Thalia: Chapter 4

1617 Words
Parehong naging busy sina Samuel at Thalia sa kanilang kanya-kanyang trabaho, maagang din umaalis ng bahay ang binata at gabi na kung umuwi. Kaya halos hindi sila nagkikita na dalawa, naging pabor naman kay Thalia para makaiwas sa binata. Halos tatlong araw na rin ang lumipas, mula nung nag usap sila ni Samuel at hanggang ngayon ay hindi pa nakapag-desisyon sa alok ng binata. “Thalia, tumawag si Sir Samuel dalhan mo raw siya ng lunch sa kumpanya.” Sigaw ni Mutya pagpasok nito sa quest room dahil dito naglilinis si Thalia. “Ako na dito baka mapagalitan ka pa, dadaanan ka raw ni Mr. Rodolfo kaya gumayak ka na.” Wika ni Mutya bago kinuha ang hawak na vacuum ng dalaga. Walang nagawa si Thalia kundi lumabas ng quest room at pumunta sa kusina. Akala niya tuloy-tuloy na hindi sila magkikita ni Samuel, maling akala pala ‘yun. Pinagluto na niya ng lunch si Samuel, garlicky beef salpicao ang niluto ng dalaga. Pagkatapos ayusin ni Thalia ay sarili naman niya ang kanyang aasikasuhin. Simpleng yellow t-shirt at Black Jeans ang kanyang suot, She wore white sneakers with it. “Thalia, nasa labas na si Mr. Rodolfo.” Tawag ni manang Claudina sa kanya habang kumakatok sa pinto. “Palabas na po Manang.” Sagot nito habang nagsusuklay, laging nakapusod ang kanilang buhok dahil isa ito sa rules. Nang tapos na sa pag-aayos ay lumabas na rin siya at pumunta ng kusina para kunin ang lunch ni Samuel. Paglabas niya ng engrandeng mansyon, nabaling ang atensyon niya sa isang matandang lalaki. Pinagmasdan siya nitong mabuti, lumilipat ang tingin ng ginoo mula ulo hanggang paa, bakas sa mukha nito ang pagkalito. Malinaw na may kung ano sa dalaga ang ikinaintriga niya, at tila nakuha din niya ang interes ni Samuel. “Magandang umaga Mr. Rodolfo.” Nakangiting bati ni Thalia, tumango lamang ang ginoo. Walang imik na binuksan niya ang pinto, nakaramdam naman ng pagkailang si Thalia dahil hindi man lang siya binati pabalik. Habang nasa byahe sila, nanatiling tahimik si Thalia at nakatingin sa labas. Palihim naman siyang pinagmamasdan ni Mr. Rodolfo, dahil wala namang special sa dalaga. Tanging ang pagiging morena na bagay sa kanya lang. “Ilang buwan ka ng nagtatrabaho sa pamilya ni sir Samuel?” Tanong ng ginoo, napatingin naman si Thalia sa kanya hindi nito alam kung sasagutin ba niya. “Matagal na akong naninilbihan sa kanila kaya wala kang dapat ipag alala.” Wika ng ginoo. “Alam mo rin po ang patakaran? Sa pagkakaalam ko wag pakialaman ang buhay ng iyong kasamahan sa trabaho.” Wala siyang balak sagutin ang tanong ng ginoo, lalo na’t hindi niya ito nakakasalamuha. Tumingin siya ng masama kay Thalia at hindi na muling nagtanong pa hanggang makarating sila ng kumpanya. Unang lumabas ang ginoo sa sasakyan at hindi pinagbuksan si Thalia, napapailing na lamang ang dalaga paglabas niya ng kotse. Hindi ito mapapalagpas ng dalaga magrereklamo siya kay Samuel mamaya. “Maghintay ka muna sa waiting area, dahil sa oras na ito nasa conference room pa si Sir Samuel.” Malamig na sabi ng ginoo habang nakasakay sila ng elevator. “Bakit sa waiting area ako maghihintay? Mag-aayos pa ako sa kusina at ihahanda itong lunch ni sir Samuel, dati na akong pumupunta dito ngayon lang ako maghihintay sa waiting area.” Reklamo niya dahil ang ibang empleyado sa kumpanya ay tinatrato siya ng maayos, handa naman siyang maghintay sa waiting area pero hindi niya nagustuhan kung paano siya tratuhin ng ginoo. “Ako ang bagong sekretarya ni Sir Samuel, kaya sana alamin mo kung ano ba ang iyong posisyon. Wala naman sigurong masama kung maghihintay ka, dahil hindi ka naman dito nagtatrabaho.” Masungit na sabi ni Mr Rodolfo, sasagot pa sana si Thalia pero bumukas na yung pinto at unang lumabas ang ginoo. Gusto niyang ilabas ang tunay na kulay ni Thalia,dahil gusto nitong huwag ituloy kung anong balak ni Samuel. Kilala na niya ang mga babaeng may balak, kunwaring pakipot sa una pero sa huli ay papayag din ito sa kagustuhan ni Samuel. Gaya ng binanggit ng ginoo, naghintay sa waiting area si Thalia nakaramdam siya ng pagkayamot, maikli lang kanyang pasensya. Medyo naiinis ang dalaga dahil sabik na makaalis ng kumpanya, plano na iwanan ang pagkain sa mesa at aalis na rin. Si Samuel, gayunpaman, ay tiyak na magtatanong siya kay Thalia, tungkol sa kanyang panukala na gampanan ang papel bilang kanyang asawa. Pagkaraan ng ilang minuto, lumabas si Samuel mula sa conference room, mukhang seryoso at halatang balisa. Mahigpit na sumunod sa kanya si Ginoong Rodolfo, bitbit ang mga mahahalagang dokumento. “Sir Samuel, nasa waiting area si Thalia hinihintay ka.” Napahinto sa paglalakad ang binata dahil sa kanyang narinig. “Ano bang sinabi ko sayo kanina? Sa opisina ko mo siya ihatid, diba? Are you paying attention, Mr. Rodolfo, or is this some sort of challenge you're throwing my way?!” Galit na sigaw ni Samuel bago ibato ang hawak nitong folder sa ginoo. Tinamaan sa mukha si Mr. Rodolfo at nagkalat sa sahig ang mga documents. Malinaw na nakita ni Thalia ang nangyari eksena, ngunit hindi narinig ng dalaga kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa. Nagulat siya dahil sa ginawang pag bato ni Samuel sa mukha ng ginoo, at makikita sa mukha nito ang galit at pagkairita. Nang mapa sulyap si Samuel sa direksyon ng dalaga ay mabilis na umiwas ng tingin si Thalia at ibinaba ang ulo. Ibinalik ni Samuel ang atensyon kay Ginoong Rodolfo. “Wag kang magpapakita sa akin, baka tuluyang magdilim ang paningin ko sayo!” Mariin at may pagbabanta na sabi ni Samuel bago muling naglakad. Pumunta siya sa waiting area para tawagin ang dalaga. “Follow me, Thalia!” Tawag ng binata, walang pagpipilian ang dalaga kundi sumunod kay Samuel. Pagpasok nila sa opisina ng binata ay agad siyang hinila ni Samuel at pinasandal sa pinto. “What the Fück Thalia, anong ginagawa mo sa waiting area.? Kailangan ko rin bang ulit-ulitin sayo na dito ang diretso mo sa tuwing maghahatid ka ng pagkain ko?!” Sunod-sunod at galit na tanong ni Samuel, nanatili namang kalmado ng dalaga. “Sir, sa waiting area ako dinala ni Mr. Rodolfo ang sabi niya sa akin doon kita hihintayin. Nabanggit niya pang ano raw ba ang posisyon ko rito sa kumpanya, hindi naman ako mangmang para hindi maintindihan kung anong ibig niyang ipahiwatig. Wag ka sa akin magalit, bilang isang naninilbihan sa inyo sumusunod lang ako kung anong utos.” Matapang na paliwanag ni Thalia habang nakatingin sa mga mata ng binata. Huminga ng malalim si Samuel bago lumakad papunta sa kanyang lamesa. “Ihanda muna ang pagkain, saluhan mo ako. Meron din tayong dapat pag-usapan.” Utos nito dahilan para kabahan si Thalia, tumango siya at nagtungo sa kusina. Parang gusto na niyang mawala saglit at babalik na lang mamaya. Tinawag na niya si Samuel nang maayos na nito ang lunch ng binata. Tumingin si Samuel sa kanya at sinenyasan na umupo. Sumandok lang siya ng konti dahil pakiramdam niya ay busog pa. “Next week appointment mo for passport, kaya kailangan mong asikasuhin yung ibang requirements. Ibibigay ko sayo mamaya ang listahan kung anong mga kukunin mo. Si Mang Danny ang maghahatid sayo.” Paliwanag ni Samuel habang sinasandok ang ulam. “And sumama ka sa akin mamayang gabi, meron tayong pupuntahan. May ibibigay sayo si Mang Danny, iyon ang isuot mo para mamaya.” Nagsalubong ang kilay ni Thalia dahil bakit kailangang kasama pa siya. “Bakit ako kasama sir? Marami pa akong trabaho sa bahay, gabundok na ang plantsahin ko.” Agad na reklamo ni Thalia, dahil buti sana kung tinutulungan siya ng binata. Kaso hindi, ayaw din nitong pinaplantsa sa ibang katulong, kay Thalia lang. “Sinabi ko na sayo, pumayag ka man o hindi sa aking alok. Wala kang magagawa kundi sundin ako, binigyan na kita ng ilang araw. Hindi kita kinukulit o anuman para makapag-isip ka, siguro naman May desisyon ka na Thalia?” “Pumapayag ka na bang magpanggap bilang asawa ko?” Tanong niya sa dalaga habang nakangisi. “Kung tatanggi ba ako sir, aalisin niyo ako sa trabaho?” Pabalik na tanong ng dalaga, pilyong ngumiti si Samuel bago sagutin ang katanungan. “Depende, nasa sa iyo ang desisyon, kung makapal ‘yang mukha mo, mag stay ka, pero kapag hindi kusa kang mag-resign.” Lalong naging komplikado dahil sa sagot ng binata. Oo o hindi lang naman ang kailangan niyang marinig. “Pagkakataon na ito Thalia para makapagsimula ka ng panibagong buhay. Wala ka naman nararamdaman para sa akin, bakit natatakot kang sumugal. Pagkatapos ng dalawang taon, kahit anong gusto mo ibibigay ko walang problema sa akin yan.” Pangungumbinsi ni Samuel sa dalaga, nanatili naman itong tahimik nag-iisip kung papayag ba. Pero paano siya kapag nainlove kay Samuel, oo sa ngayon wala siyang nararamdaman para sa binata, paano sa loob ng dalawang taon na yun imposibleng hindi niya matutunan na mahalin ang binata. “Bigyan mo pa ako ng tatlong araw para makapag-isip. Hindi ganun kadali ang papasukin ko, sana maintindihan mo rin.” Sagot ni Thalia, gusto niyang mag desisyon na hindi magsisi sa bandang huli. "Okay walang problema, ito na ang mga kailangan mo sa iyong appointment for passporting. Puntahan mo ito dahil next month kasama kitang aalis ng bansa." Inabot ni Samuel ang brown envelope sa dalaga. "Pagkatapos mong kumain, pwede ka ng umuwi susunduin kita mamaya sa bahay para sa pupuntahan nating dalawa. Dapat alas-sais nakapagayos ka na pag uwi ko ng bahay. See you later, Miss Thalia." May pilyong ngiti sa labing sabi ni Samuel, kinakabahan ang dalaga dahil ngayon lang niya nasilayan ang ngiting iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD