Start
Kinabukasan ay bumalik ang lahat sa normal. When I opened the door, nandoon na sa may gilid ang brown paper bag at alam ko na kung ano ang laman noon at kung kanino 'yon galing.
I did my usual routine after I ate my breakfast from Daniel and went to school afterwards.
Dapat ay handa na ako sa mga maririnig ko ngayon pero hindi ko maiwasan ang mairita. Daniel and Cara's duet yesterday was the talk of the town. Mula sa pagpasok ko sa gate ay silang dalawa na ang naririnig kong usapan.
I tried to block everything from my ears pero pakiramdam ko'y nananadya silang lahat at pinaparinig talaga sa akin ang malalakas na bulungan nila.
I survived walking in the hallway but I guessed the gossip inside the room was worse. Syempre ay kaklase namin si Daniel. Bakit nga ba hindi ko naisip 'yon?
When I sat on my usual chair, naisip kong napakamalas ko pala talagang tao dahil dakilang chismosa ang dalawang babaeng nasa harapan ko. I mentally sighed and put an earphones. I shuffled my favorite playlist at halos itodo ko na ang volume, huwag ko lang madinig ang pag-uusap ng mga tao sa paligid ko.
Hindi rin nagtagal ay nakita ko sina Kley at Raymond na pumasok sa front door. The last one to went inside the room was Daniel na agad akong nahanap sa loob ng classroom. Mabilis naman akong nag heads down na para bang hindi ko siya nakita at inaantok ako. Para akong kriminal na may pinagtataguan at hindi niya dapat makita dahil siya ang pulis.
Naramdaman ko ang paggalaw ng earphones ko ngunit hindi ko ito pinansin dahil ayokong mag-angat ng tingin. He was the one sitting beside me. Siya lang ang gagawa noon at ayaw ko siyang pansinin.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naka-heads down pero nakatapos ako ng anim na kanta sa aking playlist. Naramdaman ko na lang marahan na pagtanggal ni Daniel sa aking left earphone. I closed my eyes upang magkunwaring natutulog when he suddenly leaned on me.
"Heads up, beautiful," he huskily said. "Nandito na ang prof."
Nag-angat naman akong agad ng tingin at nakitang nag-aayos pa lang ng gamit ang professor ko sa teacher's desk kaya naman nagmamadali akong tinanggal ang aking earphones. Tinago ko 'yon sa aking bag kasama ang aking cellphone at nilabas ang filler binder notebook ko at isang black ballpen upang makapagsulat ng lecture ngayong araw.
"Saw your playlist. The one that you're listening to earlier," biglang bulong sa akin ni Daniel.
"Ganoon ba?" sabi ko na lang sa kanya.
"Yeah... So you like slow jam songs," he pointed that out. "I like it too but I'm more on acoustic and sentimental rock."
"Of course. We're different.” I tried to make a point. “What do you expect?"
"Oh... You're right. We're different." Tumango-tango siya't hindi na nagsalita muli dahil nag-umpisa na ang professor namin para sa kanyang klase.
It was a good thing that I was able to focus during her lecture. When the class finished, I immediately saw Nica waiting outside our room.
"Hi, Nica!" Dinig kong bati ni Kley kay Nica't kumakaway-kaway pa.
Nica's forehead creased because of Kley's greeting. And then, she suddenly rolled her eyes and crossed her arms.
"Hay, Scarlett..." Inakbayan ako ni Kley. "Bakit ang sungit ng best friend mo lagi?"
"Bakit mo siya inaakbayan?" mariing tanong ni Daniel kay Kley at mabilis na lumipad ang kamay ni Kley paalis sa aking balikat.
"Can I add a question?" Lingon ulit sa akin ni Kley. "Bakit sobrang possessive ni Daniel?"
Hindi ko na lang sinagot ang tanong ni Kley at bahagyang napatingin kay Daniel na ngayo'y pakunwaring binubugbog si Kley habang hawak-hawak ito ni Raymond. Mabilis ko na lang kinuha ang bag ko at lumabas na ng room upang makakain na kami ni Nica.
"Wala 'yong prof ko sa next class ko,” sabi ni Nica habang kumakain kami. "That means we're both vacant after we eat!"
"I'm going to the library to study. If you're thinking na pwede tayong magmall sandali ay hindi," pinangunahan ko na siya. "I have a long quiz later after my vacant period. Kailangan kong mag-aral."
"Hindi naman tayo magma-mall," she said. "Hindi pa ibinibigay ni daddy ang allowance ko kaya poor kid muna ako this week."
"At saan mo naman balak pumunta? Mukhang may balak kang puntahan, eh," I asked, doubting her unsaid plans.
She playfully smiled and I knew that she was planning something stupid kaya mabilis na akong umiling.
"Kung ano man 'yan, ayaw ko," mariin kong sabi at itinutok ang buong atensyon sa pagkain.
"Oh come on, Scarlett! Para sa'yo rin ‘tong gagawin natin."
"What a cliché line, Nica," sabi ko na lang. I'm not gonna fall to her trick. "Kung gusto mo ay ikaw na lang pumunta kung saan mo gusto."
"Hay.... We're just going to the Arts Building. Ano bang problema doon?" sabi niya at pumangalumbaba sa aking harapan.
Napakunot ang aking noo. "At ano naman ang gagawin natin sa Arts Building?"
"Eh, ‘di ano pa? We'll stalk Cara Ortega!" She acted like it was a brilliant idea.
"No!"
"But it seems like you're bothered about her kaya ii-stalk natin siya. Sandali lang," pagdadahilan niya sa akin.
"No,” I firmly said. “We're not going to stalk her and I'm not bothered about her. Ni hindi nga natin siya pinag-uusapan, and then you'll brought her name up our conversation."
"Scarlett, I'm your best friend," she reminded me. "I know when someone or something's bothering you. I know that Daniel's important to you that's why you're bothered about that Cara Ortega."
"Kahit na, Nica," mahina ngunit mariin kong sabi. "Stalking won't take us anywhere. Mapapahamak lang tayo niyan."
"Hay..." She heavily sighed. "If you really don't want, ako na lang. Then, after school, sabay ako sa'yo. Let's go to your condo at sasabihin ko sa 'yo lahat ng malalaman ko about her, okay?"
Tumango na lang ako dahil alam kong hindi ko siya napigilan sa gusto niyang mangyari at gawin.
"Hi, Nica—" Napahinto si Kley sa pagbati kay Nica dahil tumayo na ito at umalis sa table kung saan kami kumakain. She was probably gonna do some stalking.
Nilingon ko naman ang buong barkada nila. Daniel, Rico, Kley, Raymond and Jedrik were all standing beside the table.
"Hi, cous!" nakangising bati ni Rico at saka umupo sa aking tabi.
Nagsiksikan naman sina Kley, Raymond at Jedrik sa upuan sa tapat ko kung saan nakaupo si Nica kanina. Long chair kasi ang upuan dito sa cafeteria namin na kasama na talaga sa table. Si Daniel ay nakatayo pa rin at parang nagdadalawang isip kung makikisiksik pa siya sa tatlo o uupo sa kabilang tabi ko.
"I'm eating, Rico," simpleng babala ko sa pinsan ko.
"I'm not doing anything," natatawa niyang sabi't itinaas pa ang kanyang dalawang kamay saka sinulyapan si Daniel. "Dan, upo ka na. Baka mangalay ka kakatayo."
Hinahanda ko na ang sarili kong huwag maghuramentado kapag umupo na sa tabi ko si Daniel ngunit nagpantig ang aking tenga ng marinig ang sinabi niya.
"Huwag na," he said.
Awtomatiko akong napatingin sa kanya't nakitang bahagya siyang nakangiti sa aking pinsan saka ako sinulyapan.
"May pupuntahan pa ako, eh," he reasoned out. "Sige. I'll go first."
Tinapik niya ang balikat ng pinsan ko bago niya ako tinapunan ng tingin at ngiti.
"See you later in class," malambing na sabi niya sa akin bago binatukan si Kley upang matigil sa pakikipagharutan kila Raymond bago siya tuluyang umalis.
It was the first time he rejected sitting beside me pero may dahilan naman. Baka may importante siyang kailangang gawin, so it didn't matter to me.
After eating, I spent the whole vacant time in the library, studying for our long quiz. Ang akala ko nga'y tahimik akong makakapag-aral pero sinundan ako ng apat na nasa harapan ko ngayon. They were reading... but they were reading nonsense stuff. Alam kong hindi naman nila gawain ang pumunta dito kaya hindi ko alam kung bakit sila ngayon nandito, pretending to be a bookworm.
Rico was reading a magazine about cars, it somehow made sense. Jedrik got five magazines and all he did was to flip the pages. Raymond was reading a book that's full of different exercises... I don't know what he was reading there 'cause it was a book that needed to be answered. And of course, Kley... He was reading the third installment of the Twilight Saga—Eclipse.
Pakiramdam ko'y mababaliw na ako habang tinitignan ko silang apat. Mabuti na lang ay nagreview ako kagabi dahil hindi maayos ang pagkakareview ko ngayon dahil sa apat na 'to.
Tumayo ako at mabilis rin silang tumayo mula sa kanilang kinauupuan.
I raised my brows at them. Isa-isa naman silang umupo except for my stubborn cousin.
"Bakit ba kayo nandito?" I asked my cousin.
"We're reading, cous," simpleng sagot niya sa akin.
"You four don't read." Naningkit ang aking mga mata. "Is this some kind of act?"
"Uh—" Kley was about to say something ngunit mabilis na tinakpan ni Raymond ang bibig niya.
Ngumisi si Raymond sa akin. "For a change."
Inilipat ko naman ang tingin ko kay Jedrik. Kinuha niya lang lahat ng magazines at saka tumayo upang makaiwas.
"Rico, just tell me," mariin kong bulong.
"Dan told us to watch over you. That's all. Wala naman kaming ginagawa sa'yo, ‘di ba?" he cleared things out.
"Wala pero ginugulo ninyo ‘yong pag-aaral ko kaya please lang. Spare me for today,” sabi ko't agad silang tinalikuran upang mapag-isa.
Naisipan ko na lang pumunta sa room kung saan ang next class namin at nagpasalamat akong wala pa lang klase bago ang amin. Sana pala ay kanina ko pa naisipang pumunta dito.
I continued studying habang isa-isang dumadating ang mga kaklase ko. Kasama na nina Kley at Raymond si Daniel nang dumating sila sa classroom at halos kasabayan lang din nila ang professor namin.
My professor didn't waste anytime, we immediately started our long quiz. I finished the quiz earlier than the others kaya mabilis akong nakapagpasa. Nagulat naman ako ng sumunod na nagpasa si Daniel. Sana naman ay hindi niya hinulaan ang quiz. Tiningnan ko rin sina Kley at Raymond na mukhang nasisiraan ng ulo sa pagsasagot ng quiz habang si Daniel ay nakikipagsabayan sa pag-aayos ko ng gamit.
When I got out of the room, I sent a text message to Nica na hihintayin ko siya sa mga benches malapit sa gate ng school kung saan kami madalas lumalabas kapag pauwi.
"Scarlett!" I heard a familiar voice shout my name.
Napahinto ako at hindi pa ako nakakaharap sa kanya ay mabilis na siyang nakapunta sa harapan ko. Ngiting-ngiti si Dan na para bang masaya siyang naabutan ako.
"Are you going home already? Sabay ka na sa akin," pag-aya niya. “Pauwi na rin ako.”
"Kasabay ko si Nica, Dan. Maybe next time,” sabi ko na lang at nagpatuloy sa paglalakad upang malagpasan siya ngunit agad naman siyang sumunod sa akin.
"Pupunta si Nica sa unit mo?" he asked. "Sabay ko na kayong dalawa para hindi ninyo na kailangang magcommute.”
"Huwag na, Dan. Mauna ka ng umuwi,” I refused his offer. “Kaya na namin ni Nica ang magcommute."
"Why do you have to commute if I can offer you a ride?” pilit niya pa rin. “Parehas lang naman tayo ng uuwian.”
Napatigil naman ako sa paglalakad. Huminga ako ng malalim at saka siya hinarap. "Okay..." I gave up. "Let's wait for Nica."
Lumawak naman ang ngiti sa kanyang labi. "Okay! We'll wait," masaya niyang sabi.
Tahimik lang kaming dalawa ni Daniel habang hinihintay si Nica. Nang dumating naman si Nica ay panay ang daldal nito. Parehas kaming sa back seat sumakay kahit na binuksan ni Daniel para sa akin ang pintuan sa front passenger seat.
"Musta naman ang long quiz ninyo?" Nica asked a question to break the silence.
"It's fine," simpleng sagot ni Daniel na nakangiti. He looked so confident.
"Oh..." Reaksyon ni Nica sa naging sagot ni Daniel na mukhang hindi siya makapaniwala bago lumingon sa akin. "Ikaw naman? Kumusta yung quiz mo?"
"Ayos lang," sagot ko.
"Hay... I tried my best," bulong niya sa sarili niya at sumandal nang maayos.
Mabuti na lang at hindi malayo ang university sa condominium namin kaya sandali lang din ang biyahe. Sadyang medyo ma-traffic lang sa gawing papaliko malapit sa university kaya medyo natagalan kumpara sa normal na biyahe.
"Thank you, Daniel!" masayang pasasalamat ni Nica kay Daniel nang makababa kami ng sasakyan saka niya ako siniko.
Napatingin naman ako kay Daniel at ngumiti. "Salamat."
"You're always welcome, and magdo-doorbell ako mamaya sa unit mo," he informed me.
"For what?" I asked him.
"Rose," he simply said. "Sige na. Akyat na kayo," sabi niya sa amin ni Nica.
"Okay... Salamat ulit," sabi ko na lang at hinila na paalis si Nica.
Nang makarating kami ni Nica sa unit ko ay mabilis siyang tumungo sa kitchen ko. She opened my cupboard and got our favorite chips. Kumuha rin siya ng juice sa aking fridge. She's basically, at home in my unit. Parang bahay niya na rin ata itong unit ko.
"Magpapalit muna ako," paalam ko sa kanya't hinayaan na siya sa paghahanda ng makakain naming dalawa.
Nang makapagpalit na ako ay lumabas ako ng kuwarto at nakita kong nakaayos na ang chips at juice sa center table. Naka-Indian seat siya sa sofa habang nanonood at nakikinig sa MTV.
Umupo naman ako sa tabi niya. Kinuha ko rin ang Lays saka sinimulan itong kainin.
"Shall I start?" she suddenly asked.
"Start what?" I innocently asked her.
"Start telling you kung ano ang nalaman at nakita ko?"
I heavily sighed and nodded. "Go ahead."
She smirked and started talking.