Warm
When Nica left after she told me what she found out, I immediately shut myself out. I locked the doors. I hid inside my room. Kahit na nang marinig ko ang pag doorbell sa loob ng aking unit ay hindi ko na ito ginawang sagutin pa. I knew that it was Daniel dahil 'yon ang sinabi niya sa akin. That he would visit to give me the rose.
I was completely confused. I couldn't sort out my feelings for him right now. I didn't know if he still felt the same way for me or it was already damaged. I thought that he was already falling out of love for me.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Maybe, I just didn't like him... I thought that I was falling in love already. It sucks because while I'm falling in, he's falling out. Ang nararamdaman ko lang ngayon ay ang kirot sa puso ko. I can feel the tears running down my cheeks because of the pain I'm feeling. Hindi ko akalaing iiyak ako ng dahil sa ganoong dahilan. Parang napakababaw kong tao.
Kinabukasan ay late akong nagising dahil 12PM pa naman ang pasok. I woke up around 9:30, I still had plenty of time.
I did my usual morning routine. But that time, I didn't check the brown paper bag outside my unit. I cooked breakfast for myself. Sunny side-up fried egg and corned beef. I also cooked rice. Itinabi ko ang natirang corned beef sa ref para may ulam ako mamayang gabi. Sana lang ay hindi mapanis ang natirang kanin. Kahit konti lang ang sinaing ko ay sayang pa rin kung mapapanis lang.
Nang lumabas ako ng aking unit ay hindi ko sinasadyang masipa ang brown na paper bag. Nakalagay na kasi ito sa harapan ng pintuan at hindi na sa gilid. Nakadungaw sa paper bag na 'yon ang rose na hindi ko natanggap kagabi.
Huminga ako ng malalim at yumuko upang ayusin ito. Inilagay ko ito sa gilid upang hindi na masipa pa ng iba.
I was about to leave it like that ngunit nakokonsensya ako. Binalikan ko ito at kinuha saka inilagay na lang sa harap ng unit ni Daniel bago umalis ng tuluyan.
Para akong lutang habang naglalakad patungo sa room namin ngayon. Mabuti na lang at nasa second floor lang room namin ngayon. Bumili muna ako ng cheese bread bago tuluyang pumunta sa room. My morning wasn't complete without bread nor waffles. Maybe I should start to include bread in my grocery lists.
Napatigil ako sa paglalakad nang matanaw ko ang isang babaeng mukhang naghihintay sa labas ng room namin. She was holding a paper bag and she kept on looking left and right. That made it obvious na may hinihintay talaga siyang dumating.
Madness started to build inside me. Wala naman siyang ginagawa sa akin pero hindi ko alam kung bakit may namumuo akong galit para sa kanya. I probably should stop this right away. I was being unfair. Hindi naman ako kilala ng tao at hindi ko rin siya kilala pero nagagalit ako sa kanya. Parang tanga lang.
Huminga ako ng malalim at saka umiling. Nagpatuloy ako sa paglalakad at dumiretso sa may back door. Hindi ko gawain ang pumasok sa may front door.
I was about to enter the room when someone called my attention.
"Excuse me, miss." Her sweet voice envelopes my ears, suddenly, it made me insecure.
Napatigil ako sa paglalakad at dahan-dahan siyang nilingon. And there I saw her, smiling at me.
"Blockmate mo ba si Daniel or classmate ka niya sa class niya dito?" she asked me, still smiling.
"Blockmate ko siya,” sagot ko sa kanya.
Mas lumawak naman ang ngiti niya. "Can you please, please give this to him?" sabi niya sabay angat ng paper bag na kanyang hawak. "I was planning to wait for him pero magsisimula na ang klase ko. If my building's here, then it's fine! Pero sa Arts Building pa ako. I need to go already kaya puwede bang pakibigay na lang ito sa kanya?"
Kukunin ko na sana ang paper bag when a familiar voice called her name at ibinagsak ko na lang ang aking kamay nang iiwas niya na ito sa akin.
"Daniel!" masayang sambit nito. "I thought late ka pa darating."
"What brings you here?" tanong ni Daniel sa kanya.
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Cara at pumasok na ako ng room. Sinabayan ako ni Kley at ni Raymond pagpasok.
"Huwag kang mag-alala, Scarlett," biglang sabi ni Kley saka ngumiti sa akin. "Kaibigan niya lang 'yon."
Seryoso ko naman siyang nilingon. "I don't care, Kley," sabi ko na lang at saka nag-iwas ng tingin.
Kinagat ko ang aking ibabang labi at saka tumingin na lang sa labas ng bintana kung saan kitang-kita ang malawak na grounds ng campus.
Kung tutuusin ay napakalawak ng university namin at napakaraming estudyanteng nag-aaral dito ngunit bakit siya pa ang napili ng puso ko? This is all because of Rico! Kung hindi niya pinakilala sa akin si Daniel eh di sana'y hindi niya ako magugustuhan. Eh di sana'y hindi ko rin siya mapapansin.
Some people may call it destiny but it's not. There’s no such thing as destiny. Ang meron lang any choice. I chose this school; I chose this course; I chose this path. I chose everything that leads me to him.
"Scarlett."
Napatigil ako sa pag-iisip when I heard him called my name. Nilingon ko naman siya't nakitang hindi pa siya nakaupo sa kanyang upuan at pirming nakatayo sa aking harapan.
"Bakit?" I asked him.
"You left your breakfast outside my unit," sabi niya't inilapag 'yon sa aking table. "The rose's inside that paper bag. It looks like you're tired last night. Maaga ka yatang nakatulog kaya hindi ko na naibigay 'tong rose kagabi."
"I really left everything outside your unit, Daniel," sabi ko sa kanya. "Sana ay hindi mo na dinala pa dito dahil tatanggihan ko lang 'yan."
His forehead creased and pain from his eyes didn't escape my sight.
"Why?" he asked. "I mean, I thought it's already okay with you kapag binili kita ng favorite breakfast meal mo. Kapag binibigyan kita ng rose every night... Bakit biglang ayaw mo na ngayon?"
Hindi naman ako nakasagot sa kanyang tanong. Pinagtitinginan na kaming dalawa ni Daniel ng malapit at nakakarinig sa amin. Mabuti na lang ang iba ay abala sa pag-uusap at kung anu-ano pa.
"Is it because of the song I made for you?” His voice broke which made me look up to him. “Dahil hindi mo nagustuhan 'yon?"
Kitang-kita ko ang pagsisimula sa pamumula ng kanyang mga mata. Even his ears are turning red now.
"It's not that, Daniel. I appreciated it,” I told him. “I appreciate everything that you're doing for me pero...." Napahinto ako at hindi ko mahanap ang tamang mga salita na dapat kong bitawan.
"Pero? Pero ano?" he asked, almost frustrated. "Hindi pa ba sapat? May pagkukulang pa ba ako, Scarlett? Ano bang gusto mo sa isang lalaki? If you don't want the kind of guy I am now then I can change for you. I'll change for you."
"Daniel, you're overthinking!" sabi ko sa kanya, tumataas na ang aking boses. "Hindi 'yon ganon. Hindi dahil ayoko sa pagkatao mo because believe me, you're almost everything that a girl wants. You're caring and sweet. You're full of efforts. You're talented. I believe that you also have dreams and ambitions--"
"But despite that... you still don't want me," he whispered.
I think my heart's not just figuratively breaking but literally.
"Daniel…” Umiling-iling ako. “Please don't think that way.”
He bit his lower lip and a tear finally fell from his eye. He faked a smile at saka tumingala kasabay ng pagpahid niya sa kanyang luha.
"Excuse me," mabilis niyang sabi't umalis papalabas ng room.
Napatayo na ako sa aking upuan upang habulin siya nang hawakan ni Raymond ang aking braso upang pigilan ako. Napatingin naman ako sa kanilang dalawa ni Kley.
"Hayaan mo muna siya ngayon, Scarlett," sabi ni Raymond.
"Naiintindihan ko ang gusto mong iparating sa kanya but I think he's blind and deaf because he's hurting," Kley even explained.
Huminga naman ako nang malalim at saka napaupo na lang ulit sa aking upuan. Wala na akong pakialam sa bulungan ng mga kaklase namin. For sure ay kakalat ito mamaya. Wala akong pakialam kung kumalat man na wala akong puso dahil sinaktan ko si Daniel ay okay lang dahil baka 'yon naman talaga ang totoo. Baka wala talaga akong puso dahil kaya kong saktan ang taong alam kong minamahal ko na....
Daniel didn't attend the first and second consecutive classes. Ngayong vacant period namin ay mas lalo akong naging lutang. I kept on thinking kung justifiable ba ang ginawa kong p*******t kay Daniel kanina para lang sa nalaman ko kay Nica. Sa tingin ko'y naging mababaw ang pag-iisip ko.
"You wouldn't believe what I saw earlier, Scarlett," panimula ni Nica sa kanyang kuwento na aking binalikan.
Pirming diretsong nakatingin lang ako sa kanya at nakikinig sa kanya. My ears were wide open and ready to listen to what she had to say.
"I was quietly stalking Cara. Hindi ako nahirapang hanapin siya nun dahil kakapasok ko pa lang ng Arts Building ay bumungad na siya sa harapan ko,” kuwento niya sa akin. “I was thinking that time that I'm really lucky. Pero kahit na dumaan siya sa harapan ko ay nagtago pa rin ako. Para walang makahalata, syempre."
Nica really liked to tell stories, especially gossip. She was very detailed, like she was afraid that she was going to miss an important part.
"Honestly, I found stalking her so boring dahil wala naman akong nalalaman tungkol sa kanya. She's just all smiles and very friendly. Ang dami niyang kinakausap," sabi niya. "I was about to leave dahil baka nga gaya ng sabi mo ay wala akong mapala pero bigla kong narinig na nagkakantiyawan ang mga kaibigan niya. Napalingon ako ulit kay Cara at sa mga kaibigan niya and there I saw him, unexpectedly, Daniel was there."
Bahagyang napaawang ang aking bibig sa kanyang sinabi. That was during our vacant time. Ang sabi ni Daniel ay kaya hindi siya makakasama kila Rico na sa table ko at mismong sa tabi ko umupo ay dahil may pupuntahan pa siya. I assumed na importante ang pupuntahan niya, and then... kay Cara pala siya pumunta. Cara should be important to him now.
"May binigay si Daniel sa kanya pero hindi ko alam kung ano ‘yon. Iniwanan pa nga silang dalawa ng mga kaibigan ni Cara para makapagsolo silang dalawa't mag-usap," Nica continued. "They're laughing at each other. Mukhang komportable na nga sila sa isa't-isa. Daniel's talking to her gaya kung paano niya kinakausap sila Kley. Ganoon kakomportable! To think na kahapon lang sila nagmeet for the performance ay nakakapagtaka."
Napapatanga na lang ako sa kinukwento ni Nica at pilit kong isinasautak na tama nga siya. Nakakapagtaka... Ayaw kong isipin, however, I really thought that Daniel was feeling something for Cara.
"You know how tight Daniel is when it comes to girls, Scarlett. You're the only girl he's warm with," paalala pa sa akin ni Nica. "Pero ngayon.... may iba na."
I deeply sighed pagkatapos kong alalahanin ang lahat at sinimulan ko na ring kainin ang binigay sa akin ni Daniel. Ito na lang ang nagpapalubag ng loob ko. At least take and eat what he gave me.