bc

Relentlessly (La Esperanza Series #1) Free - Tagalog

book_age18+
16.5K
FOLLOW
304.1K
READ
dark
HE
arranged marriage
powerful
heir/heiress
bxg
small town
like
intro-logo
Blurb

Relentlessly I:

Nang malaman ni Isla Laurena na itinakda siya ng mga magulang na ikasal sa isang lalaking hindi niya kilala para sa negosyo ay naisipan niyang tumakas at magpakalayo-layo. Until she reached the small town of La Esperanza. Sa gabing maulan ay muntik na niyang harapin ang kamatayan sa kamay ng mga hindi nakikilalang lalaki. Desperate to save her life, hinarang niya ang isang sasakyan sa gitna ng madilim na kalsada at rumaragasang ulan, making her cross paths with Seatiel Del Fuego, the man who saved and cared for her, and the exact same man whom she was meant to marry. Ang lalaking tinakbuhan niya sa nakatakda nilang kasal ay siya ring lalaking kumopkop sa kaniya nang mapadpad siya sa La Esperanza.

Fate sent her to Seatiel like a wave crashing against the shore and no matter how hard she tried to unravel, Isla was still caught in his burning love that ignited her, fiercely and relentlessly.

Relentlessly II:

Marami man ang pilit naghiwalay, nagawang mag-isang dibdib nina Seatiel at Isla. Masalimuot man ang kanilang pinagdaanan nang paglayuin sila ng mga bagay na bahagi ng mapait na nakaraan, matibay ang kanilang pananalig sa kanilang pag-iibigan. They withstood distance, longing, and a battlefield of heartache... and thought it is now road to forever.

So, when Seatiel left, Isla is beyond wounded. Hindi man malinaw ang rason ng asawa, nagawa niyang maghintay at nanalig sa pagbabalik nito. Kaya nang umugong ang balita tungkol sa paglalayag ng cargo vessel ng mga Del Fuego sa gitna ng karagatan, wala siyang nais paniwalaan. Her faith remained unshaken.

Pinanghawakan ni Isla ang mga pangakong kanilang sinumpaan. Sa bawat paglipas ng panahon ay nanatili siyang naghihintay sa pagbabalik ni Seatiel. Standing by the shore and waiting for a lover to come back, she refused to grieve, forget, and bury their love. She’d like to think he’s just sailing somewhere across the sea, at na isang araw ay muli itong magbabalik.

Ngunit hanggang kailan siya mananatiling naghihintay sa muli nilang pagtatagpo? Hanggang kailan niya kayang panghawakan ang mga pangakong tinangay na ng mga alon at inihip ng hangin?

And if the heavens bring them together one more time, can they truly revive the love that got lost somewhere in forever?

Written by: Tila De Alba / Tila Reav

chap-preview
Free preview
Prologo
Relentlessly I Love knows no limit to its endurance, no end to its trust, no fading of its hope. It can outlast anything. Love stands still when all else has fallen. They said loving is a gift, but when it gets to the point where it hurts so much... Will it still be the same? Love is the greatest gift of life. At kung may pinakamagandang biyaya man ang Maykapal sa dalawang taong pinagsama at pinag-isang dibdib Niya, iyon ay ang walang hanggang pagmamahalan. A love that went through ups and downs, and still, unbreakable. Parang bahay na itinayo sa batuhan. Matatag at hindi madaling matitibag ng anumang bagyo at unos na magdaan... "Ayon sa sulat ni Apostol Pablo sa mga taga-Corinto, pinaaalalahanan niya tayo tungkol sa pinakadakilang kaloob na maaaring taglayin ng tao—ang pag-ibig. Ang pag-ibig ang pundasyon ng lahat. Ito ang nagbibigay saysay sa ating salita, sa ating paglilingkod, at sa ating pananampalataya..." Tahimik akong nakikinig sa preaching. Sa apat na sulok ng chapel ay iyon lang ang naririnig. Malamig pa kanina noong umalis kami para dumalo at ngayon, nakababa lang ang suot kong headscarf at nilagay sa mga balikat. Walang mapupuna sa malinis na malinis kong suot, sa maayos na pagkakaupo, at mga matang nakatuon sa harapan. Sa isang banda, sa kabila lamang ng aking kinauupuan, ramdam ko ang ilang beses na pagsulyap, but my whole attention is focused at the minister who is preaching about the Lord's words written in 1 Corinthians 13, about love... "Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggit, hindi mayabang, ni mapagmataas. Hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi madaling magalit, at hindi nagtatala ng mga pagkakamali ng kapwa. Hindi natutuwa ang pag-ibig sa kasamaan, ngunit nagagalak ito sa katotohanan. Ang pag-ibig ay matiisin, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas." Bawat katagang aking narinig, para ding isang kurot sa aking dibdib. Each word echoed deep in my soul. At kung paanong sa kabila ng lahat, nagawa kong pigilin ang luhang nagbabalak na magpakita at sumilip sa mga mata ko, tulad ng kalungkutan sa bawat gabi, ay lagpas na sa aking pang-unawa. Ang pag-ibig ay matiisin... mapagtiwala... puno ng pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas... Kung ganoon, nangangahulugan nga ba itong may wakas ang pagmamahal? Natatapos din sa ayaw man natin o gusto. But now, I still want to ask Him... why? Just... why? Natapos na ang preaching, natapos na rin ang buong pagtitipon, at lumabas ang lahat, pero naiwan ako sa loob habang nananatiling tahimik ang paligid. Pagod ang aking mga mata kahit hindi pa lumuluha. Nakatingin lang ako sa harapan. I didn't even need to shed a tear to prove how much it hurts. Dahil kahit hindi kumilos, kahit manatili lang akong buhay at humihinga, ramdam ko ang lahat. Nagpupumilit. Dumadalaw sa bawat sandali, sa gitna ng lungkot o ng saya, ng katahimikan o ingay, nagsisilbing alaala kung ano ang mga posibleng nangyari kung sakaling... nandito pa siya. "Isla," tawag ng isang boses na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Binaba ko ang tingin at tinapos ang tahimik na dasal sa isip, saka dahan-dahang tumayo na at nalingunan ang lalaking naghihintay malapit sa b****a ng chapel. "Let's go..." he whispered, bahagyang seryoso. Huminga ako nang malalim at tahimik hanggang makalapit. He held the small of my back. Muli kong nilingon ang harapan ng chapel bago niya ako tuluyang iginiya palabas. Doon ay naghihintay na ang aming mga kasama at mukhang pasakay na rin ng sasakyan. Hindi ko namalayang ganoon pala ako katagal sa loob na halos ako na lang ang tao roon. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ng boses na pagmamay-ari ng lalaking nakabihis din nang maayos at nararapat para sa araw na ito. Napaangat ang tingin ko kay Ives. Nakasuot ng dark long-sleeved shirt, pang-ibabang formal trouser na bumagay rito, at nangingintab na mga sapatos. He looked really decent and proper. His high-end watch added a charm in his already almost perfect look, na pati ang iba hindi na talaga naiwasang mapatingin lalo pa't umaalingasaw ito sa pabango. Nanatili ang tingin ni Ives sa akin. Kanina pa siya patingin-tingin at sumusulyap sa loob pa lamang. Tumango lang ako. Sinuot ko na pabalik ang balabal sa ulo dahil mahangin pa rin at sabi nila, bawal pa raw akong mahamugan. "Mabuti pa at tayo na. Mukhang hindi ganoon kaganda ang panahon. This rainy season is still not over, huh?" naiiling na sinabi ng lalaking nasa harapan at tiningala ang langit habang tumango-tango. Hinaplos naman ni Tita Constanza ang aking braso at ngumiti nang marahan. "Are you okay, hija?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Tumango ulit ako. "Ayos lang po." Pinagmasdan niya pa ako bago taimtim na tumango kahit may bakas ng lungkot sa kaniyang mga mata. Sumakay na rin si Mayor Eugenio sa loob ng sasakyan habang pinupuna pa rin ang hindi kagandahang panahon. Ang driver naman ay naupo na rin sa loob. Malapit na ang summer para sa taong ito at dapat kapag ganito ay mainit na kahit papaano. Ngunit ngayon, mukhang nagbabadya pa yata ang ulan. Maayos naman ang panahon kahapon. Kita ko nga ang dismaya sa ibang mga tao lalo na iyong mga nagbabalak na mamasyal ngayong araw lalo pa't Linggo, pero mukhang may ilang lakad na hindi matutuloy dahil sa makulimlim na panahon. "Gusto mo pa ba talagang sumabay kina Papa? I brought my car." Nasa gilid na kami ng family van at dahil na rin tumingin si Mayor Eugenio sa amin ni Ives, hindi ko nagawang humakbang na nga agad papasok sa loob lalo pa't kakasakay lang din ni Tita Constanza. "Isla? Ives? Sa kabilang kotse na ba kayo?" pagtatanong ni Tita. Hindi naman ako sumagot. Si Ives ang tumingin sa akin at kahit hindi ko siya lingunin agad ay ramdam ko ang kaniyang mga matang nakatuon sa akin. I looked back at him, and when his eyes directed at me, kumislap iyon at tila isang sagot ang hinihintay. Hindi ko naiwasang huminga na lamang nang malalim. Naibalik ko ang tingin kina Tita Constanza na ngayon ay nangingiti na, at si Mayor Eugenio na may nanunudyo ring ekspresyon. "Kung ganoon, I think we're going home alone, darling," sabi ni Mayor Eugenio na ikinapula ng mukha ni Tita Constanza. Hindi na ako nakaangal. Sa huli, tumango sa amin si Tita Constanza at marami pang bilin para sa akin. "Please, take care of Isla Laurena, Grad Ives. Bawal pa siyang gaanong mahanginan. Bawal din siyang mapagod at baka mabinat," may panlalaki pa sa mga mata ni Tita Constanza nang sinabi 'yon. "Of course, Tita Constanza," ani Ives. Ramdam ko ang kaniyang kamay sa kaliitan ng aking bewang habang unti-unti nang umatras para makaandar ang van kung nasaan sina Mayor Eugenio at Tita Constanza. Kanina, sa kanila ako sumabay. Humabol lang din si Ives lalo pa't may inasikaso tungkol sa trabaho. "O, siya! Please, don't tire yourself, dear," paalala pa ni Tita Constanza sa akin. Tumawa naman si Mayor Eugenio. Ives smirked. Papa looked really okay and happy today, siguro nga nakatulong din talaga ang magagaang mga salita na natanggap kanina. "Let Ives take care of her, darling. It's his husband duties," halakhak nito at naiiling na lamang kay Tita Constanza na bumuntonghininga na lamang at tumango na ulit. "Fine, fine. Nag-aalala ako. Lalo pa't medyo hindi pa gumagaling itong si Isla. Oh, anyway, we'll leave it to the both of you, then," napalagay rin nitong sinabi at naupo na nang maayos sa loob. Nagpaalam na rin si Ives. Nanatili naman akong tahimik at tipid na lamang na ngumiti. Hanggang sa sinara na ni Ives ang pinto ng family van. Ilang sandali pa, umandar na rin iyon paalis at naiwan kami. Inalalayan niya ako. Niyakap ko naman ang magkabilang mga braso ko dahil tama nga si Mayor Eugenio, maulan pa talaga at malamig pa ang panahon. Umihip ang hangin. Hawak ako ni Ives at inayos ang balabal sa aking ulo na panangga sa lamig. Nanatili sa bandang bewang ko ang kaniyang hawak habang tinungo namin ang parte kung saan siya nag-park ng kotse. "Are you hungry already? We should eat somewhere... may alam akong bagong lugar. They serve nice dinner, too," saad ni Ives noong pinagbuksan ako ng pinto. Hindi ako agad sumagot, at doon pa lang mukhang alam niya na agad ang lalabas sa aking bibig kaya nagsalita siyang muli. "Ngayon ka na lang ulit nakalabas-labas sa mansyon. We should enjoy this day, hon..." saad ni Ives at ngumiti. Napatingin ako sa kaniya. Nagkibit-balikat naman siya at hindi natigkal ang ngiti sa labi. "Mind you, I already asked for Papa and Tita Constanza's permission," dagdag niya. Tinapik niya ang ibabaw ng kotse at mukhang wala nang balak pang pakinggan ang pagtanggi ko, nangungumbinsing huwag na munang bumalik sa mansyon dahil mahaba pa ang araw. "Alright, I won't take a no for an answer, for now," ngiti ni Ives at mukhang wala na rin akong magagawa. He kissed the side of my head before finally deciding, na talagang pupunta nga kami roon kung saan man iyon... Sana lang ay huwag kaming magtagal. Gusto ko na ring umuwi. Lalo pa dahil kanina ko pa ramdam ang iilang tingin sa akin ng mga nasa paligid na nakakakilala. At mas gusto ko rin sanang magpahinga lalo pa't may naghihintay sa amin sa bahay. Tita Constanza frequently attends chapel masses. Siya ang nagdadala sa amin dito. Siya ang nakapag-impluwensya kay Mayor Eugenio sa ganito at maging sa amin. Kaya ngayon, nagiging kagawian na ang pumunta rito. She's his companion... almost like a second wife. Bukod nga lang na sa mga sandaling ito, hindi pa sila ikinakasal... ngunit mukhang doon na rin patungo dahil nagiging mabuti ang samahan nina Mayor Eugenio at Tita Constanza simula nang magkakilala sila. It's true... Mayor Eugenio is remarrying. Halos tatlong dekada na ring yumao si Donya Soledad, at sa batas, walang masama kung magpapakasal siyang muli. Single din naman si Tita Constanza. Mabait din ito at kahit ako... walang maipipintas. Naalala ko pa ang tanong ni Ives sa akin kahapon lamang. Hindi ka ba nasasaktan para kay Donya Soledad? Mayor seems to be inlove with Tita Constanza. Hindi ko iyon nasagot nang maayos. Sinabi ko na lang na kung saan masaya si Mayor, wala naman akong balak mangialam. Kung nais niyang magpakasal muli, malaya siyang gawin 'yon. That was my answer, but today as I heard those words at the preaching ceremony, at muling nagbalik sa 'kin ang bawat alaalang nagpupumilit makisiksik sa aking kaibuturan, halos hindi ko maikilos ang aking mga labi dahil sa panlalamig. Each echo of the words, each wound inflicted upon me. And perhaps, this is the reason why I'm still suffering from everything. Dahil sinungaling ako. Nagpapanggap... At na hanggang ngayon... hindi ko pa rin magawang makalimot kahit sa minsanan ay sinabi ko sa sarili kong uusad na ako. Na tatanggapin ko na. Na wala na... Na tapos na. Na kahit gaano iyon kasaya noon, gaano kaganda, kakulay, at kasarap balik-balikan, natapos na. It was good while it lasted. At na ngayon, kailangan ko nang tanggapin ang nangyari at tuluyan nang lumimot. Kaya ko nasagot na ayos lang kung magpapakasal na sina Mayor Eugenio at Tita Constanza na nagkakasundo naman simula nang nagkakilala sila. We are supportive of their relationship, at kasal na nga lang ang kulang. But then... Donya Soledad. Paano nga ba si Donya Soledad? She is gone almost three decades ago. Kasabay ng paghinga ko at pagkasilang ko rito sa mundo ay pagkawala niya naman. Kung tutuusin, hindi ko nga talaga siya kilala. Hindi ko siya nakasama. Hindi ko rin naramdaman ang kalinga ng isang ina mula sa kaniya o kahit pa kay Mommy Ruella noon. I have been longing for a mother's love for so long, at alam ko ganoon din si Creed na maagang nabawian ng pagkalinga ng isang ina. Naisip ko nga na baka naman iyon ang dahilan kaya tanggap ko na si Tita Constanza. Dahil sa wakas, may taong nais akong ituring na tunay na anak... Pero ngayon, sa mga sandaling ito, nasaktan ako para sa tunay kong ina. Donya Soledad... kung buhay ka pa kaya... Anong mararamdaman mo ngayong nakahanap na nga ng ibang babaeng makakasama sa habang buhay ang lalaking nangako... na ikaw lamang ang mamahalin? Will you get mad? Happy? Dahil kita ko rin namang masaya si Mayor sa bagong babae sa kaniyang buhay... na pagtapos ng halos tatlong dekadang lungkot at pangungulila kay Donya Soledad, nakahanap din siya ng babaeng tanggap siya at makakasama niya sa mga natitirang sandali. Gusto ko sanang isagot iyon kay Ives. Hindi ko buong-buo na tanggap lalo na sa mga sandaling sumisilip ang lungkot at pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Hindi ko tanggap. Pero sino ako para magsalita tungkol sa bagay na iyon... kung nauna na ako. Kung nagawa ko na bago pa gawin ni Mayor. Kung tumalikod na ako sa sariling sinumpaan... kung ako mismo... Nagawa na ang bagay na noon ay hinding-hindi ko matatanggap. I have always hated the idea of remarrying. Bakit kailangang magpakasal ulit kung nawala ang isa? Bakit kailangang maghanap ng iba kung lumisan na siya? Bakit kailangang... May pumalit sa kaniyang pwesto? Nanatili pa ako sa labas ng pinto ng kotse habang hawak ni Ives ang pinto. Hindi ko pa magawang makasakay roon. Napatingala ako sa gusali. My heart, mind, and soul are always filled of silent prayers. But they are the loudest screams of my soul... Umihip ang hangin at nilipad ang ilang hibla ng aking buhok. Nangilid ang luha sa mga mata ko, ramdam ang pagkalat ng init sa sulok ng mga ito, sa aking ilong, at ang sikip at hapdi sa aking dibdib. Mapapatawad mo nga kaya ako... kung hindi ko na natupad ang ibang pangako ko? I promised to love only you, Tiel... I promised that it will remain you... until the very end of me. M-Mapapatawad mo kaya ako? Kung magkita ulit tayo... kung magtagpo ulit ang landas natin sa kahit anong paraan o anong konsepto. Tuluyang pumatak ang luha sa aking mata kasabay ng halik ng malamig na hangin. Tinangay nito ang ilang hibla ng aking buhok habang unti-unti ko nang binaba ang tingin at pumasok na sa loob ng kotse, hanggang sa isara ni Ives ang pinto para sa akin. Naupo ako nang tahimik, my heart aching, and my mind still full of my thoughts of him. I may have married Ives, but in my heart, it was always Seatiel. It is still... Seatiel. Always been... and it never changed. Kahit sa pagdaan ng mga taon. Sa paglipas ng panahon at sa bawat mga salitang natanggap ko mula sa lahat na nagsasabing lumimot na ako at magpatuloy nang wala siya. Nandito pa rin... nandito pa rin ang lahat. And I wish I can go back to where we started. Kahit gaano kasalimuot ang naranasan ko para lang sa una naming pagtatagpo ni Seatiel sa kalsadang iyon noong natagpuan niya ako, paulit-ulit kong tatanggapin at gugustuhin. Basta bumalik lang siya... b-basta makita ko lang siya ulit... basta... m-marinig ko lang muli ang kaniyang boses. Dahil hanggang ngayon, parang hindi pa rin totoo. Ang hirap pa ring paniwalaan. Ang hirap tanggapin. Hindi ako handa sa nangyari. At kailanman, hinding-hindi ako magiging handa. Kailanman, hinding-hindi ako makakausad... I am still holding on. I know. In my heart, I am still here... Waiting. Hoping. That he would eventually come back. Kahit pa sinasabi ng lahat na imposible iyon. Kumurap ako at niyuko ang aking ulo, rinig ang pagsara ng pinto ng kotse at ilang sandali pa, ang pag-andar naman niyon. Umandar ang sasakyan palayo at tuluyan akong nasadlak sa tabi ng lalaking inalay ang pangalan niya sa 'kin. Handang ibigay ang lahat sa akin. Hanggang sa maibalik ko sa normal ang lahat sa aking buhay. Until I heal from everything and bring myself back to Earth. He knows that I have felt broken in every part of my life since Seatiel was gone... since he left and never came back. He's gone. Too far gone for me to hold... Ngunit bakit sa puso ko, pakiramdam ko ay nandito siya? Bakit hindi ko siya malimot? K-Kung talaga ngang... wala na siya? Kumalat ang kirot sa aking dibdib. Umihip ang mga bulong ng nakaraan sa katahimikan, slipping in like a thief stealing my attempts to move forward. Pakiramdam ko, may matalas na bagay na humihiwa sa puso ko. Inangat ko ang tingin sa labas ng sasakyan sa mabigat na dibdib. Pinuno ko iyon ng hangin. I watched the passing trees. Are you really gone, Tiel? Kailangan ko na rin bang tumigil at patayin ang natitirang pag-asa na baka nandito ka pa? Tuluyang pumatak ang luha ko, umaasang may makakarinig pa. At kung talagang wala na... paano ako uusad? How can I forget the only man I have ever loved, and move forward... in a life without him?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.3K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.7K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.5K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook