Kabanata 6

1872 Words
“S-Sinabing huwag kang tumingin!” “Alright, alright. Pipikit ako. Ayusin mo ang damit mo. Sasaluhin kita.” Sa halip na siya ay ako pa ang napapikit dahil sa sobrang kahihiyan. “Hindi na kailangan. Kaya ko!” “Miss—” “Don’t open your eyes!” “Walang magbabago. Nakita ko na...” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at sa sobrang gulat ko ay tuluyan na akong napabitaw sa bintana. Halos tumalon ang puso ko palabas ng dibdib nang maramdaman ang pagkahulog ko. Hinintay ko na lang na bumagsak ako sa lupa pero ang tanging naramdaman ko lang ay ang patak ng ulan nang malayo kaming bahagya sa silong ng bahay. Nasalo niya ako para hindi ako tuluyang masadlak sa lupang ngayon ay basa sa ulan! I grimaced in pain. It was because I had wounds all over my body! Nang makabawi ay agad akong nag-angat ng tingin sa kaniya. My eyes immediately stopped at the sight of his face. Natulala ako sa sobrang gulat at nang matauhan ay agad ding lumayo. Naitulak ko siya para mapabitaw sa ‘kin. Sinubukan niya pang abutin ako para maalalayan sa pag-iisip na mawawalan ako ng balanse, pero wala roon ang atensyon ko. Tulala akong nakatingin sa kaniya habang parang nagpa-flashback sa isip ko ang nangyari just a few seconds ago! “A-Anong nakita mo?” nauutal na tanong ko. Pinagpapawisan ako nang matindi at abot-abot ang hiya at gulat ko. Tumingala ang lalaki sa bintana na tila ba binalikan ang nangyari, kinakagat-kagat ang sigarilyo sa mga labi. Napapikit ako at sa puntong ‘yon ay gusto ko na lang lamunin ng lupa at lumubog mula sa kinatatayuan ko. “Anong ginagawa mo sa bintana? Tumatakas?” sa halip ay tanong nito at hindi pinansin ang sinabi ko. Sinusubukan kong pakiramdaman ang pang-ibaba kong suot but I really can’t tell if I am wearing some slip shorts under the dress or not! Nag-angat ito ng mga kilay at inalis ang sigarilyo sa bibig. “Sana sinabi mong gusto mong umalis, hindi iyong pinahihirapan mo pa ang sarili mo.” Tinuro niya ang payong sa gilid. “Diretsuhin mo ang daang ‘yan. Sa kalsada, may dumaraang tricycle. Dalawang oras mula rito ang bus. Dadalhin ka sa pier,” tuloy-tuloy na sabi niya. Did he seriously... “At wala akong nakita kung ‘yan ang inaalala mo.” W-What? Hindi ako naniniwala! Kasasabi niya lang na nakita niya! “Seatiel? Anong ingay iyan?” tanong ng isang boses mula sa taas. Dumungaw ang may edad na babaeng isa sa mga nakita ko kanina noong magising ako. Nagtama ang paningin namin at gulat itong napatingin sa ‘kin bago lumipat ang mga mata sa lalaki. Nagpapalit-palit ang tingin niya sa ‘min at hindi agad nakapagsalita. “A-Anong ginagawa n’yo riyan? B-Bakit nandiyan ka, hija? Hindi ba...” Hindi ako makapagsalita. Malalim akong huminga nang maramdaman ang sakit ng talampakan ko at ng kamay kong ikinapit ko kanina. “Seatiel? Nauulanan na siya! Pumasok na kayo rito at nakahanda na ang hapunan!” wika ng babae pero wala man lang gumalaw sa amin ng lalaking tinawag niyang Seatiel. “Hija? Mauulanan ka. Lalala ang kondisyon mo at baka maimpeksyon ang mga sugat mo!” nag-aalalang dagdag nito. Pati ang matandang babae ay dumungaw na rin sa bintana at histerikal kaming tiningnan. “Oo nga, Seatiel! Pumasok na kayo rito, Dios miong bata ka!” “Pumasok na kayo, La,” sabi ng lalaki habang salubong ang mga kilay na nakatingin sa mga ito. “Ako na ang bahala.” Matapos niyang sabihin iyon ay umalis din ang dalawang babae roon sa bintana. “Maghapunan ka muna, then you can go wherever you want.” Kumakalam na rin ang sikmura ko kaya hindi ako makatanggi. Ilang araw ba akong nasa ganoong sitwasyon at parang lantang gulay ang katawan ko at nanghihina ako sa gutom? He guided me, but one step and I stopped! Wala pala akong tsinelas at basa ang lapag kaya nabasa ang sugat sa paa ko dahilan para mapahinto ako at ininda ang hapdi. “Your wounds are deep. Mahirap at matagal hilumin ang mga sugat na ito,” saad niya habang tinitingnan ang mga sugat sa binti ko. Malinis naman ang balat ko maliban sa mga sugat na ang iba ay may tapal. There are bruises, too. My immune system isn’t that good, too. Kaya ang dali kong nasugat at nagkapasa ay dahil hindi naman ako sanay tumakbo. Ilang beses akong nagpumiglas pero kulang iyon para makatakas sa mahigpit nilang pagkakahawak, and I ended up... with these. Wala akong laban. I was bruised and wounded, and I couldn’t fight... “Masakit bang igalaw?” tanong niya nang yukuing muli ang binti ko na tinanguan ko na lang. “Tapos nakuha mo pang bumaba sa bintana? Kaya mong maglakad?” Tumango ulit ako, hinayaan ang pagpuna niya sa pagbaba ko sa bintana. Tumayo siya nang tuwid kaya napansin ko agad ang kaniyang tangkad. He’s tall. Really. Mukhang sanay sa work out dahil ang ganda ng katawan. Lumayo siya nang bahagya at hinayaan ako. Sinubukan ko namang maglakad pero nakakailang hakbang pa lang ako ay agad na akong napatigil sa sakit na mukhang dumoble nang babain ko ang bintana. Pumasok kami sa loob at naroon silang lahat sa sala kung saan maraming nakahaing pagkain. Hindi maganda ang pakiramdam ko para kumain pero kumakalam ang sikmura ko. Maybe I’ll get better when I eat. “Ate, ayos ka na po ba? May masama ka po bang panaginip po kanina?” nag-aalalang tanong ng batang lalaki. Siniko siya ng batang babaeng nasa kabilang gilid ko naman. Pilit ko silang nginingitian kahit nanunuot ang sakit sa katawan ko. “Masakit po ba ang sugat n’yo? Gusto n’yo po tulungan ko kayong hugasan ng maligamgam na tubig? Pakukuluan namin ni Bom ang tanim na halaman ni Nanay.” Napangiti ako. Tuluyan akong kumalma. “Tama na iyan, Bom, Cindy... huwag n’yo muna siyang kulitin,” saway ng may edad na babae. Tinawag itong mama ng batang babae. “Oo nga po pala, Ate. Ako po si Cindy... ito naman po si Bom.” Ngumiti sa akin ang batang lalaki. “Parehas po kaming eight years old.” Ngumiti ako. “Hi, Cindy, Bom...” “Alyanna... Aly o Ate Aly na lang,” nakangiting pakilala ng babaeng mama ni Cindy. “Ito naman ang nanay ng asawa kong namayapa na... si Nay Melissa, Nay Issa na lang.” Tumayo ako at nagmano kay Nay Issa na hindi ko nagawa kanina dahil sa halip, binungaran ko sila ng paghihisterikal. Napangiti ang matanda maging si Ate Aly. ‘Yong babaeng nabungaran ko kanina nang magising ako ay patuloy lang sa pagkain niya. Nang tapikin siya ng babae ay doon lang siya nag-angat ng tingin. Her eyes looked at me as if she’s bored. Hindi ko alam kung ganoon lang ba siya tumingin o... dahil ayaw niya sa presensya ko. “Tamsiah,” tanging sabi niya. Tumingin ako roon sa lalaking nasa kabilang dulo ng mesa. Akala ko sasabihin niya rin ang pangalan niya, though I already know his name. Katapat ko si Tamsiah at katabi niya ang lalaki. Hinintay kong magsalita ito pero bago pa mangyari ‘yon ay agad nang napunta sa ‘kin ang usapan. “Anong pangalan mo?” sabay-sabay na tanong nila na mukhang kanina pa ako gustong paulanan ng mga tanong o siguro simula noong mapadpad ako rito. Hindi lang nila nagawa dahil siyempre, wala akong malay. Hindi ko malaman kung anong isasagot. Dapat ko bang sabihin ang totoo kong pangalan o mas mabuting hindi? “Is...” Napatigil ako. Should I really say that name? “L-Lauren... a-ako po si Lauren.” “Taga-saan ka, Lauren?” tanong ni Ate Aly. Nasa akin pa rin ang atensyon nilang lahat. Kahit ‘yong lalaki ay nakatingin sa akin habang kumakain at hinihintay ang mga isasagot ko. “Galing po ako sa Manila.” “Taga-Maynila ka?” sabay-sabay na tanong nila. Nagtaka ako at tumango. Napatingin sa akin si Tamsiah na parang biglang naging interesadong marinig ang kwento ko. “Ang layo ng Maynila... paano ka napadpad dito sa La Esperanza?” “L-La Esperanza?” tanong ko. Is that a place? Hindi ko pa naririnig ang lugar na ‘yon. Patungo ako sa kakilala ni Louisiana pero hindi ko na-encounter ang La Esperanza. Natahimik ako. Pilit kong hinahagilap sa isip ko kung ano ang dapat kong isagot. Ayokong magsinungaling pero sa tingin ko ay hindi magandang bagay na sabihin pa sa kanila ang nangyari at kung paano ako napunta sa lugar na ‘to. “May pinuntahan po akong kakilala dito sa probinsiya kaso ay nanakawan po ako... nawala ang mga gamit at cellphone ko.” “Bakit marami kang sugat? At bakit wala kang malay nang dalhin ka ni Seatiel dito?” mahinahon pero seryosong tanong ni Tamsiah. “Malayo ang tinahak ko. Nakuha ang pera ko kaya ilang gabi akong palakad-lakad hanggang sa inabutan ako ng bagyo. Doon ko siguro nakuha ang mga sugat...” Mukhang naniniwala naman sila sa mga sinasabi ko. Tumatango sila na tila nag-iisip. “Kung ganoon, naging palaboy ka pala, Ate Lauren? Kawawa naman po kayo,” may awang sabi ni Bom. Ngumiti na lang ako at yumuko. I feel so stupid... ano ba ang pinagsasabi ko? “Galing ka ba sa pier? Dahil sabi mo ay galing ka sa Maynila.” Tumango ako at sinabi kung saang port dumaong ang barkong sinakyan ko galing Maynila. “Anong ibig mong sabihin? Sa kabilang isla ang port na ‘yan. Paano ka mapapadpad dito sa Esperanza?” salubong ang kilay na tanong ni Tamsiah. Hindi ko magawang sumagot. Kahit ako, iyon ang tanong, kung paano ako napadpad sa lugar na ‘to. “Paano mo natagpuan si Lauren, Seatiel? Ang layo ng port na sinasabi niya rito,” ani Tamsiah. Napatingin ang lahat sa lalaki. Muling nagtama ang paningin naming dalawa kaya ayon na naman ang kaba sa dibdib ko. Seryoso ang mga mata niya. Natatakot ako sa sasabihin niya. May alam ba siya? Alam niya bang muntik na akong mapagsamantalahan? Sana ay hindi niya na iyon binanggit... “Sa daan pabalik dito noong galing ako sa siyudad. She was freezing to death. Puno ng sugat at putik ang damit, nawalan ng malay sa daan. Dinala ko siya kay Aling Alda sa kabilang isla bago isinama rito.” Nakita ko ang matagal na tingin ni Tamsiah kay Seatiel, seryoso ang mga mata nito. “Dinala mo na pala siya sa manggagamot. Sana ay hindi mo na inuwi rito sa isla. Mas magiging mabuti ang lagay niya roon.” “Tamsiah,” saway ng matandang babae, si Nay Issa. Napayuko na lang ako. Nakaramdam ako ng hiya. I feel bad. Mukhang ayaw ni Tamsiah na nandito ako. Napailing na lang ang babae at saka nagtuloy sa pagkain. Bumuntonghininga si Ate Aly. “Sana medyo maayos na ang pakiramdam mo kahit papaano, Lauren. Manatili ka muna rito hangga’t hindi ka pa gumagaling, hangga’t kailan mo kailangan.” Ngumiti na lang ako at hindi na sumagot. Hindi ko maiwasang tingnan si Tamsiah. Mukhang hindi niya gustong nandito ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD