S A M U E L
In the realm of business, I have established a notable reputation in my homeland. Women frequently seek my attention, and I have become quite skilled at discerning their intentions. Sa edad kong thirty-one, only two women had entered my life, and, like clockwork, their true motives were revealed—money was their sole desire. This experience shattered my trust in women, solidifying my resolve to avoid romantic entanglements.
Ngunit tingnan mo, it seems I may have to eat my own words, dahil sa aking bagong katulong, Thalia. She may not fit the mold of my ideal partner, but her magnetic charm is truly remarkable. I’ve thrown a few challenges her way, pero hindi siya kumakagat minsan pa ay sinabihan niya akong wala siyang masamang intensyon.
Gaya ng ginagawa ko ngayon sa kanya. Kitang-kita ko sa mga mata mukha niya ang pagkagulat, dahil siguro sa aking sinabi. Gusto kong tumawa dahil sa mga nagiging reaksyon niya tuwing pinagtitripan ko siya.
“Thalia, what else are you doing? Prepare yourself, I'm starving.” Muling bulong ko sa kanya, medyo lumayo siya sa akin.
Tahimik akong tumatawa dahil sa tuwing tumutugon siya, lalong lumilitaw ang kanyang pagiging inosente. She has been working for me for over a month, and her sole focus is on her job. I want to see if she is different from the others, so I plan to put her to the test.
“Sir, nasa tamang pagiisip pa po ako. Pasensya na hindi ko magagawa ang iniutos mo, bibili na lang po ako ng ibang pagkain.”
Seryoso niyang sagot habang nakatingin sa mga mata ko. Muli siyang nagsalita, habang ako tahimik at nakatingin din sa kanya.
“Sir, sana kahit ganito lang ako respetuhin mo rin ang isang tulad ko. Kailangan ko po ang trabaho itong, dahil walang ibang inaasahan ang aking pamilya kundi ako lang. Excuse me, sir!”
Agad na siyang lumakad palabas ng aking opisina. Malakas akong tumawa dahil sa kanyang sinabi, Do I have to believe this woman? Will I trust what she shows? Does she really solely have work in mind, or is she just like everyone else? Taking money from my mother in order to seduce me.
Tumingin ako sa niluto niyang ulam, I tried it to see if it was tasty. Thalia always impresses me with her cooking. However, since I'm not in the mood for it, magpaluto na lang ako sa kanya next time.
As I went back to my table and was about to sit down, there was a knock at the door. It was my new secretary, who greeted me with a flirtatious smile—isang bagay na nakasanayan ko na at kinaiinisan. She's attractive, but she's not really my type.
“Good afternoon Sir, tapos ko na ang pinapagawa mo. Meron ka pa bang ipapagawa, kahit ano?” Nakangiti niya na tanong, kumagat pa siya sa kanyang ibabang labi halatang nang-aakit.
Hindi ako sumagot tinignan ko ang kanyang ginawa, lalo lang akong nakaramdam ng inis. Dahil puro pang aakit ang ginagawa niya pero hindi pa maayos kung anong trabaho niya.
“Basura! May copy na akong binigay sayo, pero ano to what the Fück! Revise the other content. What actions have you taken? The font and size are inconsistent; what is going on? Focus on my needs; I require a secretary, not someone who is careless in the office! Gaddammit!”
Galit kong sigaw sa kanya, ilang linggo palang siya dito pero lumalabas na kung anong pakay niya.
Itinapon ko sa kanyang mukha ang ginawa niyang proposal. Kumalat ito sa sahig kaya pinulot niya, sakto namang may kumatok at bumukas ang pinto. Si Thalia, halatang nagulat siya sa kanyang nadatnan.
“Prepare my food, Thalia.” Utos ko bago tumayo sa aking upuan, tumango naman siya at hindi pinansin ang sekretarya ko.
“Ulitin mo yan lahat, dahil kung hindi natapos ang proposal na yan. Ayusin muna lahat ng gamit mo at maghanap ng ibang trabaho!” Malamig kong sabi sa kanya bago sumunod kay Thalia papuntang kusina.
Niligpit na niya ang dala nitong ulam, naamoy ko na agad ang binili niyang ulam.
Ang Mongolian Beef, isa sa paborito kong ulam. Agad akong umupo at tumusok ng ulam.
“May kailangan ka pa sir?” Tanong niya habang nakatayo sa likuran ko.
“Thalia, sabayan mo akong kumain.” Napatingin siya sa akin, naghihintay naman ako ng kanyang sagot.
“Sir, nasa rules po na hindi pwedeng sabayan sa pagkain ang pinagsisilbihan ko.” Pagpapaalala nito sa nasa kontratang pinirmahan niya.
“Nandito ka sa company ko ni Thalia, ako mismo ang nag-aaya sayong samahan mo akong kumain. Are you going to reject me, Thalia?” Suplado kong tanong sa kanya, napalunok siya ng sariling laway bago umiling.
“No sir, ka-kain na po ako.” Nauutal niyang sagot bago lumakad palapit sa isang upuan.
“Good girl!” Nakangisi kong sabi bago sumandok ng kanin.
Muli niyang inilabas ang lunch ko na dala nito kanina. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasandok ng pagkain niya.
“Thalia, may business trip ako at kailangang kasama ka. Meron ka bang passport?” Tanong ko dahil next month pupunta akong hong kong.
“Wala po akong Passport sir.”
“May mga ID’s ka ba?”
“Isa lang meron ako sir, bakit po?” Pabalik na tanong niya sa akin.
“Asikasuhin ng sekretarya ko ang iyong appointment para sa passport. Ikaw ang kasama ko aalis ng bansa next month.” Paliwanag ko sa kanya.
“Po, bakit sir? I mean bakit ako sir?” May pag aalala niyang tanong.
“Kailangan bang may dahilan? Malamang ikaw ang katulong ko, sino pa bang sasama sa akin? Hindi naman tayo magtatagal doon, at wala ka ring dapat alalahanin dahil sagot ko lahat ng gastusin.”
Wala siyang nagawa kundi tumango na lamang. Tahimik na kaming dalawa habang kumakain.
Once we finished our meal, I made my way back to my table while she busied herself with the dishes.
At that moment, pumasok ang aking sekretarya, umaalingasaw ang pabango nito sa katawan. Ang nakakasakit na matamis na pabango nito ay nanunuot sa aking ilong. Para akong masusuka dahil ayoko sa ganung amoy.
Kinuha ko ang binigay niyang bond paper, at binasa ganun pa rin hindi maayos ang pagkakagawa niya. Lalo lang uminit ang aking ulo, wala na siyang ibang ginawa kundi magpaganda pero simpleng trabaho lang ay hindi pa magawa ng tama.
“Get out now!” Sigaw ko sa kanya, nagulat siya dahil sa aking ginawang pag sigaw.
“May nagawa ba akong mali sir?” Nagtataka niyang tanong, matalim ang mga mata kong tumingin sa kanya.
“Kung ano man yang binabalak mong akitin ako, hindi ka magwawagi papunta ka palang pabalik na ako. Simula bukas ayoko ng makita yang pagmumukha mo, you're fired!”
Umaalingawngaw sa buong opisina ko ang aking boses.
“Get out now!” Galit kong sigaw, wala na talagang matinong babae ngayon. Kapag pera ang usapan lumalabas kung anong tunay na ugali.
“Sir, sorry po kung ano man ang nagawa kong mali patawarin mo ako. Kailangan ko ang trabahong ito dahil nasa ospital si nanay, bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon.” Pagmamakaawa niya halos lumuhod siya sa harapan ko.
Tinalikuran ko siya bago kinuha ang aking cellphone para tawagan ang ibang bodyguard.
“Kailangan ko ng tatlong bodyguard, meron akong ipapakaladkad sa inyo!” Malamig kong sabi bago tumingin sa babaeng nanatiling nakaluhod at umiiyak.
Maya-maya pa dumating na ang tatlong bodyguard, agad nilang hinila ang babae palabas ng aking opisina.
Nagmamakaawa naman siyang bigyan ko pa ito ng pangalawang pagkakataon. Pumasok sa aking opisina si Mr. Rodolfo, ang kanang kamay ng ama ko.
“Humanap ka ng bagong sekretarya, pwede bang yung matino naman hindi ko kailangan ng babaeng puro kalandian ang alam. At wag mong ipapaalam sa aking ina!” Utos ko sa kanya, huminga siya ng malalim at napahilot sa sentido niya.
Siya ang gumagawa ng sarili niyang problema, kung hindi sana nito sinasabi sa magaling kong ina na dalaga pa ang bago kong sekretarya, walang mangyayaring gulo.
Alam kong gumawa na naman ng hindi maganda ang ina ko. Gusto na kasi niyang mag-asawa na ako at bigyan siya ng apo.
Hindi ko pa nakikita ang aking sarili sa pag aasawa. Wala pa rin akong nakikitang babaeng dapat kong pakasalan.
“Thalia, meron akong offer sayo, pagusapan natin mamaya sa bahay.” Seryoso ko na sabi sa kanya, sana lang ay pumayag siya.