
“Pasensya ka na Thalia kung pinakialaman ko ang dapat trabaho mo.” Paghingi ng pasensya ng ginang, ngumiti naman si Thalia bago sumagot.
“Sa susunod manang hayaan niyo na lang po ako, uminom ka na ba ng gamot mo? Dapat hindi mo nakakalimutan.” Sagot niya bago binuksan ang isang kabinet kung saan doon nakalagay yung ibang gamit nila.
“Salamat Thalia at lagi mo pinapaalala sa akin ang pag-inom ng gamot.” Tanging ngiti lang ang isinagot ni Thalia, matagal ng katulong ang ginang kaya lahat ng gastusin nito sa hospital ay sagot ng mag-asawang Blanqueza. Ang mga anak nito ay wala na silang pakialam sa ginang, kaya nanatili na lamang ito mansyon.
Matapos mapainom ng gamot ni Thalia ang ginang nagtungo na siya sa laundry area para muling labhan ang mga damit ni Samuel.
Una nito isinalang ang mga pang opisina nitong damit bago iniwan dahil maglilinis pa siya sa kwarto ng binata. Marami siyang trabaho ngayon, kailangan niya pang plantsahin ang mga damit ni Samuel.
Bago pumasok sa kwarto ng binata ay kumatok mo na siya, pagsilip nito sa pinto nakita niya si Samuel busy itong nag-aayos sa kanya sarili.
“Maglilinis na ako sir.” Paalam niya hindi sumagot ang binata, sinundan lamang siya ng tingin bago ibinalik ang atensyon sa pag-aayos sa kanyang necktie.
Unang pinunasan ni Thalia ang mga librong laging binabasa ng binata.
Palihim namang pinagmamasdan ni Samuel ang katawan ng dalaga. Hindi mapagkakailang na magandang ang hubog ng katawan nito. Kahit hindi kaputian ay malakas ang karisma niya. Sa dami ng naging katulong niya ay si Thalia lang yung nakatiis sa kanyang ugali.
“Thalia, dalhan mo ako mamaya ng lunch sa company.”
“Copy Sir, ano po ang gusto mong lunch?”
“Kahit ano, wag lang yung mga ayokong pagkain.” Masungit niyang sagot bago kunin ang attache case.
“Ayoko ng late, Thalia meron din akong sasabihin sayo mamaya.” Malamig siyang tinignan ni Samuel bago ito lumabas sa kanya kwarto.
Nakahinga ng maluwag si Thalia dahil makakalinis na siya ng matiwasay, walang inaalalang maririnig na reklamo at pupuna sa kanyang linis.
After niyang matapos maglinis, agad din lumabas ng kwarto si Thalia nakasabay pa nitong bumaba ng hagdan ang ina mh binata.
“Maganda umaga po, madam.” Magalang niyang bati, tumango naman ang ginang at ngumiti.
“Pupunta ka ba sa company mamaya?” Tanong ng ginang sa dalaga.
“Opo madam, dadalhan ko ng lunch si Sir Samuel.”
“Meron akong ipapasabay sayo, ibigay mo na lang sa kanya.”
Bilin nito bago pumasok sa dining area, busy na ang kanyang mga kasama sa pag-asikaso kay Mrs Blanqueza.
Dahil alas-diyes na, inihanda na rin ni Thalia ang kanyang lulutuin. Cashew chicken nalang ang iluluto niyang ulam, naubusan na siya ng pwedeng ipaulam kay Samuel.
Habang nagluluto na siya ay pumasok sa kusina si Manang Claudina.
“Ano ang niluluto, pagkain ba ni Samuel?” Tanong niya habang papalapit kay Thalia.
“Opo Manang nagpapahatid kasi siya ng makakain niya mamayang lunch.” Nakangiting sagot ng dalaga bago hinango dahil luto na.
“Ako na ang bahala dyan, mag-ayos ka na ng sarili mo baka mamaya mapagalitan ka pa ni Samuel, kapag naka-uniform kang pupunta doon.” Utos niya sa dalaga, minsan na kasing napagalitan si Thalia dahil hindi man lang ito nagpalit kahit pang bahay lang.
“Maraming salamat manang,” pasasalamat ni Thalia bago tumakbo papunta sa kwarto nilang mga kasambahay.
Napapansin niyang kakaiba ang trato ni Samuel sa dalaga, hindi naman niya ito masisisi dahil maganda si Thalia kahit wala itong pinapahid na pampaganda sa mukha. Bumagay sa kanya ang kutis niyang morena.
Nang matapos makapag bihis ni Thaila ay agad din itong umalis ng bahay. Hinatid siya ng driver, tahimik at nakatingin lang sa labas ang dalaga.
“Thalia, hihintayin pa ba kita?” Tanong ni Mang Danny, matagal na itong personal driver ng mag-asawang Blanqueza.
“Hindi po siguro Manong, meron pa kasi akong pupuntahan.” Nakangiting sagot niya, balak kasi nitong puntahan ang pangalawa niyang kapatid. Hindi na kasi ito nagpaparamdam sa kanya, isa pang problema niya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na sila sa company. “Nandito na tayo Thalia, tawagan mo na lang ako kapag may naging problema.” Bilin ng ginoo, tumango naman ang dalaga bago bumaba ng sasakyan.
Dala nito ang brown envelope na bigay ng ina ni Samuel, at bag kung saan nakalagay yung pagkain.
Kilala na siya ng security guard at ibang empleyado kaya hindi na nahihirapan si Thalia. Sumakay siya sa Elevator, kasama ang secretary ni Samuel hindi maiwasang makaramdam ito ng hiya.
Wala siyang panama sa ganda at puti ng babaeng kasama niya ngayon.
“May meeting pa si Mr. Blanqueza, mamayang ala-una pa iyon matatapos.” Medyo mataray na sabi ng babae, tumingin naman sa relong suot niya si Thalia. Mahigit isang oras pa siya maghihintay, hindi naman pwedeng iwanan niya ito sa mesa.
“Hihintayin ko na lang ma’am.” Magalang niyang sagot, tinaasan lang siya ng kilay bago unang lumabas ng elevator.
“Maiiwan na kita, marami pa akong gagawin.” Mataray na sabi nito bago itinuro ang opisina ni Samuel, ngumiti naman siya bilang sagot at naglakad patungo sa doon.
Pagpasok niya ay medyo makalat, maraming mga papel sa sahig kaya napagisipan ni Thalia na linisin ang opisina ng binata.
Nilagay niya sa table ang kanyang dala bago sinimulang maglinis. Nang maayos na niya ay pumunta siya sa kusina, hindi pa nahuhugasan ang mga pinag kapehan kaya nilinis na rin niya.
Busy sa paglilinis ang dalaga nang pumasok si Samuel sa kanyang opisina, nagsalubong ang dalawa nitong kilay dahil nasa table niya na ang kanyang lunch pero wala si Thalia. Lumakad siya patungong kusina, nadatnan niyang naglilinis ito ng lababo.
“What are you doing?” Malamig na tanong nito, dahil hindi naman trabaho ng dalaga ang maglinis sa opisina niya.
“Pinapunta kita rito para maghatid ng lunch ko, hindi para maglinis!” Galit na sabi niya napayuko naman si Thalia.
“Sorry po, nadatnan ko kasing madumi.” Narinig niyang huminga ng malalim si Samuel.
“Nasaan ang pagkain ko?” Tanong niya, agad namang kinuha ng dalaga ang dala nitong bag.
Walang imik na kumuha ng plato at kubyertos ang dalaga. Nakatingin lang si Samuel sa kanya, habang hinahanda ang tanghalian niya.
“What's that?!” Napatingin si Thalia sa binata.
“Cashew chicken po sir, masa-” Hindi natuloy ni Thalia ang kanyang sasabihin dahil agad na nagsalita si Samuel.
“That food doesn't appeal to me; have you prepared anything else? You're going to give me this kind of meal when my head is already hot, Thalia?!” Galit na sigaw ni Samuel, medyo sumakit naman ang ulo ng dalaga dahil hindi niya maintindihan kung anong pinagsasabi ng kanyang boss.
“Ano tutunganga ka na lang!” Muling sigaw nito sa dalaga, napayuko naman agad si Thalia.
“Sorry po sir, naubusan na ako ng listahan ng pwedeng ipaulam sayo sir, kaya yan na lang ang naisipan kong lutuin.” Agad na paliwanag ni Thalia dahil sa takot na nararamdaman.
Lalong bumilis ang tibök ng puso niya dahil papalapit si Samuel sa kanyang kinatatayuan.
“If that's the case, how about you become my lunch today? Brace yourself, Thalia, because I'm about to eat you, so get ready!” Bulong ni Samuel sa kanya, habang siya ay loading nagproprocess palang sa kanyang isipan ang sinabi ng binata.
“Huh?!”