Kabanata 28

2010 Words
Dahil sa nasanay na katawan, kusa akong nagising nang madaling araw bago tuluyang magliwanag ang langit. Una kong naramdaman ang nakaakbay na braso ni Seatiel sa akin habang nakasandig ako sa kaniyang dibdib. Napagtanto ko ang pwesto namin. Memories from last night flashed in my mind. Nag-angat ako ng tingin kay Seatiel. He’s deeply asleep. Gusto kong maghanap ng maipipintas sa kaniya pero wala yata talaga siya niyon. Gwapo kahit tulog. His messy hair just made him look hotter. Marahil nagulo ‘yon sa paulit-ulit kong pagsabunot sa kaniya. Parang sinisilaban ang mukha ko sa sobrang hiya. Hindi ko alam kung paano ko pa siya haharapin! Matapos makuntento sa pagtingin sa kaniya ay unti-unti kong inalis ang braso niya sa balikat ko at inangat ang sarili sa kama. Marahan ang kilos ko para hindi siya magising at nang tuluyang makaalis sa kaniyang hawak ay tumayo ako mula sa higaan. My body’s aching everywhere. Napapapikit pa ako sa hapdi. Sinuot ko ang dress at naisipang sumilip sa labas. Sinulyapan ko pa ang tulog pa ring si Seatiel nang marating ko ang labas ng kwarto. Maingat kong sinara ang pinto at saka nilibot ng tingin ang buong bahay. Hindi luma ang mansion. Mukha lang ganoon mula sa labas. Kung nakaligtaan lang ba sa mga nakalipas na buwan dahil medyo mataas na ang mga ligaw na damo sa harapan nitong mansion o talagang hinayaan lang na ganoon muna ay wala akong ideya. Malawak pala talaga ang La Esperanza. Mukhang sakop ng isang pribadong lupain ang mansion na ito dahil sa tinahak namin kagabi. Pinaghalong puti at iba’t ibang shades ng brown ang kulay nito. It’s an old style. Magara ang loob ng kwarto kung nasaan kami. Kahit ang kama. May mga antigong gamit. Halatang sobrang yaman ng may-ari. Napatingin ako sa hallway nang makaapak sa labas ng pinto. Napadaing ako sa hapdi sa pagitan ng mga hita ko. Nag-angat ako ng tingin sa paligid. May ilan pang mga kwarto. Malinis na malinis ang bawat sulok, sadyang tahimik at parang walang tao. Pero mukhang ganoon na nga dahil hindi naman siguro ako dadalhin ni Seatiel dito kung may tao. Mataas ang chandelier at magara ang staircase. Mula rito sa taas ay tanaw na agad ang main door. Pinasadahan ko ng tingin ang malaking painting sa pader sa gilid ng hagdan. Hindi ko maiwasang mamangha sa sobrang ganda ng babae maging iyong lalaki ay gwapo rin. Bagay sila. Napatitig ako sa larawan ng lalaki. Manly features. Makapal ang mga kilay at maganda ang malalim na mga mata. The man looks powerful, base sa postura at ayos nito. Hindi maitatanggi ang magandang lahing sisimulan ng dalawa sa larawan dahil pati iyong babae ay maganda. Nahawigan ko si Seatiel sa lalaki. Bumaba ang mga mata ko para hanapin ang nakita kong sulat doon kagabi at mabasa, pero napalingon ako nang may bumukas na pinto. Napalunok ako sa kabang gumuhit sa dibdib ko. Naglaho lang ‘yon nang makitang ang kwartong pinanggalingan ko ang bumukas! Nagtama ang paningin namin ni Seatiel. He’s standing on the doorway with his hands still on the door knob. Napatigil siya nang makita ako. Matagal kaming nagkatinginan. Kalaunan ay malalim siyang nagpakawala ng buntonghininga at napapikit. Narinig ko ang kaniyang mahinang mura habang hinihilot ang batok, nabigla pa yata ng gising. “B-Bakit? M-May problema ba?” gulat at takang tanong ko. “F*ck, Lauren. Aatakihin ako sa iyo.” Hindi niya napigilan. Walang ideya naman akong nakatingin sa kaniya. Ano ang ginawa ko, aba? Hindi ko na nilingon pa muli ang painting. Tumingin siya sa akin at bumuntonghininga. Parang may kung anong nagpoprotesta sa dibdib at tiyan ko dahil sa tingin niya. “Akala ko... umalis ka.” Nanatili ang tingin ko sa kaniya. Hinanap niya ako? Saglit lang naman akong nawala sa tabi niya at saka hindi naman ako makakaalis kung wala siya. Hindi ko alam ang lugar na ‘to at wala akong ideya kung paano bumalik kina Ate Aly. Nag-iwas siya ng tingin. Mariin ang kapit ng palad niya sa hamba ng pintuan bago napahakbang pabalik papasok sa loob ng kwarto. “Bumalik na tayo...” Natanaw ko ang likod niya. Mabilisan niyang kinuha ang kaniyang wallet at ang long sleeves na isinuot sa sarili. “Paano ang mga gamit na iyan?” tanong ko at tinukoy ang mga nakalaglag na gamit sa mesa. Pati kama, magulo! “I’ll send someone to clean that,” tanging sagot ni Seatiel. Hinayaan ko na lang iyon. Akmang susunod na ako sa kaniya nang mapatigil ako at mapaawang ang labi sa hapding naramdaman nang humakbang ako. Napatingin sa akin si Seatiel. Namula ang mukha ko nang bumaba ang mga mata niya sa pagitan ng mga hita ko. Bago pa ako makapagsalita ay binuhat niya na ako at dinala pababa. “Kanino ang mansion na ‘to?” tanong ko habang patungo na kami kay Cruise. Hindi na ganoon kadilim ang paligid ngunit hindi pa sumisikat ang araw. Sobrang lamig. Bawat hampas ng hangin ay nililipad ang mga hibla ng buhok ko. “Sa mga Del Fuego...” malimit na sagot ni Seatiel. Ang dami kong gustong itanong pero naunahan na ako ng hiya. Ayokong magmukhang feeling close sa kaniya dahil lang may nangyari sa amin. It’s just our physical bodies and nothing more... Hindi na ako nagdagdag ng tanong kaya nagulat pa ako nang magdagdag siya ng sagot. “Wala nang nakatira. Nasa malayo.” Tumango ako. “D-Dito ka ba tumutuloy? Mag-isa?” Ibig sabihin, dito talaga siya nakatira? May kwarto lang siya kina Ate Aly dahil malapit siya sa mga ito. Doon yata siya namamalagi kina Ate Aly madalas pero mukhang bumalik sa pagtuloy rito simula nang dumating ako dahil ako na ang gumagamit sa kwarto niya roon at wala na siyang matuluyan. Muli kong nilingon ang malaking bahay. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nasaan ang mga magulang ni Seatiel? Bakit mag-isa siya rito sa La Esperanza? Wala na ba siyang natitirang kamag-anak dito? At itong mansion, kung dito siya tumutuloy... dito niya kaya dinala si Tamsiah noong gabing hindi siya pumunta kina Ate Aly? Panigurado. O baka nga ay hindi lang si Tamsiah ang nadala niya rito. At isa pa, gaano ba kayaman si Seatiel para maging ganito ang kanilang mansion? Ito na yata ang pinakapribadong parte ng La Esperanza. Dahil nagigitnaan ng gubat at ng dagat. Inalalayan niya ako pasakay sa ibabaw ni Cruise. Ipinuwesto niya ako sa harap at siya sa likod. Magkahalo ang lamig ng hangin ng madaling araw at init ng kaniyang katawan mula sa likod ko. Pinaikot ni Seatiel ang mga braso sa magkabilang gilid ko at mahigpit na hinawakan ang tali ni Cruise. Ang bango niya. Bakit ganoon? Ang bango niya pa rin, like how he smelled last night when... when we did those things... when I couldn’t stop burying my face on his neck... when I couldn’t stop kissing his jaw... his lips. Huminto kami sa ilog. Nagtaka ako ngunit hindi nagreklamo. “Idadaan natin si Cruise diyan?” alalang tanong ko. Mahinang tumawa si Seatiel mula sa likod habang tinatanaw ko ang ilog kung saan sa ibang parte ay rumaragasa ang tubig mula sa mga nakausling bato. “Hindi iyan malulunod, Lauren. It’s his favorite thing...” sagot niya. “At bakit nga ba Cruise ang tinatawag mo? Walang pangalan ang stallion ko.” Ngumisi ako at tiningnan si Seatiel nang makababa siya at tiningala ako. “Well, ngayon, meron na.” Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya. Nagyuko siya at tumingin sa ilog. Hindi niya ako pinababa. Mananatili raw ako sa ibabaw ng kabayo at siya ang magga-guide rito patawid. Walang hirap niya ‘yong nagawa. Nag-alala pa ako kay Cruise pero mukhang enjoy naman siya sa paglangoy roon sa malamig na tubig ng ilog. Ang ilog na ito ang pinakamaiksing daan pabalik sa baryo nina Ate Aly, iba sa dinaanan namin kagabi dahil hindi iyon kailangang tumawid sa ilog ngunit mas malayo. Kailangan kong makabalik bago magliwanag, mas maigi kung hindi pa gising sina Ate Aly. Walang problema kay Seatiel dahil hindi naman nila alam na nakauwi na ito. “A-Ang lamig...” Nabasa ang damit ko, ang ibaba ng dress ay dumikit sa mga hita at binti ko. Umihip ang hangin kaya naman halos manginig ako sa lamig. Kahit si Seatiel ay basa. Hindi ko alam kung sinadya ba ni Cruise dahil umilalim pa ito nang kaunti hanggang halos pati dibdib ko’y mabasa! “Malamig?” Seatiel asked playfully. Nakaalpas kami sa ilog at narating ang damuhan. He’s teasing me habang halos manginig naman ako sa lamig! Inabot niya ang laylayan ng dress ko para pigaan. Tinuyo niya rin ang mga binti at braso ko gamit ang long sleeves na hinubad niya kaya naman lumantad ang kaniyang katawan. Hindi ba siya nalalamigan? “A-Ako na, Seatiel...” sabi ko at nilingon siya. “Bakit mo inalis? Baka malamigan ka.” “I don’t think so. The heat you gave me last night was enough.” Then he winked, making me shake my head. Pinagpatuloy niya ang pagtutuyo sa mga nabasa sa ‘kin. Ang sabi nina Margaret, swerte raw ang mapapangasawa ni Seatiel. Now, it’s starting to linger in my mind. Ano kayang naisip ng babaeng nakatakdang ikasal sa kaniya para takbuhan pa siya? Napatigil siya nang mapatingin sa basa kong dibdib. Natuyo na pati mga braso ko, iyon na lang ang hindi. Dahil mas matangkad siya, nakababa ang kaniyang tingin sa ‘kin at bahagya akong nakatingala. Nagtama ang mga mata namin bago bumaba ang tingin ni Seatiel sa mga labi ko. Pinanuyuan ako ng lalamunan, lalo na nang unti-unti siyang nagyuko habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa mga mata ko. Naramdaman ko na lang ang malambot na mga labi ni Seatiel. Sabay kaming napapikit. Umangat ang mainit niyang palad patungo sa panga ko, and now... we’re drowning each other with kisses again. “Damn, Lauren. I can’t get enough of you...” paos na bulong ni Seatiel. Namalayan ko na lang na inihiga niya ako sa damuhan, maingat, with his hot mouth savoring every part of me, and taking every bit of my innocence away. He took me again. At dawn. Right then and there. “Lauren...” marahang tawag ni Seatiel habang nakaupo kami sa ilalim ng isang puno at nakasandal siya rito, pinaglalaruan ang buhok ko habang nakasandal ako sa kaniyang dibdib at nasa pagitan ng kaniyang mga hita. Parehas naming tinatanaw ang pagsikat ng araw mula sa malawak na damuhan ng La Esperanza, tila nawaksi sa isip ang balak na ihatid ako bago magliwanag. Bahagya akong pumihit para lingunin si Seatiel. Seryoso ang mga mata niya habang nakatingin sa ‘kin. “I have something to tell you,” marahang sambit niya habang titig sa mga mata ko. Nakaramdam ako ng bahid ng kaba. “Pero sagutin mo muna ang itatanong ko...” Matagal kaming nagkatinginan. Napakurap ako bago napapalunok na nag-iwas muli ng tingin. “A-Ano ba iyon, Seatiel?” “Why did you run away?” mahinang tanong niya. Napabalik muli ang tingin ko sa kaniya. Seatiel’s eyes looked lonely... and frustrated. Sa boses niya nang sabihin iyon ay tila ba may iba pang kahulugan ang kaniyang pagtatanong, and I didn’t like that. “Kinamumuhian ko ang lalaking ipapakasal sa ‘kin ng mga magulang ko, Seatiel. They wanted to marry me off with some random bastard na tumatanggap ng babae bilang pambayad-utang,” mariing sagot ko. I didn’t like the thought that suddenly came to my mind. Matagal ang tingin niya sa ‘kin. Naguluhan ako, at nakaramdam ng matinding kaba. Kalaunan ay tumango siya, marahan, at muling hinaplos ang buhok ko pababa sa aking pisngi at baba. “Mabuti na lang tinakbuhan mo...” He smiled. Doon lang nawala ang kaba ko. Imposible nga naman ang naisip mo, Isla. “Ano ang sasabihin mo?” tukoy ko sa una niyang sinabi, ngunit umiling lang si Seatiel at hinalikan ang tuktok ng ulo ko, mabigat ang paghinga. “Wala. Kalimutan mo na. Ihahatid na kita.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD