Relentlessly I “Hmm, kakauwi ko lang. May inasikaso lang ako.” Nagtama ang paningin namin. Pinasadahan ko agad ng tingin ang kaniyang mukha para alamin kung ano ang ginawa ni Mayor o ng mga tauhan nito sa kaniya. Medyo matagal ang naging pag-uusap nila. Kaninang umaga pa iyon at gabi na! Naglaho na lahat ng bakas ng liwanag sa langit at kakauwi niya lang. “Anong nangyari? Bakit ngayon ka lang?” tanong ko. Hinawakan ko ang kaniyang panga at binaling ang ulo para tingnan kung may natamo ba siyang sugat o ano. Seatiel just smiled. Pero iyong ngiti niya ay ngiti na hindi umaabot sa kaniyang mga mata. Para ding may malalim siyang iniisip dahilan para kabahan ako. “Nakita ko sina Mama. At may inayos lang ako tungkol sa trabaho nina Mang Lucio para sa gagawing export,” sagot ni Seati

