Insults Hindi ko ma-explain ang reaksyon ni Nica habang pinapanood ang pag-aasikaso ni Daniel sa akin. It has been almost a week magmula nang maamin ko kay Daniel ang nararamdaman ko para sa kanya. Katabi ko si Nica habang katapat naman namin sina Kley at Daniel. Tumayo pa si Daniel sa gilid ko upang maasikaso ako kahit na sinabi kong kaya ko naman ang sarili ko. He was slicing the meat for me. Ang sabi ko nga'y pasta na lang ang kakainin ko dahil may isang break pa naman kami mamaya pero gusto niya raw akong makitang kumain ng kanin. He said he wanted me to always be healthy. I gave Daniel a smile after he finished preparing my meal. "Thank you." Mag-uumpisa na sana akong kumain nang biglang humilig sa akin si Nica at bumulong. "I still can't get a hang of Daniel's actions. Nagb-buf

