Relentlessly I Nagising ako sa gitna ng pag-uusap. Mahina lang iyon ngunit sapat upang pukawin ako mula sa pagkakahimbing. Bumukas din ang pinto at pumasok si Sonyang. Siya ang unang nadapuan ng mga mata ko. She was holding a tray of food. At siguro, umagahan na. Pumikit ako ulit at wala pa man ay bumuhos nang sunod-sunod sa alaala ko ang nangyari, dahilan para tuluyang magising ang diwa ko. Parang bahang umagos sa isip ko ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Fear rushed through my bloodstream awaking every part of my senses. Dahil doon ay napabangon akong tuluyan na naging dahilan para matigil ang pag-uusap. Sa bandang paahan ng kama ay naroon sina Mayor at Creed, seryoso ang pag-uusap. Sa pagkakabalikwas ko ay si Creed ang unang bumaling sa akin at agad niya akong dinaluhan.

