Thalia: Chapter 3

1816 Words
Ang kabog ng puso ni Thalia ay lalong bumibilis dahil malapit na sila sa mansyon. Walang kaalam-alam ang dalaga kung anong paguusapan nila ni Samuel. May takot siyang nararamdaman dahil sa kanyang nasaksihan kanina. Ngayon lang nakita ni Thalia kung paano talaga magalit ang isang Samuel Blanqueza, at talaga namang nakakatakot hindi na siya magtataka kung bakit walang nagtatagal na katulong ng binata. “Nandito na tayo sir Samuel.” Magalang na sabi ni Mang Danny, bago bumaba sa sasakyan para pagbuksan ng pinto ang binata. “Thalia, magkita tayo mamaya sa library hihintayin kita doon.” Seryoso na sabi ni Samuel bago tuluyang lumabas ng sasakyan, tumingin naman na may pagtataka si Mang Danny sa dalaga. “Maayos ba ang trato sayo ni Sir Samuel?” “Okay naman po, pero madalas mainit ang kanyang ulo hindi ko na lang po pinapansin.” Hindi na muling nagtanong ang ginoo, tuluyan na ring pumasok si Thalia sa loob ng mansyon. Dahil pagod siya ay dumiretso si Thalia sa kwarto nilang mga katulong, nadatnan niya ang kanyang mga kasama doon nanonood habang nakahiga sa red carpet. “Nandito ka na pala Thalia, kamusta ang lakad mo?” Tanong ni Mutya, isa sa dalagang kasambahay. “Hindi ako natuloy, may nangyari kasi sa kompanya kanina.” Sagot niya bago ibinagsak ang kanyang katawan sa kama. “Kumain ka na doon meron kaming iniwang ulam sa refrigerator.” Sabi naman ni Chessa ang estudyanteng katulong. “Mamaya na ako kakain,” sagot ni Thalia bago bumangon sa kama at pumunta ng banyo para maligo. Matapos maligo ni Thalia, lumabas siya ng kanilang silid at nagtungo sa library kung saan naghihintay si Samuel. As she opened the door to the library, she saw Samuel seated on the sofa. Nilagay niya sa lamesa ang binabasa niyang libro. “Come here Thalia, meron tayong pag uusapan na dalawa at alam kong pabor to sayo.” Lalong nagtaka si Thalia, makikita ito sa mukha habang naglalakad palapit sa kinauupuan ni Samuel. Napapikit ito nang maamoy ang fresh na fresh na amoy ng dalaga. Alam niyang sabon lang ni Thalia iyon at hindi isang pabango. “Meron akong offer sayo Thalia, syempre meron kang pinirmahan na kontrata.” Simula ng binata, seryoso siyang nakatingin kay Thalia. “Magpanggap ka bilang asawa ko, bibigyan kita ng sahod triple sa pagiging katulong mo. Diba kailangan mong pera para sa pag aaral ng mga kapatid mo? Kailangan mong pumayag Thalia, dahil kung hindi pipilitin pa rin kita.” Determinadong sabi ni Samuel, hindi naman maipinta ang mukha ng dalaga. “Alam kong trabaho ang pinunta mo rito, kaya nga nag-ooffer ako sayo ng iba pang trabaho. Dalawang taon Thalia, wala kang ibang gagawin kundi magpanggap lang. Meron akong ipapa-pirma sayong marriage certificate, katibayang kasal tayong dalawa sasabihin ko sa aking parents na ikaw ang gusto ko. Pagkatapos ng dalawang taon, mag-divorce tayo meron akong ibibigay sayong negosyo at bahay para makapagsimula ka ng panibagong buhay hahayaan na rin kita at hindi guguluhin. Ayokong matali sa mga babaeng binabayaran ng aking ina para lang akitin ako. Pag isipan mong mabuti Thalia, kapag nakapag desisyon ka na sabihin mo agad sa akin.” Paliwanag ni Samuel, umayos sa pagkakaupo ang dalaga bago nagsalita. “Sir, kailangan ko ng pera oo, pero hindi ko ata kayang tanggapin ang alok mo. At isa pa sir, kapag nalaman ng pamilya kong kasal ako sayo maaaring magkagulo, mukhang pera ang aking ina at sugarol ang ama ko. Hindi ko gustong meron pang madamay na iba para sa kanilang pansariling kagustuhan.” Minsan nang inilagay sa kapahamakan ang buhay niya, dahil may ginawang masama ang kanyang ina. Umutang ito ng malaking halagang pera sa pinagtatrabahuan niya, dahilan para mag doble kayod si Thalia hindi ito nakaalis agad hanggat may balanse pa siya. “Bakit ka natatakot? Hindi ako hunghang para ibigay ang kanilang kailangan. Wala silang mahihita sa akin, If you agree, I won't allow you to leave. You can only send money to your siblings. As I mentioned, I'll give you some time to think about it.” Pagkasabi iyon ni Samuel, tumayo na siya mula sa kinauupuan nito. “Magpahinga ka na, balikan natin ang usapang ito, bibigyan kita ng oras para makapag-isip. If you're taking my parents' my parents' opinions, there's no need to worry too much about it; they don't really mind anymore. I'm old enough now, kaya hindi na nila kailangan makialam pa.” Naiwan sa library si Thalia, nanatili siyang nakaupo at malalim ang kanyang iniisip. Napasabunot siya sa sariling buhok, pakiramdam niya ay may sapak na sa utak si Samuel. Dahil sa daming magaganda at karapat dapat sa binata ay bakit kailangang siya pa ang alukin nito. Hindi pa ito handa para sa mga maririnig niyang salita, siguradong magagalit ang magulang ni Samuel kahit pa alam niyang kunwari lang. For sure masasaktan pa rin siya kapag sinabihan ng masasakit na salita. Pangarap niyang maging mayaman pero hindi sa ganitong paraan. Gusto ni Thalia galing ito sa pinagpaguran at hindi sa may niloloko na tao. Nagpakawala ulit ng hangin si Thalia, tumingin siya sa kisame. “Ang hirap naman, bakit kasi ako pa? Pwede namang sila e, hindi ko napaghandaan to nakakainis! Maaga pa ako bukas!” Mahina niyang sabi at halata sa kanyang boses na meron siyang problema. Ang isa pa sa kanyang kinatatakutan ay, baka mahulog siya sa binata dahil pwedeng mangyari iyon. Dalawang taon, siguradong maraming pwedeng mangyari at mabubuong memories. Takot siyang ma-attached tapos sa huli ay iiwanan. “Hah! Bakit ba kasi yun na agad ang naiisip ko. Bahala na, pokus na Thalia! Nandito ka bilang isang katulong hindi magiging asawa ng amo mo!” Sermon niya sa kanyang sarili bago tumayo sa pagkakaupo. Lumabas na ng library si Thalia at bumalik sa kanilang silid. Tulog ang kanyang mga kasama, habang siya ay mulat na mulat pa rin. Hindi nakatulog ang dalaga dahil sa kakaisip, maaga na lang siyang bumangon. Saktong pagpasok nito sa kusina, nadatnan niya ang ina ni Samuel. “Good morning ma’am,” masigla niyang bati, tinignan lang siya ng ginang bago humigop sa kape nito. “Anong nangyari sa opisina ni Samuel kahapon?” Seryoso na tanong ng ginang, hindi kasi sumasagot sa tawag niya si Mr. Rodolfo kaya wala pa siyang balita. “Tinanggal po ni Sir Samuel ang bago niyang sekretarya, hindi ko po alam kung anong naging dahilan.” Magalang niyang sagot, hindi na muling nagtanong ang ginang alam na nito kung anong dahilan. Maaaring nalaman na ng kanyang anak ang ginawa niya, binayaran kasi nito ang sekretarya ni Samuel para akitin. Nababahala ang ginang dahil parang wala pang balak mag-asawa si Samuel, tumatanda na sila hindi pa rin nila nakikita ang babaeng para sa kanilang anak. “Thalia, meron ka bang napapansin na kausap ni Samuel sa cellphone, or kaya ka-date wala ba siyang nababanggit?” Hindi na matiis ng ginang, gusto talaga nitong malaman kung meron ba. Dahil kung wala, meron siyang ipapakilala anak iyon ng kanilang kaibigan at tiyak na magiging maganda ang negosyo nila. Isang din itong businesswoman, kaya bagay silang dalawa. “Wala po akong alam ma’am, kapag nakikita ko si Sir Samuel lagi siyang busy sa kanyang trabaho. Naka-focus lang din po ako sa kung anong trabaho ko rito,” Balak pa sana magtanong ng ginang pero hindi natuloy dahil pumasok sa kusina si Samuel, gulo-gulo pa ang buhok nito at halatang kagigising lang. Kumuha ito ng tubig sa refrigerator bago niya inumin ay tumingin muna siya kay Thalia. “Thalia, have you ironed what I'm going to wear today? I'm leaving early.” “Hindi pa po sir, pero meron akong na plantsa na ibang pang office attire mo.” Sagot ng dalaga, kahapon sana niya balak mag-plantsa pero hindi siya nakauwi ng maaga. “Pakihanda, Thalia!” Naunang lumabas ng kusina si Samuel, sumunod naman ang dalaga. Dumiretso si Samuel sa banyo habang ang dalaga ay nagtungong closet room para ilabas yung damit. Inihanda na rin nito ang mga kailangan niyang pantsahin ngayong araw. Napatingin siya sa pinto dahil bumukas ito, lumaki ang kanyang mga mata nang makitang pumasok si Samuel na nakatapis lang ng tuwalya. “A-alis na ako sir, nandito na ang isusuot mo ngayong araw.” Nauutal na paalam niya bago buhatin ang basket, hindi pa man nakakahakbang ay hinila siya ni Samuel at sinandal sa pinto. “Hindi mo pa ako binabati Thalia,” mahina niyang sabi habang nakatingin sa mukha ng dalaga. “Po, pwede bang lumayo ka ng konti masyado kang malapit sa akin.” Tinulak niya ng bahagya si Samuel para lumayo ito sa kanya. “Good morning sir, magtatrabaho na po ako.” Bati at paalam niya sa binata at agad itong lumabas, mahina namang natawa si Samuel bago nagsimulang mag palit. Habang inaayos niya ang kanyang necktie, tinatawagan ng binata si Mr. Rodolfo dahil meron itong importanteng ipapagawa. “Good morning Sir Samuel, meron akong sasabihin sayo.” Bati nito sa binata nang masagot ang tawag. “Ako muna Mr. Rodolfo, meron akong i-uutos at kailangan ko ito asap. Kausapin mo si Attorney Rafael, kailangan ko ng marriage certificate namin ni Thalia at kontrata for two years. At wag mo pang sasabihin sa aking ina ang tungkol dito, hayaan mo akong magpaliwanag para sa aking ikatatahimik to. “ Ma-awtoridad na utos ni Samuel sa ginoo, na ngayon ay natahimik dahil inaalala nito kung sino ang babaeng nabanggit ng binata. “Alam ko ang ginagawa niyong dalawa, binayaran ng aking ina para lang akitin ako. Magkano ba ang binibigay sayo, tritriplehin ko para lang maging loyal ka sa akin. Tumatanda ka na Mr. Rodolfo, kung gusto mo pang manilbihan sa pamilya namin mag-focus ka kung ano ba ang iyong trabaho.” Puno ng pagbabanta na sabi ni Samuel, pinagpawisan ang ginoo kahit naka-aircon siya. “Meron pa akong ipapagawa, kailangan ko ng appointment ni Thalia for passport dapat may schedule na siya ngayong buwan, dahil kasama ko siyang pupunta ng ibang bansa. Ano pala yung sasabihin mo?” Pagpapaalala niya dahil baka tungkol ito sa bagong sekretarya nito, halos kada buwan ay nagpapalit siya ng sekretarya. “Wala pa akong nahahanap na bago mong sekretarya, ako muna ang papalit pansamantala habang wala pang nahahanap. Tungkol sa mga sinasabi mo, gagawin ko yan ngayon kailangan pala ni Thalia ng ID’s dapat kumpleto siya kung anong requirements.” Walang ibang pagpipilian si Mr. Rodolfo kundi pumanig sa binata, dahil siya na ang mas may karapatan sa kumpanya at kailangan niya ng trabaho. Naalala na rin niya kung sino si Thalia, ang bago nitong katulong wala siyang ideya kung anong relasyon ng dalawa. Dahil sa kanyang nakikita ay trabaho lang ang focus ng dalaga, wala naman siyang nakikitang kakaiba para paghinalaang meron namamagitan sa dalawa. "Okay, magkita na lang tayo sa opisina." Seryoso na sagot ni Samuel bago babaan ng tawag ang ginoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD