Chapter 3

585 Words
Chapter 3 "Alime hindi ka maniniwala sa customer natin ngayong gabi!" Hinala ni Bekla si Alime papunta sa isang gilid upang masolo siya nitong makausap "Sino?" Walang ganang tanong niya kay Bekla. Hindi pa siya tapos mag lagay ng makeup sa mga oras na iyon at heto si bekla iniistorbo nanaman siya "My God ang gagwapo! Kilala ko yung dalawang pogi kasi sikat yung pamilya nila. Hufman brothers!" Napatili pa si Bekla ng kaunti dahil sa binalita nito sakanya. Napaisip naman siya kung anong ginagawa ng Hoffman brothers sa puputsuging night club na ito? Sikat ang hoffman family sa buong pilipinas kaya naman kilala niya ang mga ito. Mas sikat pa nga ang mga ito kaysa sa mga artista dahil maraming fans ang magkakapatid na ito. "Sure ka bekla? Bakit naman maliligaw dito yung Hoffman brothers?" "Dahil sayo! Isa sa mga naging customer mo last week kaibigan ng isang hoffman! Kaya ayan kasama niya ngayon ang dalawang magkapatid. It's your lucky night Alime! Ikaw talaga ang nag dadala ng swerte sa club na ito" Niyakap siya ng mahigpit ni Bekla. "Magkano ba isang gabi pag ganyang mayaman?" Walang gana niyang tanong. Kahit pa ubod ng kagwapuhan ang mga ito wala naman siyang kilig na nararamdaman dahil sa bigat ng kanyang mga problema. "Sinabi ko 50k. Dahil ikaw ang star of the night tumaas na rate mo." Kinurot pa ni Bekla ang kanyang pisngi Nanlaki ang kanyang mata sa sinabi ni Bekla. Mas mapapabilis siyang makakaipon ng pang piyansa sa tatay niya! "S-Salamat bekla" Napalunok siya sa perang makukuha niya "Walang anuman! Siyempre may cut ako don kaya kwarenta lang sayo. Sakin ang diyes mil" Ngumiti nalang siya "Oo naman" "Kaya galingan mo para umulit-ulit sayo!" Pinalo ni Bekla ang kanyang puwet Nagtitinginan naman sakanila ang ibang dancers ng club dahil maliit lang ang kinikita ng mga ito kumpara sakanyang rate "Tinitingin niyo diyan?" Pagtataray ni Bekla sa ibang dancer. Masama kasi ang tingin ng iba. "Bakit ang daya mo? Bakit kay Alime sikwenta mil agad ang rate niya? Bakit kami limang libo lang--" "Ambisyosa kang froglet ka. Tingin mo ba may magbabayad sayo ng sikwenta mil sa itsura mong yan? Pasalamat ka nga may nagbabayad pa ng limang libo para sayo eh! Tandaan niyo to girls ha! Iba ang ganda ni Alime sainyo kaya tangapin niyo nalang yun!" Sita ni Bekla sa mga ito Napabuntong hininga nalang siya dahil simula ng maging star of the night siya sa club na iyon halos lahat ng kasamahan niya ay may ingit at galit sakanya. Wala tuloy siyang kaibigan. Kanya kanyang taas ng kilay ang mga babae sakanilang dalawa ni Bekla "Hayaan mo na yang mga chakang yan. Paghandaan mo nalang ang malupit mong dance number mamaya para itake home ka ng mga pogi" Tinapik pa ni Bekla ang kanyang pisngi bago ito lumabas ng dressing room "Iba talaga pag favorite. Tss" Parinig ng isang babae sakanya. Hindi niya nalang ito pinansin dahil ayaw niya ng gulo. Huminga siya ng malalim. Kailangan niyang galingan ang dance number niya mamaya dahil kailangan niya ng mga customer na katulad ng mga hoffman brothers. Mayaman at handang magbayad ng malaki. Minsan lang mayroong pagkakataong ganito kaya susungaban na niya iyon. "Para sayo to tay.." Bulong niya sa kanyang sarili habang tinitignan niya ang kanyang passbook. Nakasulat doon kung magkano na ang naiipon niyang pera sa banko. Malayo-layo pa sa isang milyong piso ngunit kung mabibighani sakanya ang isa sa mga hoffman brothers malaking tulong iyon para mapabilis ang pag iipon niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD