Honey
"Daniel! I still want to dance more!" reklamo ko nang hatakin na ako ni Daniel pabalik sa table namin.
Wala na roon ang pinsan ko at pati na rin ang iba pa naming kasama kaya naman napatingin ako pabalik sa dance floor kung saan nakita kong sumasayaw sila kasama ang iilang hindi pamilyar na mga babae.
"No, Scarlett! You're losing control already," mariing sabi ni Daniel at pinasok ako sa loob saka mabilis na umupo sa tabi ko upang hindi na ako makaalis pa.
Ngumuso ako habang tinitignan ang whiskey na hindi naubos sa aking harapan. "It's boring here..."
Kanina ay naka-inom ako ng dalawang whiskey galing sa mga nagra-rounds na waiter sa may dance floor at nang papangatlo na sana ako ay pinagalitan ako ni Daniel. I didn't know that partying would make me feel so much freedom that it felt good. Sana ay noon pa lang pala ay lumabas na ako kasama si Nica. Sa tingin ko ay magugustuhan niya rin ang kasiyahan doon.
"Can I drink this?" I pointed at the whiskey in front of me.
"No," simpleng sagot ni Daniel. "Pinagbigyan na kita kanina. Nakadalawang shots ka na. That's enough."
Muli akong ngumuso at humalukipkip. "But I'm still thirsty..."
Napabuntong hininga naman siya. "I'll order you a juice without an alcohol. Plus, water too," sabi niya. "Hindi ka puwedeng uminom ng marami. Hindi pa mataas ang alcohol tolerance mo. Maghinay-hinay ka muna."
"Pero kaya ko pa naman, eh,” pilit ko. “I'm not yet drunk."
"At sa tingin mo'y hihintayin ko pa ang malasing ka?" sarkastiko niyang tanong sa akin. "Not a chance, missy. And besides, even if you're not drunk, you're already tipsy."
"No, I'm not! I'm still sober,” sabi ko at pumangalumbaba sa lamesa.
"You’re telling me you're sober but your actions say otherwise," he said with so much sarcasm. "You'll drink juice or water—that's final!"
"Kaya ko namang magtimpla ng juice at uminom ng madaming tubig sa bahay,” sabi ko sa kanya. “Sana pala sa bahay na lang ako at hindi na sumama dito."
Nadinig ko naman siyang bahagyang tumawa kaya mabilis ko siyang nilingon. Napakunot ang aking noo. "Bakit mo ako pinagtatawanan?"
"I don't know if it's better that you're tipsy because you're so cute and you're even interacting with me in this kind of sweet way…” He trailed for a few seconds before he continued. “Or if you're sober na halos kainin mo ako sa sobrang inis mo at sinusungitan mo ako.” He laughed. "Both are very admirable, Scarlett. Well... what's not to like anyway, right?"
Napanguso na lang ako at walang sabing isinandal ang aking ulo sa kanyang balikat. Muli siyang mahinang natawa at inayos ang pagkakasandal ng aking ulo sa kanyang balikat.
"I think I kinda like the tipsy Scarlett more," bulong niya at naramdaman ko rin ang kanyang ulo sa akin.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit nahihilo ako samantalang dalawang shots pa lang naman ang nainom ko.
"Dan, my cousin's already wasted?" Dinig ko ang boses ng pinsan ko.
Gusto ko sanang silipin ang pinsan ko pero tinatamad na akong buksan ang mga mata ko.
"No, Rics," sagot ni Daniel. "I think she's just sleepy and tipsy. Dalawang shots lang naman ang nainom niya. She's not drunk nor wasted."
"Sa tingin ko'y kailangan na niyang umuwi but...." pag-aalangan ni Rico na parang hindi alam ang gagawin.
"Don't worry. Ako na ang bahala," sabi agad ni Daniel kahit hindi pa natatapos sa pagsasalita ang pinsan ko. "Just text her mom na pauwi na si Scarlett at inaantok na. I'll take her home. You can stay here."
"Are you sure, Dan?" paninigurado niya. "I can take her home naman at babalik na lang ako dito pagkahatid ko sa kanya sa unit niya."
"It will be a hassle for you, Rico. Ako na lang,” pagpi-prisinta ni Daniel. “Alam kong ayaw mong iwan si Shanne at ganoon rin ako. Ayaw kong iwan si Scarlett kaya ako na lang ang maghahatid sa kanya."
"Okay... Pero babalik ka pa ba?" pahabol na tanong ng pinsan ko.
"Nope," sagot ni Dan. "Uuwi na ako pagkahatid ko sa kanya sa unit niya. I'll rest early today. Pakisabi na lang kina Raymond na umalis na ako kasama si Scarlett."
"Sure," pagpayag ng pinsan ko.
Naramdaman ko naman ang marahan na pag-alog ni Daniel sa aking braso.
"Scarlett…” My name came out from his lips in a very soothing sound. “Can you stand up? We're going home."
Kaya ko. Kaya ko pang tumayo but I didn't feel like standing up kaya imbes na tumayo ay mas lalo ko pang isiniksik ang sarili ko sa kanya.
"Well... that's new..." Dinig kong awkward na komento ng pinsan ko at bahagyang tumawa. “Sulitin mo na ‘to dahil bukas ay siguradong ipagtutulakan ka niyan ulit.”
"Fck up, man," inis na sabi ni Daniel at gumalaw na siya ng tuluyan. "Hold her bag. Bubuhatin ko siya."
Walang kahirap-hirap akong sinikop ni Daniel upang buhatin. Pakiramdam ko ay para akong nasa alapaap habang buhat-buhat niya ako.
"Ingatan mo pinsan ko, Daniel. Baka mahulog 'yan at ako ang paniguradong patay kay tita," babala ng pinsan ko.
"Do you think I would let her fall? Don't be dumb, Rico. I won't forgive myself kapag may nangyaring masama sa kanya," sabi ni Daniel na nagpangiti sa akin. "Kung mahuhulog man siya, sa akin dapat. Hindi sa lapag."
"Oh, Dan! Man up!" Tawa ng pinsan ko. "Ni hindi ako naging ganyan kay Shanne."
"That's because we're different, Rico," sabi na lang ni Daniel.
Ramdam kong nagsimula nang maglakad si Daniel dahil mas umingay na ang paligid at hindi rin nagtagal ay nawala na ang ingay at napalitan ng mga tumatakbong sasakyan galing sa daan at ang ugong ng tunog galing sa loob.
"Minsan talaga hindi ko alam kung tama ba ang pinakilala ko sa'yo 'yang si Scarlett," natatawa at kunwari ay nagsisising sabi ng pinsan ko.
"Kahit hindi mo siya pinakilala sakin, Rico, alam kong makikilala ko pa rin siya," siguradong-siguradong sabi ni Daniel.
Nang marinig ko ang pagtunog ng lock ng sasakyan ay unti-unti kong naramdaman ang pag-upo sa akin ni Daniel sa kanyang sasakyan at binigyan ako ng cushion na mabilis kong niyakap.
"Once again, Dan. Ingatan mo 'yan. Wag kang gagawa ng masama diyan dahil ako makakalaban ko, sinasabi ko sa 'yo," babala ni Rico.
"Try me, Rico," he confidently said and closed the door.
Isinandal ko naman ang ulo ko sa may bintana at niyakap ng mahigpit ang unan na binigay niya sa akin. In just a matter of seconds, I finally drifted to sleep. Hindi nga lang ako nakatulog nang malalim dahil alam kong nasa sasakyan pa ako pauwi. Kalaunan ay nakarating na rin kami sa condo.
"Scarlett, you should change your clothes. Baka hindi ka komportable."
Hinawi ko ang kamay ni Daniel na nakahawak sa aking braso at dumapa sa kama. Isinubsob ko pa ang aking ulo sa unan.
"Come on, Scarlett,” pilit niya sa akin. “Please change."
Itinayo niya ako mula sa aking pagkakadapa sa kama. Napayakap ako sa kanya nang muntik na siyang mawalan ng balanse dahil sinadya kong magpabigat. Nadinig ko ang kanyang mahihinang mura nang dahil doon.
"Scarlett! You're making me crazy!”
Napangisi naman ako at bahagyang inilayo ang sarili ko sa kanya. Ngumuso ako bago hinawakan ang magkabilang pisngi niya at ineksamin ang kanyang mukha.
He was undeniably handsome. Kung sino man ang magsabing pangit siya ay hindi marunong maka-appreciate ng magandang nilalang. Sa kurba ng mahahaba niyang pilikmata. Sa korte ng kanyang mga malalim na mata. Sa matapos niyang ilong. Sa mapupula't manipis niyang labi. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa kanya?
"S-Scarlett..." nauutal niyang tawag sa akin.
Napangiti ako at noon ko lang napagtantong napaka-swerte ko pala dahil isang Daniel Ramirez ang nagmamahal sa akin.
"Hanggang kailan ba 'to, Daniel?" inosenteng tanong ko sa kanya. "Hanggang kailan mo ako pagti-tiyagaan? Hanggang kailan mo ako aalagaan? Hanggang kailan mo ako susuyuin? Hanggang kailan mo ako mamahalin?” Kinagat ko ang aking ibabang labi. Ginalaw ko ang aking mga daliri patungo sa kanyang mapupulang labi. "Hanggang kailan... huh?"
Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan niya ‘yon bago iginaya papunta sa kanyang dibdib.
"Can you feel my heartbeat?" he asked quietly. "Hangga't hindi tumitigil sa pagtibok 'to, hindi ako titigil sa kakatiyaga, pag-aalaga, pagsusuyo at pagmamahal sa 'yo."
"Alam mo konti na lang..." sabi ko. "Konti na lang talaga, Daniel.... Konti na lang at...."
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang mapahikab ako't bumagsak sa aking higaan. Ang narinig ko lang bago ako nakatulog ng mahimbing ay ang pagtawag ni Daniel sa aking pangalan. Kinabukasan ay unti-unti akong nagising. Bumungad naman sa akin si Nica na nakahalukipkip habang tinititigan ako ng diretso.
"Nica? Bakit ka nandito?"
Umirap siya sa akin. "Bakit hindi mo muna tanungin kung sino ang nagdala sa akin dito?"
Napakunot ang aking noo sa kanyang tanong. Nang maisip ko ang ibig niyang sabihin ay napabalikwas ako sa pagbangon nang maalala ko ang mga nangyari.
"Si Daniel?!" Napataas ang tono ng boses ko.
"Oo! Natumpak mo! Siya ang nagdala sa akin dito dis oras ng gabi. Alam mo bang tumakas pa ako kila mommy?" problemado niyang sabi. "Biruin mo't nagulat ako nang tumawag sa akin 'yang manliligaw mo para lang sabihin na kailangan niya ako para magpalit ng damit mo dahil hindi ka daw komportable."
Awtomatiko naman akong napatingin sa suot kong pajama at saka muling nag-angat ng tingin kay Nica.
"Next time nga na magni-night out ka, sabihin mo sa akin para informed ako or huwag ka na lang uminom,” sabi niya. "Puwede ring wag ka nang magnightout kahit kailan. Mas madali 'yon."
"Napasama lang naman ako kagabi."
"But still... Ugh! Paano pag may nangyaring masama sa 'yo?" nag-aalalang sabi niya.
"Kasama ko naman si Rico, Nica and...." Kinagat ko ang aking ibabang labi saka nagpatuloy. "Si Daniel."
Naningkit naman ang mga mata ni Nica sa akin saka umupo sa tabi ko. "Ano nang mayroon sa inyo ni Daniel?" pag-uusisa niya.
Mabilis naman akong umiwas ng tingin sa kanya at umiling. "Walang namamagitan sa amin okay?"
"Don't you dare lie to me, Scarlett Jewell," mariin niyang sabi at mas lalong naningkit ang kanyang mga mata sa akin.
Napabuntong hininga ako ng malalim. "It's just that... Ewan ko. Hindi ko rin naiintindihan ang sarili ko lalo na ‘yong nararamdaman ko."
"You think you're falling for him?" tanong sa akin ni Nica.
"I think..." sabi ko na lang.
"Sinasabi ko na nga ba! Mahuhulog ka rin sa kanya!" sabi ni Nica na para bang matagal na niyang na-predict ‘yon. "Anyway, kailangan ko nang umuwi. Sinabi ko kay mommy na uuwi na ako't nagkasakit ka kaya ako pumunta dito kagabi para alagaan ka. Makisakay ka na lang kapag tinawagan ka niya, okay?"
Ngumiti na lamang ako bago tumango-tango. Pinanood ko siyang lumabas sa aking kuwarto. Pagkatapos ko ring maghilamos ay nagpasya akong lumabas na rin upang magluto ng umagahan at kumain. Nagulat nga lang ako nang naabutan ko si Daniel na ginagamit ang kanyang e-cigarette sa may terrace ng aking condo.
"Daniel..." I called out his name carefully
Mabilis naman siyang napalingon sa akin. His eyes widened a little before he quickly hid his e-cigarette before he went inside. "Sorry. I smoked," paghingi niya ng paumanhin.
"Nakita ko nga," tipid kong sabi
"Okay ka na ba?” nag-aalalang tanong niya sa akin. “Wala ka bang hangover?"
Umiling ako. "Hindi naman masakit ang ulo ko. I'm perfectly fine."
"That's great, then," aniya. "Nga pala, nagluto ako ng breakfast para sa'yo. No cinnamon and coffee for today. You need to eat a heavy breakfast."
Before I could even say something, he held my wrist and pulled me to the dining table. Pinaupo niya ako sa tapat ng hinain niyang pagkain,
"Eat now, honey..." he said, then winked at me.
And we're back to our normal lives. Paniguradong magiging makulit na naman itong si Daniel. Kailangan ko nang ihanda ulit ang pasensya ko dahil baka hindi na ako makapagtimpi.
Honey? Ewan.
I smiled.