Chapter 4

1888 Words
Secret "Ang hirap..." sabi ko kay Nica. "Ang hirap ng alin?" nakakunot-noong tanong niya sa akin. "Ang hirap magpigil ng feelings," sabi ko't uminom ng iced tea. "Eh bakit mo nga ba kasi pinipigilan ang feelings mo kay Daniel?" tanong niya't humalukipkip. "Kasi hindi nga ako sigurado." "Paanong hindi ka sigurado?" "Hindi ako sigurado kay Daniel. Hindi ko rin alam kung totoo ba 'tong nararamdaman ko sa kanya or kaya ko lang 'to nararamdaman dahil siya lang naman ang lalaking nagti-tiyaga sakin ng ganito…” paliwanag ko. “I don't know, Nica." Napabuntong hininga naman si Nica. "Alam mo minsan hindi na rin kita maintindihan eh," sabi niya. "Paano mo malalaman kung totoo ang nararamdaman mo kay Daniel kung hindi mo hahayaan umusbong ang nararamdaman mo para sa kanya?" Naisip ko na rin 'yang sinabi ni Nica. Ilang beses ko ng naisip 'yan pero hindi ko pa rin magawa. Pilit ko pa ring pinipigilan ang feelings ko. "Alam mo kasi, Scarlett... Matatanda na tayo. Magtatrabaho na tayo anytime soon. Dapat kung ano man 'yang nararamdaman mo para kay Daniel, kailangan ng ma-settle 'yan,” sabi niya. “What if maka-graduate na tayo tapos hindi ka pa rin umaamin? Paano kung hindi na ulit kayo magkita?" "Imposible namang hindi kami magkita, Nica... Magkapitbahay lang kami ni Daniel,” I said, as a matter a fact. "Okay... How 'about kung may iba na siyang makita dahil naisip niyang wala pala siyang mapapala sa'yo dahil takot kang magtake risk?" tanong niya. "Sabi nga ng famous quote, love is taking risk. Pero ikaw, ayaw mong magrisk." Napahinga naman ako ng malalim sa sinabi ni Nica at sumandal sa sofa. "Do you know anything about his past?" biglang tanong sa akin ni Nica. Napatingin naman ako sa kanya nang dahil sa tanong niya sa akin. Do I know anything about his past? No. Nakilala ko lang siya ng dahil kay Rico nang tumuntong ako sa ikalawang taon ng kolehiyo. "Based on your expression, mukhang alam ko na ang sagot." Tumatango-tango si Nica. "Hindi mo na kailangan pang magsalita. Alam ko na. Wala kang alam." "Hindi naman kasi siya pala-kuwento sa akin. I don't think that we're even friends,” I told her. “Tuwing kinakausap niya ako or nagkakausap kami, lagi niya lang akong kinukulit tungkol sa feelings niya. Hindi kami nagkukwentuhan kaya hindi ko alam ang mga ganyang bagay." "Well... in your case, talagang matatakot na rin akong magsugal ng nararamdaman ko dahil hindi ko naman pala alam ang past ng taong mamahalin ko," sabi niya. "Hindi mo alam kung naka-ilang girlfriend na siya. Kung bakit ka niya nagustuhan bigla. Hindi mo alam. Wala kang alam." Matapos bumisita ni Nica sa condo ay nagpasya akong pumunta sa bahay nila Rico. Alam kong siya lang ang makakatulong sa akin sa problema ko. "Scarlett, didn't know you're coming," bati sa akin ni Tita Trina, mommy ni Rico at asawa ng kapatid ni daddy. Nagbeso kami ni Tita at bahagya akong tumingkayad upang silipin ang taas nila. "I texted Rics po but he's not replying," sabi ko. "I'm hoping that he's here." "Nako 'yang pinsan mo! Late na 'yan umuwi kagabi kaya ayon, tulog na tulog pa rin," reklamo ni Tita. "Mind waking him up for me?" Napangiti ako. "My pleasure, Tita." Walang pag-aaksaya ako ng oras na umakyat sa kuwarto ni Rico. Pinihit ko ang door knob at laking pasasalamat ko nang hindi iyon nakalock. Pumasok ako sa loob at nakitang nakadapa siya sa kanyang kama't balot ng black na comforter ang kanyang katawan. Huminga ako ng malalim at nagbilang ng tatlo sa aking isipan bago lumundag-lundag sa kama niya upang mayugyog ito't magising siya. Hindi naman ako nabigo dahil kaagad siyang bumangon at tumama sa akin ang nananaliksik niyang mga mata. "What the hell, Scarlett?!" galit niyang sigaw sa akin. Ngumisi naman ako. "That's what you get for sleeping late, Rico." He groaned at kinuha ang unan saka itinakip sa kanyang mukha upang bumalik sa pagtulog. Sa tingin niya naman ay hahayaan ko siyang matulog ulit. Syempre hindi. Lumapit ako sa kanya't tinanggal ang nakatakip na unan. "Rico, I need to talk to you.” "Hindi ba puwedeng mamayang hapon na lang?” inis niyang tanong. “Can't it wait? I'm still sleepy as fck, Scarlett." "For your information, cousin, hapon na.” Inilapit sa kanya ang wrist watch ko upang makita niya ang oras. "Mag-aalas dos na at natutulog ka pa rin." "I slept late." "Was it my fault, then?" sarkastiko kong tanong. "Sa susunod, huwag kang matulog ng late kaya bumangon ka na diyan." Hinila-hila ko siya mula sa kanyang paghiga at hindi rin nagtagal ay nagtagumpay na ako dahil tuluyan na siyang bumangon. "Wait downstairs! I'll just take a bath and please tell the maid to cook me some soup. My head's aching," sabay daing niya sa sakit ng kanyang ulo. "Okay, then," masayang sabi ko at hinintay ko munang pumasok siya sa kanyang banyo bago ako tuluyang bumaba patungo sa kanilang kusina. Binati ko ang katulong nila nang makita ko siyang inaayos ang mga pinamiling groceries sa bawat cabinet dito sa kusina. Instead of asking their maid, I cooked Rico’s soup myself because I had nothing else to do. May iba ring ginagawa ang kanilang katulong na ayaw ko nang abalahin pa. Mabilis ko lang nagawa ang soup na hinihingi ng pinsan ko't saktong-sakto na pagkatapos ko ay kabababa niya lang at medyo basa pa ang buhok. "Done?" he asked and yawned. "Ito na po kamahalan," sabi ko at inilapag sa kanyang harap ang isang mangkok ng soup. Umupo naman ako sa tapat niya bago kumuha rin ng para sa akin. "Eva, can you please get us some water and also black coffee for me," utos niya sa kanilang katulong. "Okay po, Sir." Mabilis na iniwan ni Eva ang pag-aayos ng groceries at ginawa ang pinag-uutos ng aking pinsan. Naglagay ng pitcher si Eva sa lamesa na naglalaman ng tubig at dalawang baso saka niya sinimulan ang pag gawa ng kape ni Rico. "Ano ba ang gusto mong pag-usapan, Scarlett?" tanong niya sa akin kaya naman napalingon ako sa kanya. "It better be important dahil kung hindi, I will curse you endlessly for waking me up from my deep sleep." I rolled my eyes at my cousin. "It's about Daniel."  Binaba niya ang kanyang kutsara. Humilig sa sandalan ng upuan at humalukipkip bago nagtaas ng kilay sa akin. "And what about him?" "Marami akong gustong itanong tungkol sa kanya," simpleng sabi ko. "Why don't you ask him, then?" hamon niya sa akin. "Scarlett, halos magkatabi lang ang unit ninyo. You came all the way here para lang magtanong tungkol sa kanya gayong magkalapit lang naman kayo. I'm sure he'll gladly answer all your questions. Wala ‘yong tinatago sa ‘yo" "Alam mo kung kaya ko lang itanong sa kanya, eh ‘di sana ginawa ko ‘yong sinasabi mo," medyo naiirita kong sabi. "Kaya ako pumunta sa'yo dahil hindi ko kayang tanungin sa kanya. We're... We're not that close. At close kayo kaya posibleng alam mo ang sagot sa mga itatanong." Mas lalo siyang nagtaas ng kilay sa akin at saka binigyan ako ng isang nakakainis na ngisi. Hindi naman ako nagpatalo. Humalukipkip din ako habang nakatitig nang mariin sa kanya. "Sasagutin mo ba ‘yong mga tanong ko?" "Do I have a choice? Nandyan ka na," masungit niyang sabi. "But I can't assure you na alam ko lahat ng sagot sa mga itatanong mo. Of course, Daniel also has secrets that he keeps to himself kaya sasagutin ko lang kapag alam ko. Pag hindi, I'll say pass." "Okay…” Umayos ako ng upo. “Deal.” Nang mailapag ni Ate Eva ang kanyang kape ay agad siyang sumimsim doon. Huminga ako ng malalim saka nagsimulang magtanong. "May naging girlfriend na ba siya?" "Yes," simpleng sagot ng pinsan ko na para bang napakadali ng tanong. "Ilan?" "Two." Ngumuso ako. Naisip kong hindi ako ang magiging una kung sakali mang sagutin ko siya. "Gaanong katagal?" "His first girlfriend, if I remembered correctly... five months,” sabi niya. “And yung second girlfriend niya ay three years." Napalunok naman ako nang malaman kong may naging girlfriend na pala siya for three years. Yung naunang girlfriend ay tanggap ko pang five months ang itinagal nila. Pero yung sa second girlfriend... I didn't know why I felt so threatened. "Kailan naging sila ng mga naging girlfriend niya?" "His first girlfriend… Hmm. I believe he was only Grade 6 at that time," he told me. “Kaya parang hindi niya rin itinuturing na serious relationship ‘yon.” Kumunot ang noo ko nang malaman kong Grade 6 lang ay nagkaroon na siya ng girlfriend samantalang ako'y ni wala man lang nagiging kaibigan na lalaki noon. "Yung second girlfriend niya, second year sila ata nagsimula and end up first year college," sagot niya. Napakunot naman ang aking noo sa sinabi ng pinsan ko. "Ibig sabihin…” I did a simple Math. “Noong ipinakilala mo ako sa kanila, isang taon na silang wala ng second girlfriend niya?" Tumango si Rico. "Kaya noong una medyo pinipigilan ko si Daniel dahil hindi ako sigurado kung nakamove-on na talaga siya. Pero noong third year, hindi ko na siya napigilan sa paglapit sa'yo,” kuwento niya. "But seeing the way he looks after you ‘til now... He's serious, Scarlett." Kinagat ko ang aking ibabang labi't mayroon pa akong natitirang tanong. "Bakit sila nagkahiwalay ng mga ex niya?" muli kong pagtatanong. "Iyong una, puppy love lang daw 'yon. Hindi ganoon katatag ang nararamdaman nila sa isa't isa. More on infatuation kaya nagbreak din sila," paliwanag niya. "Iyong pangalawa, I'll pass." "Hindi mo alam kung bakit sila nagbreak ng second girlfriend niya?" "Yup," sagot ni Rico. "He never told us why. Ayaw na rin naman naming itanong pa. Sa barkada namin, walang pilitan. Dapat ikaw ang nagkukusang loob na magsalita. Hinayaan na lang namin siya at wala naman na kaming pakialam doon." Ang daming tumatakbo sa isipan ko na posibilidad kung bakit sila nagkahiwalay ng pangalawang girlfriend niya. Nakakasira ng ulo ang kuryosidad na tumatakbo sa isipan ko. Gustong-gusto kong malaman ang sagot. Hindi ako mapakali. "Ako naman ang magtatanong sa'yo, Scarlett," biglang sabi ng pinsan ko at muli naman akong napa-angat ng tingin sa kanya. "Ano 'yon?" Tumagilid ang ulo ng pinsan ko na para bang sinusuri niya ako ng mabuti. "Bakit mo tinanong sa akin ang mga tanong na 'yon?" Napalunok naman ako. Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba dahil sa simpleng tanong niya na alam kong mahirap sagutin. "Because I want to know him more," sagot ko na lang. Tumaas ang kilay ng pinsan ko sa sagot ko. "At bakit mo naman siya gustong makilala ng husto?" sunod niyang tanong. "Are you falling for him too?" dagdag pa niya. Napatitig lang ako sa pinsan ko't hindi ko alam kung sasabihin o aamin ba ako sa kanya tungkol sa nararamdaman ko kay Daniel or magsisinungaling na lang ako upang mapagtakpan ang nararamdaman ko. "Scarlett, I'm your cousin. Mas papanigan kita kaya if you want to keep this as a secret then I will," paghihikayat sa akin ng pinsan ko na sumagot ng totoo. Huminga naman ako ng malalim at tumango na nagpangiti ng lubos sa pinsan ko. "I'm falling for him..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD