Thalia: Chapter 5

1731 Words
Pagdating ni Thalia ng mansyon ay agad siyang pumunta sa kwarto nilang kasambahay. Dala-dala nito ang paper na bigay sa kanya ni Mang Danny. Dahil sa curious siya, tinignan niya kung anong laman ng paper bag. Nanlaki ang kanyang mga mata sa pagkamangha nang makita ang magagandang damit na malinaw na may taglay na mabigat na presyo. Pati ang sandal na kasama ay presyo na ng sahod niya sa kalahating buwan. “Anong klaseng damit to bakit ang mahal?” Hindi makapaniwalang tanong ni Thalia, dahil hindi sapat ang presyo ng damit para sa kanyang suweldo sa isang buwan. “Ganito ba talaga ang mayayaman? Parang wala lang sa kanila kung gumastos, hindi pinag-iisipan at saka bakit ganito ka garbo ang damit na to? Ano bang meron at ganito pa ang isusuot ko? Isa lamang naman akong hamak na katulong, bakit iba ang trato niya sa akin?” Maraming katanungan sa isipan ni Thalia habang nakatitig sa puting A-line midi dress. Nabaling ang atensyon ni Thalia sa pinto dahil merong kumatok. Nang bumukas ito ay si Mang Claudine, nakangiti habang nakatingin sa dalaga. “Sabi sa akin ni Danny meron kayong pupuntahan ni Sir Samuel, totoo ba?” “Opo Manang hindi ko nga alam kung isusuot ko itong mga binili ni Sir Samuel. Nakakahiya baka masira pa.” Agad na sagot ng dalaga, maingat niyang binalik sa paper bag ang white dress. "Manang normal ba sa kanila na ganito kamahal ang mga sinusuot nilang damit? Hindi ko alam kung anong okasyon ang pupuntahan namin." Tanong niya bago umupo sa kama. "Baka merong okasyon himala at pupunta si Sir Samuel, hindi kasi yan pumupunta sa kahit anong okasyon laging sekretarya niya or si Mr Rodolfo ang dumadalo." Paliwanag ng ginang sa kanya napatango naman si Thalia, kaya pala nung birthday party ng ina ni Samuel ay wala ito hindi umuwi dito sa mansyon. “Suotin mo yan baka magalit si Sir Samuel, minsan lang siya magbigay at baka kailangan ganyan talaga ang isusuot sa pupuntahan ninyo.” Saad ng ginang bago nagpaalam, lumabas na ito sa kanilang silid. Tumingin naman sa wall clock si Thalia, alas-singko na kailangan na niyang maligo. Pagkatapos niyang maligo ay agad niyang inayos ang sarili. Pagkatapos, dahan-dahan niyang isinuot ang puting damit, na bumagay sa kanyang katawan, kitang-kita ang kurba na itinatago niya. Wala siyang inilagay na kahit ano sa kanyang mukha, tanging lip balm lang ang ipinahid nito sa labi niya. Hinayaan din niyang nakalugay ang mahaba nitong buhok, nanatili siya sa kwarto nila habang hinihintay na dumating si Samuel. Pauwi pa lang ito dahil galing siyang salon, nagpagupit pa si Samuel medyo mahaba na kasi ang kanyang buhok. Meron silang family dinner at isasama niya si Thalia para ipakilalang kasintahan niya. Pagdating niya sa Mansyon, sinalubong siya ni Manang Claudina na merong mga ngiti sa labi. “Magandang Gabi Sir Samuel, nasa maid's room si Thalia.” Nakangiti na sabi ng ginang tumango naman ang binata at lumakad patungo doon. Pagdating niya sa maid's room, kumatok siya ng tatlong beses sa pinto bago tinawag ang dalaga. Nakatutok ang tingin ni Thalia sa pasukan, bumubulusok ang kaba na nararamdaman, pinagpapawisan at nanlalamig ang kamay nito. Nang mabuksan niya ang pinto, nakatayo si Samuel, isang kaakit-akit na ngiti sa kanyang mukha. Hindi niya maiwasang mabigla sa kapansin-pansing hitsura nito; ngayon, sa sariwang gupit na iyon, hindi maikakailang mas gumwapo siya kaysa dati. Naningkit ang mga mata ni Samuel dahil hindi pa rin lumalabas si Thalia. “Let's go Thalia, baka ma-late pa tayo.” Aya niya sa dalaga bago ilahad ang kanyang kamay. Nahihiyang lumabas si Thalia, natigilan naman ang binata nang makitang bumagay sa dalaga yung binili nitong dress. “Saan po ba tayo pupunta sir?" Tanong ng dalaga dahilan para mabalik sa wisyo si Samuel. “Kakain lang tayo sa labas.” Maikling sagot niya bago hinila si Thalia. Habang papalabas sila ng mansyon, nakasilip ang mga kasamahan ni Thalia ngiting-ngiti sila dahil ngayon lang nila nakitang lumabas si Samuel na babae ang kasama. Nakaramdam ng hiya si Thalia habang pinagmamasdan ang mga kalokohan ng binata. Sa isang banda nagulat ito, nakita niya ang kanyang sarili na pinagbuksan siya ng pinto ng kotse—isang kilos na lumampas sa linya, lalo na't si Samuel ang kanyang amo. Inalalayan siyang makapasok sa loob at maingat itong sinara nang makasakay na siya, sinundan niya ng tingin si Samuel na papunta sa driver seat napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sobrang bilis ng kabog nito. “Relax Thalia, palabas lang lahat ng ito..” Pagpapakalma niya sa kanyang sarili, nang makasakay na rin si Samuel binuhay na ng binata yung makina. Umayos naman sa pagkakaupo si Thalia, natigilan siya sa mga ginawa ni Samuel, halos nanlamig sa kanyang kinauupuan nang lumapit ito, ang sariwang bango ng kanyang mouthwash at cologne ay amoy na amoy niya. Sa marahang pagpindot, inayos ni Samuel ang seatbelt ng dalaga, siniguradong nakakabit ito ng maayos. Nakatitig lang si Thalia sa mukha ni Samuel ngayon lang niya napagmasdan, napatingin ang binata sa kanya hindi malaman kung anong gagawin. Mahinang tumawa si Samuel bago lumayo sa dalaga at inayos ang kanyang sarili. Tumikhim si Thalia dahil ramdam niyang meron nakabara sa kanyang lalamunan, tahimik lang silang dalawa habang nasa byahe walang ideya ang dalaga kung saan ba talaga siya dadalhin ni Samuel. Ilang sandali pa, huminto ang sasakyan ni Samuel sa labas ng isang kilalang kainan, at nanlaki ang mga mata ni Thalia sa pagkamangha. Ngayon pa lang niya nasulyapan ang lugar, at ngayon, parang panaginip lang ang pagpasok sa isang magarbong restaurant sa unang pagkakataon. Unang lumabas si Samuel para buksan ang pinto para sa dalaga, kahit na medyo nahuli sila sa iskedyul dahil nasa loob na ang kanyang pamilya, sabik na naghihintay sa kanilang pagdating. Dahil buong akala nila may babaeng ipapakilala siya wala silang ideya na si Thalia pala ang kanyang dadalhin. “Good evening sir.” Bati ng isang bodyguard, ibinigay ni Samuel ang kanyang susi para iparada ito sa parking lot ng restaurant. “Sir bakit dito pa tayo kumain? Okay lang naman po sa simpleng kainan na lang.” “Thalia, wala ka dapat ipag-alala kasama mo ako ito ang unang beses mong kumain sa ganitong kainan di ba? Ipaparanas ko lahat sayo hindi ito kaltas sa magiging sahod mo. Enjoy mo ang gabing to Thalia, walang nakakaalam na isa kang katulong isantabi mo yan.” Sagot niya sa dalaga bago hinawakan ang kamay nito at lumakad papasok sa loob ng restaurant, pagpasok nila ay pinagtitinginan at kinukunan sila ng larawan ng mga ibang kumakain lalo namang nakaramdam ng kaba si Thalia. Siguradong kalat sa social media ang mga larawan nilang dalawa ni Samuel, wala siyang ibang ginawa kundi itago ang kanyang mukha pinagtatawanan na lamang siya ng binata. “What’s wrong Thalia, maganda ka bakit kailangan mo pang itago ang iyong mukha.” Bulong niya sa dalaga, hindi sumagot si Thalia dahil wala siyang iniisip kundi katahimikan ng kanyang buhay. Nang nasa tapat na sila ng pina reserved na room ng lolo ni Samuel, binitawan niya ang kamay ng dalaga. “Ako muna ang unang papasok sa loob, hintayin mong tawagin kita bago ka pumasok.” Bilin niya sa dalaga, magtatanong pa sana si Thalia pero hindi na nagawa dahil pumasok na sa loob ang binata. Sa paghakbang niya sa pintuan, bumungad sa kanya ang mga tingin ng mga kapamilya niya, at bumungad sa mukha ni G. Benqueza ang mabigat na kaseryosohan. Napagtanto niyang pinaghintay niya sila ng halos isang oras para sa kanilang hapunan. “Mabuti at pumunta ka Samuel, akala ko bibiguin mo na naman ako.” Nakangiting sabi ng lolo niya bago tumayo at sinalubong ang kanyang apo. “Katatapos lang kasi ng meeting namin sa kumpanya, pasensya na po lolo.” Paghingi niya ng pasensya bago nag-mano sa ginoo bilang paggalang. “Hindi ka na nahiya Samuel, lagi kang late sa mga family dinner natin. Maglaan ka naman ng oras para sa angkan natin minsan lang humiling ang iyong lolo.” Sermon ng kanyang ama, seryoso niyang itong tinignan. “Kayo lang naman ang hindi nakakaintindi, mabuti nga at pumunta pa ako rito. Pagod ako dad, pero kahit papaano ay pumunta pa rin ako.” Malamig niyang tanong, magsasalita pa sana ang ginoo pero hinawakan na ng asawa niya yung kamay nito. “Hayaan mo na honey, alam naman nating meron laging dahilan si Samuel.” Bulong ng ginang na nagtitimpi rin sa galit, hindi nila pwedeng pagalitan si Samuel dahil nandito pa ang ginoo. “Lawakan mo ang pag-unawa mo Miguel dahil lahat naman tayo ay dumaan sa ganitong sitwasyon, ganito ka rin naman noon binata ka pa laging late sa dinner.” Lalong nakaramdam ng inis ang ama ni Samuel, uminom na lamang siya ng red wine. “Kumain ka muna, akala ko magkasama kayo ng girlfriend mo?” Dahil sa tanong ng ginoo ay napatingin ang magulang ni Samuel sa kanya, wala silang alam na may kasintahan na ang kanilang anak. “Kasama ko siya lolo, actually nasa labas siya tatawagin ko lang at ipapakilala sayo. For sure magugustuhan mo rin siya, katulad niya si lola na simpleng babae lang.” Pagmamalaki ni Samuel, nagkatinginan ang kanyang ama’t ina dahil wala namang ipinapakilala sa kanila ang binata. Tumingin si Samuel sa magulang niya bago tinalikuran, napangisi siya dahil hindi maitatago sa mukha nila ang pagkagulat. Binuksan niya ang pinto, ngumiti siya kay Thalia bato ito tinawag. Muling hinawakan ni Samuel ang kamay ng dalaga. Lahat ng nasa loob ay naghihintay sa pagpasok ng kasintahan ni Samuel. Ang ngiti sa mga labi ni Thalia ay biglang naglaho nang makita kung sinong kasama nila sa loob. "Hey Grandpa, meet my lovely girlfriend, Thalia Fabroa!" Nakangiting pagpapakilala niya, napatayo na ang kanyang ina dahil sa galit. "Isang malaking kalokohan! Katulong natin sa mansyon pinatos mo, at ikaw naman babae ka! Ang kapal ng mukha mong akitin si Samuel, para ano? Umangat ka sa buhay, anak ko pa talagw napili mong gatasan! Hindi ako makakapayag sa relasyon niyong dalawa!" Galit na sigaw ng ginang, nagtangis ang kanyang panga at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Thalia. Nanatili namang nakayuko ang dalaga wala siyang mukhang maihaharap sa angkan ng binata. Dahil isa lamang siyang kasambahay at kapos sa buhay. " Shut-up Samanth!" Sigaw ng ginoo dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi ng ina ni Samuel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD