Chapter 5

2270 Words
Song For You "Rico, huwag ka ngang makulit," naiinis kong sabi sa pinsan ko. Sabi na nga ba at hindi magandang idea ang sabihin kay Rico ang tungkol sa nararamdaman ko para kay Daniel. Mula kahapon ay iniinis na niya ako. "Why?" Ngisi niya. "I'm just happy. Kinikilig kasi ako." "I swear na kapag nag-ingay ka, magagalit ako sa'yo,” pagbabanta ko sa kanya. "Ano ka ba?" Inakbayan niya ako. "Syempre hindi ko pagkakalat 'yon. Iinisin lang kita kapag magkasama tayo. Saka.... hindi maniniwala sa akin si Daniel kung sakali mang sabihin ko sa kanya ‘yon. Iisipin niya niloloko ko lang siya at tine-take advantage ko ang pagiging magpinsan nating dalawa." Napakunot ang aking noo. "So, may balak ka ngang sabihin sa kanya?"  "Wala nga, Scarlett!" Itinaas niya pa ang kanyang kanang kamay. "I promise." "Siguraduhin mo lang," banta ko. "Don't you dare break your promise." "Okay—Oh!" Napahinto naman siya at lumitaw ang isang makahulugan na ngisi niya kaya naman napatingin ako sa tinitignan niya. Daniel's walking down the corridor. Nakasabit ang isang strap ng kanyang backpack sa kanyang kanan na balikat habang sa kaliwa naman ay ang kanyang gitara. Sumipol si Rico. "He's here."  "I'll go now," nagmamadali kong sabi at halos patakbo na akong pumunta sa room namin. I swear, lilipat na ako ng block next sem upang hindi kami masyadong magkita. Pakiramdam ko'y iinisin lang kami ng iinisin ng pinsan ko kahit na nasa ibang block siya. Sumulyap naman ako kaunti sa may pintuan at nakita kong nag-apir sina Rico at Daniel bago umalis si Rico at pumasok naman sa loob ng room si Daniel. Mabilis akong nahanap nang kanyang mga mata kaya naman parang walang nangyaring nag-iwas ako ng tingin sa kanya't umarteng iritado pa. "Kakanta daw mamaya 'yang si Daniel sa program." Dinig kong sabi ng babae sa aking harapan nang makita rin nila ang pagpasok ni Daniel. Hindi ko alam pero naiirita ako sa tunog ng boses niyang para siyang kinikilig. "Hindi na ako magcu-cut mamaya sa program," sabi naman noong katabi niya. Napailing na lang ako. Since we were already college, hindi na compulsory ang pag-attend sa mga programs sa school. Ako'y minsan lang uma-attend dahil mas gusto kong kumain kaysa makinig sa isang program na aantukin lang ako. Baka mamaya'y makatulog lang ako't mabastos ko pa ang mga nagsasalita at nagtatanghal sa entablado. "Scarlett." Mabilis naman akong napalingon kay Daniel at nilabas niya sa kanyang bag ang nakabalot sa brown na paper bag ang cinnamon waffle at ang caramel macchiato gaya nang kanyang nakagawiang gawin tuwing umaga. "I'm sorry if I wasn't able to give it to you earlier this morning," paghingi niya ng paumanhin bago nagpaliwanag. "Nakalimutan ko kasi ‘yong acoustic guitar ko sa bahay kaya umuwi ako. Bumalik ako sa condo para bumili nito at ibigay sa'yo pero wala ka na kaya.... here you go. Pasensya na kung ngayon lang." Napatingin lang ako sa brown na paper bag na nakalapag sa aking lamesa at huminga ng malalim saka tinignan si Daniel na seryosong nakatingin sa akin. "Hindi mo naman ako kailangang bigyan nito araw-araw gaya ng sabi ko sa'yo pero..." Tipid ko siyang nginitian. “Salamat.” Kinuha ko ang kanyang binili para sa akin at saka inilapag muna sa baba dahil ilang minuto na lang ay maaaring pumasok ang professor at baka mahuli akong kumakain dito sa loob ng room. Pagkatapos na lang nitong klase na 'to ko siya kakainin. "Are you mad?" bigla niyang tanong na dahilan kung bakit ako muling napatingin sa kanya. Kumunot ang aking noo. "Bakit naman ako magagalit sa'yo?"  Napayuko siya't bahagyang umangat ang gilid ng kanyang labi saka umiling. Nag-angat siya muli ng tingin sa akin. "I'll take that as a no," he said. "Hindi naman talaga," sabi ko na lang dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Magmula nang maamin ko na sa sarili ko ang nararamdaman ko para sa kanya ay gusto ko nang mag-ingat sa mga kinikilos na pinapakita ko sa kanya. I also find it very awkward whenever he's around me. "Aattend ka ba mamaya sa program?" sunod niyang tanong sa akin. I knew that he was asking me about that because he was going to perform. "Titignan ko pa…” nag-aalangan kong sagot. “Kapag hindi siguro ako tinamad.” "Oh..." He nodded. "Okay, but I hope you do," he said before the professor entered our room. Matapos ang aming klase ay hindi na niya kailangan pang magligpit ng gamit dahil hindi naman siya naglalabas ng kahit anong gamit. Kapag may seatwork, quiz at exam lang ata siya naglalabas ng gamit. Take note, ballpen lang ata ang binibili niyang pang-aral. Minsan nga'y iniisip ko kung para saan pa ang backpack niya. Halos napatalon naman ako nang bigla niya akong binalingan ng tingin. Too much staring will get you caught in no time, Scarlett. Keep that in mind. Kinuha niya ang brown paper bag na may laman ng binigay niyang pagkain sa akin saka nilapag sa aking lamesa bago nag-angat ng tingin sa akin. "Eat the waffle and drink the macchiato I gave you," sabi niya sa akin. "Huwag kang magbibigay kay Nica. Para sa'yo lang 'yan." "Ako na ang bahala kung anong gusto kong gawin dito," sabi ko naman at bahagyang nag-iwas ng tingin sa kanya. "Sa akin naman na 'to. Binigay mo na sa akin." He didn't say anything. He just patted my head and smiled bago sinukbit ang kanyang gitara't tinalikuran ako. "Dan, wala si Ray. Tayo muna ang magdate," nakangiting salubong sa kanya ni Kley pagkatalikod niya. "I need to practice, Kley. Just eat alone,” Dan rejected his offer. Kley pouted. But then, his pout immediately turned into a smile when his eyes met mine. "Scarlett!" masayang niyang sabi at mabilis na hinakbang ang distansya naming dalawa. "Bakit?" tanong ko sa kanya at may halong pagbabanta. "Can I join you and Nica? Wala kasi akong kasabay kumain—" Hindi pa nakakatapos magsalita si Kley nang biglang sumulpot si Dan at hinablot ang collar ng uniform ni Kley. "Tara na at magdate tayo, Kley. Let's have fun,” Daniel sarcastically said as he dragged Kley away from me. Bahagya naman akong napatawa habang tinitignan ang kawawang mukha ni Kley na hinihila ngayon ni Daniel paalis. Napailing na lang ako nang nakita kong sumilip na si Nica sa labas ng room kaya nagmadali na ako sa pag-aayos ng gamit. "Share your blessings!" ani Nica nang ilabas ko ang pagkaing bigay sa akin ni Daniel. I was about to let Nica take a bite on my waffle when I suddenly remembered what Daniel told me. Ang sabi niya'y huwag ko raw bigyan si Nica dahil para sa akin lang daw ‘yon. "Uhm, ibibili na lang kita mamaya, Nics." I shyly smiled before I started eating my waffle. "Don't tell me..." Lumapit siya sa akin at ngumisi. "'Yan ang binibigay sa'yo ni Daniel araw-araw na walang palya?" I heaved a sigh. "Yes.” Kapag pinatulan ko pa ang pang-iinis niya ay mas lalala lang ang lahat kaya mabuting sumagot na lang ako ng kunwaring wala lang sa akin ang lahat. "So, ano 'to? Dadalhin mo na sa school ang binibigay niya sa'yo para ipakita sa aking single ako't walang nagbibigay ng pagkain sa akin?" biglang pagtatampo niya. "Nica, single din ako," paalala ko sa kanya. "Hindi kasi naibigay sa akin ni Daniel kaninang umaga sa condo kaya dito niya sa school ibinigay." Ngumuso naman siya at umaktong naiiyak-iyak pa. "Ang sweet talaga ni Daniel," sabi niya. "Bakit kaya wala pa akong natatagpuan na isang Daniel Ramirez?" "Dahil Kley Villadiego ang pangalan niya at hindi Daniel Ramirez." Gulat naman kaming napatingin ni Nica kay Kley. Akala ko ba'y may date silang dalawa ni Daniel? "Hay..." Napailing na lang si Nica bago tumingin sa malayo. Lumapit naman si Kley sa akin na may dala-dalang plastic mula sa convenient store. "Pinapabigay ni Dan. Seryoso kasi siya sa pagpa-practice," sabi niya at iniabot sa akin ang plastic na may lamang naka-sachet na maple syrup at mineral bottled water. "Saka daw ‘to." Kinuha niya mula sa bulsa ng kanyang polo ang nakatiklop na papel at muling inabot sa akin. "Sana daw ay pumunta ka mamaya sa program dahil kakanta siya. Basahin mo lang daw 'yan kapag nandoon ka sa auditorium at nakikinig sa kanyang kanta. Huwag ka daw mangdaya. Malalaman at malalaman niya daw kung pupunta ka doon o hindi," mabilis at dire-diretsong sinabi ni Kley sa akin. "Wow! Wala talagang kasing sweet si Daniel," naiinggit na sabi ni Nica habang tinitingnan ang mga inabot sa akin ni Kley. May kinuha naman si Kley sa kanyang bulsa. Inilabas niya ang isang chocolate bar ng Hershey’s Cookies n Cream. "Ito lang ang nabili ko sa 7/11," sabi ni Kley. "Sa susunod bibili kita ng makakain mo. Sa ngayon, chocolate muna para sweet." Ngumiti siya at kinuha ang kamay ni Nica upang ilagay doon ang chocolate. Si Nica naman ay tulala lang at mukhang hindi alam ang irereact sa ginawa at sinabi ni Kley. Humarap ulit si Kley sa akin pagkatapos ibigay kay Nica ang chocolate. "Be sure to come, Scarlett," bilin niya sa akin. "Balikan ko lang si young master Daniel.” Natawa siya at saka tumakbo papalayo sa amin. Nilingon ko naman si Nica nang may pang-asar na ngiti ngunit nakatingin lang siya sa hallway kung saan tumakbo si Kley. My eyes travelled down to her hand which was tightly holding the chocolate bar. "Ang sweet talaga ni Kley," nakangiti kong sabi't ginagaya ko pa ang kanyang tono. Tiningnan naman ako ni Nica. Inirapan niya ako saka kinuha ang kanyang bag upang doon ilagay ang bigay na chocolate ni Kley. "Hi, cous!" Inakbayan ako ni Rico nang makita niya kaming dalawa ni Nica sa labas ng auditorium. "Totoo ba 'to? Aattend ka ng program? Ngayon lang kita nakita dito ah." Nilingon ko at hilaw na ngumisi saka tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin. "Akala mo namang lagi kang uma-attend, eh baka nga ngayon ka pa lang makakapasok sa auditorium ngayong term." Sasagot pa sana si Rico nang hatakin siya ni Jedrik na ngumiti muna sa akin bago kinaladkad ang pinsan ko. "Ang pogi talaga ni Jedrik." Dinig kong komento ni Nica sa aking likod. Sa kanilang magbabarkada, sina Jedrik at Daniel ang crush ni Nica. Tinanggal niya nga lang si Daniel sa listahan ng crush niya dahil sa akin na raw 'yon kaya si Jedrik na lang daw ang crush niya sa kanila. "Doon tayo sa may balcony, Nics," pag-aya ko na lang kay Nica. Tumango naman siya at sumabay sa akin sa paglalakad. Sa second row kami ng balcony umupo. "Itago mo ako, Scarlett. Matutulog ako," sabi niya't mabilis siyang pumorma upang makatulog na siya ng maayos. Bahagya naman akong umabante upang matago siya sa mga nagbabantay na officers na paligid-ligid dito sa auditorium. Nagsimula ang program na puro pagsasalita at paglilitanya ng mga professors. Nilabanan ko ang antok na nararamdaman ko kahit malapit na rin akong bumagsak. Pagkatapos talaga ng kanta ni Daniel ay aalis na kami ni Nica dito at hindi na namin tatapusin ang event. "Everyone still awake?" pasigaw na tanong ng emcee at tamad na sumigaw ang mga estudyante. "Looks like you're having a good time." I rolled my eyes nang dahil sa sinabi ng emcee. Mukha bang masaya 'tong mga katabi ko eh bilang na lang ata sa daliri ko ang natitirang gising. "To keep you more awake. Someone from our own seniors will serenade us," sabi niya't mabilis na nawala ang antok ko. "Let's welcome our special guest, Daniel Ramirez!" Napuno ng palakpakan ang auditorium at nagising ang mga kababaihan upang magsisitili. Daniel walked towards the center of the stage with a shy smile on his face. He sat on a wooden stool and fixed the mic stand in front of him. "The song that I'm going to perform for today is the song that I made for her," he announced to everyone. Nilabas ko naman ang papel na binigay sa akin ni Kley kanina't mabilis ko itong binasa kasabay ng pagkanta ni Daniel. Scarlett, this song is for you. 1st Verse: For the first time I met your eyes I already wanted to give you the stars above the skies It was never my intention to fall that fast But don't worry my feelings will surely last Refrain: I always wanted to be with you To show you how much I love you And to hope that you'll feel it too... Chorus: Hear me sing this song for you I wrote the lyrics down all just for you Hearing your voice it makes the melody And your laugh that brings the harmony Hear me sing this song for you I wrote this song to tell you I love you And how you make me fall all over again All over again... oh oh Repeat Refrain & Chorus My heart was thumping and beating so fast and loud throughout the song. Pakiramdam ko ay kinakausap niya ako sa pamamagitan ng kantang ginawa niya para sa akin. When the audience clapped after he finished the song , I lifted my gaze to look back at him on the stage. My eyes widened when I saw him looking straight at me. Kahit na nandito ako sa may balcony ay nakita niya pa rin ako. Sa kaba ay hindi ko mawari ang nararamdaman. Nataranta ako at saka nilingon ang aking kaibigan na umiidlip pa rin. "Nica, let's go!" I grabbed Nica's hands at halos kaladkarin ko na siya palabas mg auditorium. I think I just fell deeper.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD