Relentlessly I “Ang gandang Mrs. Del Fuego mo naman, Isla.” Ngumiti ako sa sinabi ng isa sa mga ale. Sa harap ng isang tukador ay tinutulungan nila akong ayusin ang buhok ko para mas maging presentable. It was no grand wedding. Perhaps the simplest they will ever witness. “Sa tinanda ko rito sa La Esperanza, ngayon lang ako nakasaksi ng ganitong kasal. Pero ito rin ang hindi namin malilimutang mga taga-rito sa isla.” “Aba, oo naman, Nay Perling. Isang La Senna at isang Del Fuego ang ikakasal. At dito pa talaga sa atin. Sa kabila ng mahabang panahon na walang nagkakatuluyan sa dalawang pamilya, ngayon ay parang may isang himala. Akalain mo iyon?” Mas naging matamis ang ngiti ko sa pag-uusap nila. Mula sa repleksyon ko sa salamin ay nakita ko ang mga mata ko. Somehow, they reminded

