Kabanata 4

1493 Words
Napasigaw ako sa sakit nang mapatid ako sa isang sanga at bumagsak sa maputik na kakahuyan. Lumikha ng ingay ang mga tuyong dahon. “No... please,” nanghihinang bulong ko. Pinilit ko ang mga binting tumayo. Pinilit kong tiisin ang sakit ng sugat sa palad ko nang humiwa roon ang matulis na sanga. Halos manlumo ako. Nanghihina man ay pilit pa rin akong nagpatuloy sa pagtakbo. Naririnig ko ang tinig ng mga lalaki na sumasabay sa bawat kulog at kidlat. Hindi pa rin ako tuluyang nakakalayo sa kanila. Napuno na ng putik ang damit ko sa tuwing sumasabit iyon sa mga sanga. Halos lumubog ang mga paa ko sa mapuputik na parte ng gubat ngunit ininda ko ang lahat ng ‘yon at nagpatuloy lamang sa pagtakbo. “Isla!” sigaw ng galit na galit na lalaki. Pilit akong hindi gumagawa ng ingay habang patakbong tinatahak ang dilim. Naghahalo ang tinig nito sa mahihina kong hikbi na tanging karamay ko. Nang hindi ko na kaya ay napaluhod ako sa putikan. My lips were trembling in coldness and fear. Patuloy sa buhos ang mga luha ko. Para lang hindi ako nito makita ay ginapang ko ang tabi ng isang malaking puno para doon magtago. Pagod na pagod kong isinandal ang ulo sa katawan ng puno. Pawis na pawis ako kahit malakas ang ulan. Pilit akong hindi gumagawa ng ingay sa kabila ng sobrang sakit ng sugat sa kamay at mga binti ko. Lumapit nang lumapit ang lalaki. Palakas nang palakas at lumilinaw rin ang kaniyang tinig sa kabila ng buhos ng ulan. Napatakip ako sa bibig para pigilan ang iyak ko. Takot na takot ako. Hindi ko lubos maisip ang nangyayari ngayon. Basta ang alam ko lang ay tumatakbo ako at umaasang makakalagpas ako sa bangungot na ‘to, na baka magising ako at isa lang itong masamang panaginip. “Isla... hindi mo na kailangang tumakbo o magtago... mahuhuli at mahuhuli ka namin,” malamig ang boses na sabi ng lalaki. It was the man in the driver’s seat. Kumakawala ang mga hikbi ko at mabibigat na paghinga. Pilit akong humahagap ng hangin at hindi gumagawa ng ingay. Impit akong napapitlag nang may hinampas itong sanga sa paligid. Winawaksi niya ‘yon. Alam niyang nagtatago lang ako sa paligid. Nanghilakbot ako sa takot. Ramdam kong nasa likod na siya ng punong pinagtataguan ko. Dahan-dahan akong umikot patungo sa kabilang gilid at narating ko ang likuran ng lalaking nakasumbrero. Pilit kong nilalabanan ang panghihina ko. Walang oras para maging mahina sa sandaling ito. Nag-alab ang galit at labis na pagkasuklam sa ‘kin habang nakatanaw rito. Mariin kong hinawakan ang baril na nakuha ko kanina. Nanginginig man ay dahan-dahan ko ‘yong inangat at tinutok sa lalaki. Basa ang baril at gumuguhit ang mga butil ng ulan mula rito patungo sa kamay ko. Tumigil sa paglalakad ang lalaki at dahan-dahang lumingon sa akin. Natigilan siya nang makita ang hawak kong baril. Ilang saglit pa ay sumilay ang mapaglarong ngisi sa mga labi niya. “Naiintindihan ko na kung bakit gustong-gusto ka ni Boss,” mahinang sabi nito at animo’y natatawa. Nagngitngit ang mga ngipin ko at mahigpit na tinutok sa kaniya ang baril. “P-Pakawalan n’yo ako... mga hayop kayo!” sigaw ko. Tinaas ng lalaki ang dalawang kamay niya at humakbang palapit sa ‘kin. Umatras ako at mas tinutok ang baril sa kaniya. “Subukan mong lumapit at hindi ako magkikiming pindutin ang gatilyo!” banta ko. Dahan-dahan akong humakbang para pagpalitin ang pwesto namin nang sa gano’n ay makapagpatuloy ako sa pag-alis at pagtakbo palayo. Nanatiling nakatutok sa kaniya ang baril na hawak ko. Isang mapaglarong ngisi ang nasa mga labi nito. Namalayan ko na lang na mayroong humampas mula sa likod ko dahilan para mabitawan ko ang hawak na baril at mapaluhod ako sa putikan. I fell on the ground and my sight was too blurry. I couldn’t see anything. Ang tanging naramdaman ko ay ang malamig at basang lupa, ang bawat patak ng malakas na ulan, at ang mga haplos sa katawan ko. I’ll die tonight... Iyon ang tanging nasa isipan ko. Hinang-hina na ako nang pilit akong itinihaya ng lalaki at idiniin ako sa kinasasadlakan ko. I cried in pain and horror. He started touching me. Hindi ko magawang idilat ang mga mata ko dahil sa ulan na tumatama sa mukha ko. Patuloy ako sa pagtulak sa kaniya palayo sa akin. Gusto kong kumawala. Pilit ko siyang nilalayo. Paulit-ulit ako sa pagmamakaawa ngunit para siyang walang naririnig. “H-Huwag... parang awa mo na! Parang awa mo na, p-pakawalan n’yo ako...” Walang mapagsidlan ang mga luha kong sumasabay na lamang sa mga patak ng ulan. I screamed and tried to defend myself. Idiniin nito ang mga kamay ko sa lupa. Patuloy ako sa pagpiglas nang lumapat ang labi nito sa panga at leeg ko. Nanghihina na ako sa bawat palag at unti-unti akong nilulukuban ng takot at kawalan ng pag-asa. “Tangina, ang likot mo! Hindi ka ba napapagod kakapalag!” galit na sigaw nito at sinampal ako. Marahas niyang hinablot ang panga ko at sinubukan akong halikan. Gamit ang natitirang lakas ay sinipa ko siya. Gumapang ako at pilit bumangon. Binalik ako ng lalaki sa kinalalagyan ko. Napahiyaw ako sa paghila niya sa aking buhok. Paulit-ulit niya akong pinagbabantaang papatayin niya ako kapag sumigaw pa ako at nanlaban. Muli siyang umibabaw sa ‘kin. May nakapa akong bato mula sa gilid ko. Kinuha ko ‘yon at buong lakas na pinukpok sa lalaki. Napahiyaw ito sa sakit at napahiga sa lupa. I gasped in horror. Kahit kailan ay hindi ko naisip na magagawa kong manakit ng tao, na magagawa kong humawak ng mga ganitong bagay, na magagawa kong manutok ng baril! Nagsikap akong bumangon. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at mabilis na tumakbo palayo. Patuloy sa pagsigaw ang lalaki dahil sa sakit mula sa pagkakatama ng bato sa ulo niya. Doon siya narinig at nilapitan ng dalawa pang kasama na nawala sa paghahanap sa ‘kin. Panay ang lingon ko sa likod habang patuloy sa pagtakbo. Ilang beses akong nadapa ngunit agad kong binabawi ang sarili at sinisikap na bumangon upang tumakbo ulit. Ilang banta pa at mga sigaw ang umalingawngaw sa paligid. They’re going to hunt me even after this, even after escaping this tragedy... Pagkatapos nilang makuha ang mga balak nila ay papatayin nila ako! Wala na akong lakas. Ibinuhos ko na ang lahat ng iyon sa pagtakbo. Patuloy ang agos ng mga luha ko. Punit-punit na ang suot kong bestida at napuno na iyon ng putik. Basang-basa ako sa ulan at patuloy ang tila wala nitong katapusang pagbuhos. Bumabagal na ang bawat lakad ko. Hirap na akong tahakin ang masukal na gubat. Napapakapit na lang ako sa mga puno upang humugot ng hangin at ng lakas. Umiikot ang paningin ko at ramdam kong malapit na akong mawalan ng malay. Kung mamamatay man ako sa gabing ito ay alam ko sa sariling lumaban ako sa kahuli-hulihan. Napaluhod ako sa labis na panghihina, ngunit sa pagkakataong iyon ay sa sementadong kalsada ako bumagsak. Nawala ang mga puno at naging marahas ang pagtama ng ulan sa katawan ko. Wala akong makita dahil bukod sa hilo ay tanging buhos ng ulan ang natatanaw ko. Pinilit kong tumayo at maghanap ng sasakyan. “T-Tulong! T-Tulungan n’yo ako!” sigaw ko kahit hindi na sapat ang boses ko para may makarinig sa ‘kin. Nakahugot ako ng lakas sa nakitang iilang sasakyang dumaan. Pilit kong pinapara ang mga ito. “Get off the road, Miss!” sigaw ng sakay ng isang kotse at pinaharurot ang sasakyan palayo. Nanginginig ako sa labis na panghihina at takot. Gumuho ang natitira kong pag-asa. Hindi ko na kaya... Napayakap na lang ako sa sarili. Isang maliwanag na head light ng sasakyan ang muli kong natanaw sa dulo ng kalsada. Pumatak ang luha ko. Mabilis ang andar nito at tuloy-tuloy dahil sa madulas na kalsada. Desperado na akong makaligtas at makawala sa bangungot na ito... Hindi na ako nag-isip pa. Kusang gumalaw ang mga paa ko. Gumitna ako sa kalsada at hinarang ang aking mga kamay, umaasang magagawa nitong pigilin ang sasakyan, umaasang kung sino man ang sakay nito’y ililigtas ako mula sa kamatayan. Napapikit ako sa liwanag ng ilaw ng kotseng mabilis prumeno at lumikha ng ingay nang biglang tumigil sa harapan ko. Sa pagmulat ng mga mata ay naaninag ko ang isang lalaking mabilis na bumaba sa kotse. Naglandas ang mga butil ng ulan sa talukap ng mga mata ko. My lips were trembling. My knees were frail. Everything was fuzzy. Ang tanging nasa isip ko ay ang makalayo sa lugar na ‘yon, ang makaligtas mula sa mapait na pangyayari. “T-Tulong... t-tulungan mo ako.” Halos walang lumabas na tinig sa bibig ko. My strength completely left me. My body gave up. Ang huli sa alaala ko ay ang tinig ng lalaking bumaba sa kotseng iyon... bago tuluyang dumilim ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD