Chapter 2

1408 Words
Chapter 2 "Alime! Anak bangon!" Na-alimpungatan si Alime sa sigaw ng kanyang ama. Dali dali itong pumasok sa loob ng kanyang kwarto. "Tay? Anong nangyari?" Kinakabahang tanong niya Pawis na pawis ito at takot na takot. "A-Anak hindi ako pumatay ng tao anak. Maniwala ka sakin. O Diyos ko!" Napaluhod ang kanyang ama sa sahig habang umiiyak ito sa kanyang harapan. Agad niya itong nilapitan. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng tatay niya. Puyat pa naman siya dahil 18 hours ang shiff niya araw araw sa isang hotel. Isa siyang elevator girl at iyon lang ang ginagawa niya sa buong maghapon hangang gabi. Choice niyang mag trabaho ng sobra sobrang oras dahil malaki ang bayarin nila sa kanilang apartment at bills buwan buwan. Dalawa nalang sila ng papa niya sa kanyang buhay dahil maagang pumanaw ang kanyang ina noong bata pa lamang siya. Isang basurero ang kanyang ama at tuwing madaling araw itong nangangalakal. "Tay hindi ko po kayo maintindihan? Anong pinatay po? Anong nangyari tay?!" Hinahagod niya ang likod ng kanyang tatay. Awang awa siya sa itsura ng kanyang ama. Takot na takot ito at balisang balisa "N-nakakita ako ng bangkay ng bata sa basurahan anak. Tapos bigla nalang may sumigaw na babae sa likod ko at ako yung napagkamalan nilang pumatay sa bata. T-Tumakbo ako anak dahil natakot ako. O Diyos ko tulungan niyo po ako." Napaiyak na rin siya dahil sa sinabi ng kanyang tatay. "Tay naniniwala ako sayo. Huminahon ka tay--" Sabay silang nagulat ng kanyang ama ng sipain ng isang pulis ang pinto ng kanyang kwarto "Roberto sumama ka samin sa presinto!" Pakiramdam ni Alime nagunaw ang mundo niya ng limang pulis ang pumasok sa kanyang silid upang kunin ang kanyang ama "Wala po akong kasalanan! Maawa po kayo!" "Wala pong kasalanan ang tatay ko!" Lumapit siya sa pulis habang pinoposasan nito ang kamay ng kanyang ama "Sa prisinto na siya magpaliwanag" Dinakip ng mga ito ang kanyang ama. Tumahimik ang buong paligid at kahit ang mga sigaw ng kanyang ama ay parang hindi na niya naririnig. Napatulala nalang siya habang kinakaladkad ng mga ito ang kanyang ama. Matanda na ang tatay niya kaya mahina na ang katawan nito. Pakiramdam niya bawat pag hila ng mga pulis sa patpating katawan ng tatay niya isang tarak iyon ng patalim sa kanyang dibdib "T-Tay" Humahagulgol na sambit niya "Anak! Tulungan mo ako anak!" Sigaw ng tatay niya Napaluhod siya sa sahig dahil nanghina ng husto ang kanyang katawan. Unti unti nalang niyang naramdaman na bumabagsak na ang buong katawan niya sa sahig. Hindi niya kinayanan ang kanyang nakitang pagdakip sa kanyang ama. Bago pa siya bumagsak sa sahig naramdaman na niya ang mga bisig na sumalo sakanya. "Alime!" Sigaw ni Peterson Si Peterson ang matalik niyang kaibigan. Mga bata palang sila ng maging kaibigan niya ito. Kapitbahay lang nila ito kaya naman halos naging kamag anak na rin ang turing niya kay Peterson. Ngunit alam niyang may gusto parin ito sakanya hangang ngayon dahil ilang beses man niya itong binasted ay sige parin ito sa paulit ulit na panliligaw sakanya. Ang sigaw ni Peterson ang huli niyang natatandaan bago siya nawalan ng malay. Makalipas ang anim na buwan nasentensyahan ang kanyang ama ng pagkakakulong ng limang taon lamang dahil kulang ang mga ebidensya. Ngunit kung makakapag piyansa ito ng isang milyong piso ay maaari itong makalaya. Limang buwan palang nakakulong ang kanyang ama ay hindi na niya kinakaya. Lalo na sa tuwing napagtitripan ito sa loob ng kulungan parang pinapatay rin siya sa sakit ng makita niyang may black eye ito noong isang araw. "Sigurado ka ba Alime?" Nakataas kilay ng may-ari ng night club na gusto niyang pagtrabahuhan "Opo" Nanginginig na sagot niya Nais niyang makaipon ng pera sa lalo't madaling panahon! Hindi na niya kayang makita ang kanyang ama na naghihirap sa loob ng kulungan. Kahit mag trabaho pa siya ng bente kwatro oras sa pinagtatrabahuhan niyang hotel ay hindi parin siya makakaipon ng isang milyon! Lahat ng kaibigan niya at kamag anak nila ng kanyang ama ay nalapitan na niya. Marami rin nagbigay ng tulong sakanya ngunit hindi parin iyon sapat upang makabuo siya ng isang milyong piso! Kasalukuyan sikwenta'y kwatro mil palang ang naiipon niya! Awang awa na siya sa kanyang ama hindi na niya kayang patagalin pa ang tatay niya sa loob ng kulungan. Kung dangal at kanyang puri ang kapalit ng paglaya ng tatay niya handa siyang wakasan iyon. "Alright. Matagal na kitang pinipilit eh. Marami na nakapila sayo" Ngumiti ng wagas si Bekla. Bekla ang palayaw nito sa lugar nila. Ito ang may ari ng night club na pagtatrabahuhan niya. Balita niya bente mil ang bayad sa isang gabi. Handa siyang isanla ang kaluluwa niya para sa kanyang ama. Unang gabi palang niya sa night club maraming mga lalake ang gusto siyang tikman. Takot at pandidiri ang kanyang naramdaman. Hangang sa lumakas nalang ang sikmura niya. Kailangan siya ng kanyang tatay at tatatagan niya ang kanyang kalooban "Alime itake home ka raw ng isang customer. Pogi naman kaya pwede na!" Sigaw ni Bekla habang nagbibihis siya sa dressing room. Kakatapos niya lang sumayaw sa stage. "S-Sige ho" "Bente mil. Nagbayad na agad." Iniabot sakanya ni Bekla ang kinse mil "B-Bakit kinse lang?" "Aba siyempre saakin ang limang libo no!" Napalunok nalang siya. Mas mabuti na iyon kaysa sa trabaho niya sa hotel. Kinse mil din ang sahod niya roon ngunit 18 hours naman siyang nagtatrabaho. "Birhen ka pa ba?" Maya maya tanong ni bekla sakanya Umiling siya. Totoo namang hindi na siya birhen dahil may naka-s*x na siya noong high school palang siya. Ang ex boyfriend niyang si Kyle. Tumagal rin ang relasyon nila ngunit naghiwalay rin sila matapos siya nitong lokohin at ipagpalit sa ibang babae. "Mabuti naman. Lugi ka kung birhen ka pa" Napalunok siya ng lumabas si Bekla. Ano bang pagkakaiba ng mga birhen sa hindi na birhen? Kapag ba di kana virgin wala ka ng karapatan respetuhin? Napabuntong hininga nalang siya. Noong gabing iyon ang unang customer niya ay isang empleyado ng pharmacy malapit sa lugar nila. May itsura ito ngunit alam niyang pamilyadong tao ito. Halos burahin niya ang kanyang balat pagkatapos nilang mag s*x ng unang customer niya. Diring diri siya sa buong katawan niya. Todo ang atungal niya sa banyo habang naliligo siya Halos araw araw umiiyak siya ng umiiyak sa tuwing natatapos ang s*x session niya sa ibat-ibang lalake She felt numb. Pakiramdam niya hindi na siya ang dating Alime. Pakiramdam niya isa siyang basahan. Walang kwenta at kung sino sino ang tumatapak Ngunit sa tuwing dinadalaw niya ang kanyang ama sa prisinto nabubuhayan siya ng loob dahil unti unti na siyang nakaka-ipon "Tay ilalabas kita dito. Pangako ko yan sayo tay" "Anak huwag na. Kaya kong magtiis ng limang taon" Hinawakan ng kanyang ama ang kanyang kamay. "Tay hindi ko kayang makita kang bugbog sarado araw araw." Napahagulgol na siya dahil may malaking pasa nanaman ang kanyang tatay sa pisngi nito "Anak ko. Patawarin mo ako" Humagulgol na rin ang kanyang ama Mukhang alam na nito ang ginagawa niya upang makaipon lamang ng malaking pera "Wala kang kasalanan tay.." Niyakap niya ang kanyang tatay. "Anak tigilan mo na ang trabaho mo. Ayokong masira ang buhay mo dahil sakin. Patawarin mo ako anak" "Kaya ko to tay. Ikaw ang pinaka-importante sa buhay ko" Humahagul-gol sila pareho ng kanyang ama. Kinagabihan nagulat siya sa kanyang customer. Walang iba kundi si Peterson. "P-Peterson?" Nanlalaki ang kanyang mata ng makita si Peterson sa VIP room ng night club. Napalunok ito "A-Ayos lang ba?" Nahihiyang tanong nito sakanya Hindi niya maintindihan ngunit nakaramdam siya ng sakit sa kanyang puso. Matalik na kaibigan ang turing niya rito ngunit heto ito at nagbayad pa ng malaki para lamang ikama siya. Mga lalake nga naman parepareho lang. "Trabaho ko to. Simulan na natin" Hinubad niya ang kanyang saplot sa katawan. Simula sa gabing iyon nagbago na ang tingin niya kay Peterson. "Oh s**t ang sarap mo talaga" Panay ang ungol nito habang walang sawa itong paulit ulit na naglalabas masok sa kanyang katawan Ngunit wala siyang nararamdaman kundi poot at sama ng loob. Naramdaman nalang niyang tumulo ang kanyang luha mabuti nalang at di nito nakita iyon Pakiramdam niya binabangungot siya simula ng makulong ang tatay niya. Sirang sira ang buhay niya. She want to scream and cry.. Ngunit wala naman magagawa ang pag iyak niya kung kalayaan ng tatay niya ang kapalit lahat ay gagawin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD