Nauna akong humakbang patungo sa bahay. Yari ito sa bato at mukhang matagal nang nakatirik sa kinalulugaran nito. Kung gaano katagal, siguradong mahabang panahon na. Luma na rin kasi ito at mukhang napaglipasan na talaga ng panahon.
Maliit lang ang bahay. Walang mga palapag. Mas malaki lang nang kaunti sa nipa hut. Kahit nag-iisa sa gitna ng field at halatang hindi tinitirhan, hindi naman ito mukhang haunted pero sapat na para magbigay ng kakaibang haplos ng kalungkutan.
The house felt so lonely. Mas mararamdaman mo siguro iyon kung mag-isa ka.
Sa gilid ng bahay ay mayroong puno na ang mga dahon ay tumatama na sa side na ‘yon ng batong pader ng bahay.
Tinali ni Seatiel ang kabayo sa katawan ng puno. Pagkatapos ay lumapit siya sa ‘kin at saka naunang maglakad papasok sa bahay.
“Walang ilaw pero maliwanag pa naman kaya hindi ganoon kadilim sa loob.”
Sumunod ako habang yakap ang coat na ipinahiram niya sa ‘kin. Nauna siya sa loob at nasa likod niya ako habang nililibot ko ang tingin sa kabuuan ng bahay.
Maliit nga talaga ito gaya ng inaasahan kapag nakita mula sa labas. Medyo nagulat pa akong malinis ang loob. May higaang yari sa kahoy, upuan, at isang maliit na cabinet sa tabi ng kama. Sa ibabaw ng cabinet ay may lampara.
Tila hati sa dalawa ang bahay sa loob dahil merong harang na pader na yari sa parang mga pinagtagpi-tagpi o pinagpatong-patong na mga bato bago makita ang mismong kwarto kung nasaan ‘yong higaan. Ganoon ang istilo ng pagkakayari ng buong bahay.
Merong bintanang yari naman sa kahoy. Inangat ‘yon ni Seatiel para mas pumasok ang liwanag at hangin sa loob. Wala pang tanghalian pero medyo malamig ang simoy ng hangin. Hindi rin ganoon kainit.
“Mukhang tama si Ate Aly na uulan,” saad ko habang sinisilip ang bintana. Pati ‘yon ay mababa lang. Nagmistula tuloy bintana ng bahay-bahayan dahil sa tangkad ni Seatiel.
“Hindi ba masakit ang paa mo?” tanong niya at sinenyas na maupo ako. I sat down like a dog so willing to follow everything he’ll say.
“Paano naman sasakit ang paa ko? Hindi mo naman ako pinaglakad.” Ngumiwi ako at ginawang kumportable ang sarili sa higaan.
Hindi naman ako naglakad pero napagod ako. Kung dahil sa biglang pag-atake ng mga alaala mula sa nangyari kaya biglang naubos ang lakas ko, marahil nga. My knees are still weak and I’m sure my lips look pale.
Gusto kong maramdaman ang hangin kaya hinubad ko ang coat at pinatong sa upuan. Naiwan ang suot kong sleeveless dress.
Kahit ang bed sheet na puti ay malinis, medyo naalikabukan lang kaya pinagpag ko.
“Magpahinga ka muna. Saka na tayo tumuloy kapag wala na ang sakit ng ulo mo,” sabi ni Seatiel at iniwas ang mga mata. Sinisindahan niya na ang lampara kahit hindi naman na talaga kailangan ‘yon. Bukod yata doon, wala nang ilaw itong bahay. Kahit bumbilya, wala.
Mas makaluma pa ito kaysa sa bahay nina Ate Aly. Ito kasi, wala talagang laman. Lampara pa ang gamit. Wala man lang bang modern lamps? Mas madaling gamitin ‘yon at isang pindutan lang.
Wala rin yatang kuryente itong bahay. Parang silungan lang.
“Huwag na. Maliwanag pa naman,” sabi ko, tinutukoy ang lampara. Sayang lang kasi ang kerosene.
Tumagal ang tingin niya sa ‘kin na napatigil sa akmang pagliliwanag sa lampara. “Kulang ang liwanag, Lauren. Baka dumilim mayamaya at magising ka, iyon ang madatnan mo. Wala akong balak na takutin ka rito,” seryosong sabi niya.
I smiled a little at saka hinagod ang kamay sa malambot at malinis na kama. Halos mapahikab ako. Inasahan kong hindi ganoon katibay ang kahoy pero pag-upo ko naman sa kama ay hindi ito tumunog o gumiba. Mukhang yari naman sa magandang uri ng kahoy.
“I’m fine. Just leave it.”
Humikab akong muli dahil sa antok. Sobrang comfortable pa ng higaan sa pakiramdam. And the place doesn’t feel as lonely as I thought it would be, pero siguro dahil lang ‘yon sa nandito si Seatiel.
Maaga rin kasi akong gumising kanina pero siyempre mas maaga pa rin ang gising ni Seatiel dahil nga sinamahan nila ‘yong mga babaeng manguha ng mangga.
Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. “Sigurado ka? Hindi ko iilawan?” Tumango lang ako. Hindi niya na pinilit. “Alright, ikaw ang bahala...”
“Sinong nakatira dito?” tanong ko. Wala nang ibang gamit bukod sa higaan, upuan, at cabinet. Walang mesa. Pero mukhang merong lutuan sa isang bahagi ng bahay malapit doon sa pintuan. Lumang kalan din. Kailangan pa yata ng uling ‘yon o kung anuman.
“Nakatira? Wala... sinong titira sa ganito?” tanong ni Seatiel at bahagyang natawa. Tinungo niya ang cabinet at may kinuhang isang malinis na t-shirt.
“Ako,” mabilis na sagot ko. “Ayos naman ito, ah? Simple lang, tahimik, at payapa. Kaysa sa isang malaking bahay na masiyado ngang malawak at puno ng mamahaling bagay pero malungkot at palagi kang mag-isa.”
Hindi ko namalayan ang mga nabanggit. Masiyado yatang napasobra ang mga salitang dapat ay limit ko sa sarili. Baka madulas pa ako at may masabing hindi ko na dapat ipaalam!
Napangiti si Seatiel. Halos matulala ako. Pati ekspresyon ng mga mata niya ay nagbago nang ngumiti siya. He looked amused, at bahagyang nagpakawala ng mahinang tawang parang gusto kong ipaulit sa kaniya.
Kahit tawa niya yata ay maganda sa pandinig! Ano kayang maipipintas ko sa kaniya?
Masipag, hindi nagrereklamo kina Ate Aly at Nay Issa, he likes kids because he’s taking good care of Bom and Cindy, gwapo rin. Kung totoong nag-aral siya ng dalawang course, siguro matalino siya!
Ako ngang isa lang ang kurso ay halos umiyak na para lang grumaduate tapos siya ay nagdalawa?
“Gusto ko kapag ganiyang maingay ka. Mas bagay sa ‘yo...” sabi niya.
“H-Huh? Gusto mo sa maingay?”
Umarko ang isang kilay niya sa sinabi ko. Hindi pa rin siya nauupo. Kahit yata lumapit sa higaan kung nasaan ako ay hindi niya ginagawa.
“Your voice isn’t annoying...” sambit niya at saka tuluyang kumuha ng damit sa cabinet. Binaba niya sa ibabaw ng mesa ang susi, wallet, at isang itim na pakete ng sigarilyong mukhang mamahalin ang uri. Hindi pamilyar ang brand pero hindi ‘yong pangkaraniwang nakikita ko sa mga store.
Tumihaya ako sa kama at tinitigan ang kisame. Sakto pala ang pwesto ng bintana dahil pumapasok ang hangin mula roon at natatamaan ang pwesto ko.
Hindi sumagot si Seatiel pero nang tingalain ko siya sa kabilang gilid ko ay may maliit na ngisi sa labi niya habang inaayos ang t-shirt para masuot. Magbibihis pala siya at magpapalit ng shirt. Siguro dahil pinagpawisan siya kanina sa paglalakad.
Tumingin siya sa ‘kin pero hindi ako nag-iwas. Napalunok ako when he just straight up pulled his shirt over his head, ngunit hindi ko naman naiiwas ang mga mata ko at pinagmamasdan lamang siya.
Hindi sa pagiging proud pero sanay akong makakita ng abs at biceps. Marami akong kilalang models. And my ex-boyfriend is a model and an actor.
I rolled my eyes with the thought of that assh*le at mariing pumikit. Bumuntonghininga ako at saka binalik din ang tingin kay Seatiel. Hinubad niya nga ang damit at nagsuot ng panibago.
Napansin ko ang isang manipis na chain necklace sa leeg niya. May kung ano itong pendant. Maikli lang ‘yon at kulay ginto. It made him look more appealing and attractive. Maputi ang katawan niya at maganda ang bawat hulma ng abs at muscles. Saktong-sakto. Pati mga braso niya ay maganda. The veins in his arms are prominent.
Bagay na bagay sa kaniya maging model. Kung sakali man, pwede kong kausapin si Louisiana na isang model. Kapag nakita niya ‘tong si Seatiel, it’s either ige-gatekeep niya ang lalaki o siya mismo ang maglalantad nito sa public.
Sinuot niya ang itim na t-shirt. Nahulog ang mga mata ko sa dibdib niya. Umawang ang labi ko nang makita ang brand ng damit.
Balenciaga...
Bahagyang umangat ang kilay ko. Is that a fake Balenciaga? Bakit parang mamahalin ang mga gamit niya? Ganoon ba talaga kalaki ang kinikita nila rito sa farm?
Nag-iwas ako ng tingin nang matapos siyang magbihis at tumingin siya sa ‘kin. Tumagilid ako sa higaan. Naramdaman ko na ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko at ang pagod dahil siguro nabigla ang katawan ko sa paglabas ng bahay.
“Take a rest. Gigisingin na lang kita mamaya kapag nakapagpahinga ka na.”
“Paano ang pinapabili nila? Hindi ba kailangan na ‘yon?” pagod na tanong ko, pumipikit na ang mga mata.
“Don’t mind it. Magpahinga ka lang diyan.”
Mas lumamig ang paligid kaya hinatak na ako ng kagustuhang magpahinga. Nang mapapikit ay naramdaman ko ang pag-alis niya.
“Saan ka pupunta? Hindi ka ba magpapahinga rito?” mahinang tanong ko.
Ilang segundo bago siya sumagot. Nang medyo imulat ko ang mga mata ay nakita kong nakatalikod na siya sa akin at mukhang palabas na. Wala yata siyang balak manatili rito sa loob.
“Sa labas lang ako,” huling sabi niya at saka umalis. Tuluyan na akong nakatulog.
Hapon na nang magising ako. Hindi pa tuluyang lumulubog ang araw pero hindi na ganoon kainit. Mukha ngang uulan pa mamayang gabi.
Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto nang magising, only to find myself alone. Walang tao at walang bago sa ayos ng mga gamit.
Medyo gumaan na ang pakiramdam ko. My headache is gone. Medyo nanghihina pa rin ako. Agad na hinanap ng mga mata ko si Seatiel pero wala siya sa loob.
Maingat ang mga hakbang na lumabas ako ng bahay. Hinaplos ko ng kamay ang batong pader ng bahay at napangiti.
Ang ganda rito! Gusto ko itong bahay...
Lalabas pa sana ako sa pintuan nang matanaw ko ang isa pang bintana, ‘yong bintana sa gilid sa side kung nasaan ang puno. Doon ako lumapit at dumungaw, tama lang ito sa height ko at maayos kong nakikita ang labas.
Natanaw ko si Seatiel. May isang duyan sa labas sa ilalim ng puno na hindi ko napansin kanina. Doon siya nakahiga habang nakapikit ang mga mata, natutulog. His arms are crossed over his chest. Hindi siya ganoon kalayo sa pwesto ko kaya kitang-kita ko ang pagkakatulog niya. Malakas ang hangin kaya mukhang nakakaantok nga roon sa duyan.
Dahil nakapikit, mas lantad ang mahaba niyang mga pilikmata. Prominent jaw line. He looks like a saint sleeping. Pero kapag gising siya, hindi ko talaga maiwasang panginigan ng mga tuhod sa ilang pagkakataon dahil sa intimidating looks niya.
Far from my ex-boyfriend na maingay at magaan ang personality, ang kaniya ay misteryoso. I don’t even know a single thing about him bukod sa pangalan niya at basic infos.
Hindi ko namalayang pinagmamasdan ko siya mula sa bintana. Bagay sa senaryo ang sun rays. Ilang oras na lang siguro at lulubog na ang araw.
Napagpasyahan kong lumabas. Siyempre hindi ako sa bintana dumaan.
Mabagal ang hakbang ko dahil sa pagdadalawang-isip. Tatawagin ko ba siya para gisingin o tatapikin? O hahayaan ko muna siyang magpahinga?
“Seatiel...” marahang tawag ko. Sa hina ng boses ko, hindi ko alam kung gusto ko ba talaga siyang magising o ano!
Hindi siya sumagot at hindi rin gumalaw. Mukhang malalim ang tulog niya.
“S-Seatiel?” tawag ko ulit, pero gaya nang una’y ‘di siya sumagot. Bumuntonghininga ako at lumapit. Narating ko ang gilid ng duyan. Sa tangkad niya, himalang kumasya siya sa tela nito. Though, the hammock is really huge.
May nalaglag na dahon sa bandang dibdib niya. Napatingin ako roon bago dahan-dahang inangat ang kamay para kunin. Baka mangati siya kung hindi ko tatanggalin.
Nasa dibdib niya na ang kamay ko para alisin ang dahon nang mapaangat ang tingin ko sa mukha niya dahil unti-unti siyang nagmulat. Bigla akong napatigil sa pagkuha sa dahon at naiwan ang kamay sa kaniyang dibdib.
Namumungay ang mga mata niyang sinundan ang kamay ko at bahagyang nangunot ang noo nang makitang nasa dibdib niya ‘yon. Muli niyang binalik ang tingin sa mukha ko, and in a hoarse voice ay nagsalita.
“Anong ginagawa mo?” tanong niyang nang-aakusa.
My face heated out of embarassment. Mabilis kong kinuha ang dahon sa dibdib niya at nilayo ang sarili. Tiningala ko ang puno. “Nahuhulog ang mga dahon. B-Baka mangati ka diyan?” pulang-pula ang mukha na tanong ko.
W-Wala naman akong ginagawa, ah?
“Tss,” usal niya at bumalik sa pagkaka-relax ng katawan sa duyan. Gising na siya ngayon at nakatingin sa akin habang nagkukunwari akong namamangha sa puno at sa duyan. “If you want to touch me, then why don’t you just wake me up? Madali lang naman akong kausap.”
Halos masamid ako sa sariling laway sa biro niya.
“Anong ibig mong sabihin? Kinuha ko lang naman ang dahon. Tayo na nga... b-baka maabutan pa tayo ng ulan!”
“Tayo na?” tanong niya at tumayo na mula sa duyan.
Tumango ako. Medyo nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ko siyang tumawa at parang ewan na nangisi sa tanong na ‘yon.
Tayo na. Ibig sabihin aalis na kami!
Has he gone mad? Natimang yata ang isang ‘to!